Mga Kabuuang Pageview

Biyernes, Marso 16, 2012

Anne type ma-kiss si Robin

Mula sa pahayagang Aksyon
WHAT’S THE POINT?
Ni Pilar Mateo




SHE’S got flair! ‘Yun ang nakita ko kay Anne Curtis nang pagkatapos ng kanyang launch as the new Cherry Mobile endorser at pasakay na ito sa kanyang kotse, binati niya ang isang reporter na may sama ng loob sa kanya. “Bati na tayo, ha? Huwag ka na magalit sa akin,” sabay ngiti ng dalaga. Na ikinatuwa naman ng hiningan ni Anne ng nasabing chance. Sabi nga sa press release, Anne seals Cherry Mobile with a Kiss. Dahil ang kanyang kiss mark ang nakatatak sa ilang modelo ng may animnapung klase na ng cellphones sa ilalim ng nasabing brand. Natanong nga si Anne kung bakit ang Cherry Mobile ang nais niyang i-endorso more than sa nagkalat ng sari-saring brands in the market. “May puso behind the lips. Ako ‘yun! And if you see the different phones, somewhat parang ako. “These Kiss Phones will also help my favorite charities when you purchase them. At very affordable naman ang presyo nila. “Actually, I am on the lookout for untouched faces for my charities. Para sa akin, dahil sa naging very blessed ako the past years, I realized it’s payback time. “I was so moved sa naging suporta sa akin ng mga tao sa lahat ng ginagawa ko -- whether on TV, the movies, pati sa dream kong concert. “So, what else is there to ask? Kaya ako naman ag magsi-share at magi-give back ng blessings.” Isang coupon bond nga raw ang nakahalikan ni Anne para sa kanyang bright red pouting lips na imamarka sa ilang models ng mga Kiss Phones ng Cherry Mobile. Eh, may nagtanong sa kanya, paano raw ang mga male consumers na ang gusto talaga eh, kiss mula sa kanyang bright red pouting lips? “My kiss mark naman would be the seal sa phones nila. Kaya they can kiss that.” Aba, ang tatlo palang stars na gustong ma-kiss ni Anne eh, sina Derek Ramsay, Robin Padilla at si Chubi del Rosario. Ang tatlong ito ang masusuwerte’ng she’ll seal a kiss with. Si Chubi? “Syempre, puppy love ko siya. No, he’s not my first love. Si Oyo Boy (Sotto) ‘yun.” Sabi naman ng mga taga-Cherry Mobile, si Anne raw at ang perfect lips nito ang talagang nagswak sa kanilang campaign. Imagine mo nga naman, kahit alas diyes ng umaga, siya lang ang nakaka-carry talaga to have those bright red lips talking to your TV screens. Available na sa market ang K1, K8, K9 and K10 models -- ang ilan sa mga ito eh, ‘yung makakapanood ka na sa TV, na gustung-gusto ni Anne dahil gusto nga raw niya eh, updated din siya sa mga palabas lalo na’t nasa shooting o taping siya. Siya, makipaghalikan na and seal your lips with Anne sa kanyang Kiss Phones!

 * * *


MAMAYANG gabi sa “The Bottomline” hosted by Boy Abunda, ang Prosecution Team naman ng COroan Impeachment ang bubuwelta sa batikos sa kanila ng publiko. Noong nagdaang Sabado, ang isa sa mga defense spokesperson ni Chief Justice Renato Corona ang natunghayan sa nasabing programa. This time, ang Aurora Representative na si Sonny Angara naman ang magbibigay linaw sa maiinit na isyung kanilang kinakaharap. Paano nga bang tinatanggap ng prosekusyon ang mga puna at batikos sa kanila, hindi lang ng publiko kundi pati na ng media, sa kanilang presentasyon sa Senate Impeachment Court? Anu-ano ba ang mga kuwento sa likod ng pag-withdraw ng prosekusyon ng limang articles of Impeachment? Paano nila sasagutin ang mga katanungang nadadamay ang pangalan ng Pangulong Noynoy Aquino sa mga nagsasabing diumano’y ito ang nasa likod ng kaso laban sa nasabing Chief Justice? Kaabang-abang na naman for sure ang mga ihahaing tanong ng “Ani ng Dangal 2012” awardee na si Kuya Boy sa kanyang panauhin. Kasama ang mga bottom-liners na magbibigay din at magsasaad ng iba pa nilang gustong malinawan sa
Representative ng Aurora.




Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Disclaimer

Most of the videos and images posted on this blog were taken from the various sites on the internet, especially those embedded code from You Tube and results from google search.
My E-net claims no rights to the videos and photographs posted on this blog.
Any objection from the owner of the videos and photos posted herein, or any other reasons why they should not appear on this blog, contact me at gaseous@hotmail.com, and they will be removed immediately.