Mga Kabuuang Pageview

Huwebes, Marso 22, 2012

Gerald napipikon na sa mga fans na nagagalit kay Sarah


Mula sa pahayagang Aksyon
Xkandalo
Ni Roldan Castro

NAPIPIKON at nalulungkot na si Gerald Anderson sa ilang members ng Kimeralds  na nagpapadala ng hate emails tungkol kay Sarah Geronimo .
Hindi  nagugustuhan ni Gerald ang ginagawang ito kay Sarah ng fans nila ng dating girlfriend at ka-loveteam na si Kim Chiu.
Naiintindihan naman daw niya kung ganoon ang paraan ng pagpapakita ng suporta sa kanya ng Kimerlads pero hindi naman daw niya sinasabing tama ang ganoon.
"Kung ganoong klase ng paraan ng pagsuporta ang gagawin nila sa amin, siguro mabuti pa na huwag na lang kasi ayokong nakakasakit ng ibang tao.
“Sana huwag tayong mandamay ng iba na nananahimik lang,” deklara ng guwapong actor.
Sey ng Kimerald?
  * * *
Kim nakipag-dinner kay Xian kasama ang kanyang pamilya

BAKIT ang Kimeralds puro na lang si Sarah Geronimo ang laman ng hate emails nila at binabantaan nang kung anu-ano?
Mabuti’t hindi kasama si Xian Lim sa pinag-iinitan nila.  Posible kasing si Xian Lim na ang susunod na makakarelasyon ni Kim Chiu, huh!
Halatang gusto rin naman kasi ni Kim si Xian.  Kung hindi, sasama ba naman siya rito palagi everytime na imbitahin siya nito for a dinner?  
At may isang time pa na kasama ni Kim ang pamilya niya na nakipag-dinner kay Xian.  O di ba, may ganoong factor na?
Siguradong matutuwa ang KimXi sa magandang kaganapan sa kanilang mga idolo.
Tsuk!
* * *
 
 HINDI totoong  tinanggihan ni Karylle ang indie film na “Lam-Ang” na pagbibidahan ni Rocco Nacino.  Hindi na siya nahintay ng production kung ubra ang sked kaya humanap na lang sila ng kapalit sa katauhan ni Rochelle Pangilinan.
Bagay kay Rochelle ang role dahil morenang babae ang hinahanap nila.
Mali ang press release na si Isabelle Daza ang pumalit kay Karylle.  Si Isabelle ang first choice pero hindi rin umubra.
‘Yun na!
* * *
DAPAT mag-double effort si Derrick Monasterio sa panliligaw kay Sarah Lahbati.  Balita kasi namin ay pinopormahan din ni Carlo Aquino si Sarah.
Madalas nga raw bumisita si Carlo sa bahay ng aktres at kahit sa taping nito noon ng seryeng pinagbidahan nito na “Kokak.”


Kung babagal-bagal pa si Derrick ay baka maunahan pa siyang mapasagot ni Carlo si Sarah, di ba? 
Pero teka, wala na ba si Carlo at ang girlfriend niya na miyembro ng Eurasia na si Kristine Nieto?
* * *
EXCITED na ang libu-libong fans ng “American Idol” star na si David Archuleta sa buong mundo dahil sa nalalapit na pagtatapos ng kanyang kauna-unahang Asian TV project, ang “Nandito Ako” ng TV5.
Sa pagsasara ng “Nandito Ako,” nakaabang ang lahat dahil sa nalalapit na benefit concert ng character ni Archuleta sa mini-serye na si Josh Bradley, nakatakda niyang i-reveal sa lahat ang real identity ng kanyang girlfriend.
Pero malaking palaisipan ito para sa mga manonood ng “Nandito Ako” dahil kahit na alam nilang si Anya (Jasmine Curtis Smith) ang tunay na mahal ni Josh, nagparaya ang dalaga para sa kanyang bestfriend na si Holly (Eula Caballero) na nagmamahal din kay Josh.
Masakit man kay Anya, pinili niyang ipaubaya si Josh kay Holly dahil sa pagka-diagnose ng bestfriend niya with brain cancer, nais niyang maging masaya ito sa kaniyang mga nalalabing araw. 

 Sa paglayo ni Anya, mas napalapit si Josh kay Holly.  Pero malalaman pa kaya ni Josh na si Anya ang batang babaeng nagligtas sa kanya sa sunog dati at nasa dalaga din ang nawawalang piraso ng kanyang relo?
Pakaabangan ang madamdaming pagtatapos ng kuwento ng “Nandito Ako,” na gabi-gabing pinag-uusapan sa buong mundo sa walang humpay na pag-trending topic nito sa Twitter, hindi lang sa Pilipinas, kundi worldwide.
Sa Amerika ay nagsasagawa ng “Nandito Ako viewing party” ang mga followers ng “Nandito Ako” at hooked na rin ang mga non-Filipino viewers nito sa love triangle nina Josh, Anya at Holly.
Napapanood ang “Nandito Ako” gabi-gabi hanggang Marso 23, pagkatapos ng “Wil Time Bigtime” sa TV5.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Disclaimer

Most of the videos and images posted on this blog were taken from the various sites on the internet, especially those embedded code from You Tube and results from google search.
My E-net claims no rights to the videos and photographs posted on this blog.
Any objection from the owner of the videos and photos posted herein, or any other reasons why they should not appear on this blog, contact me at gaseous@hotmail.com, and they will be removed immediately.