Mga Kabuuang Pageview

Miyerkules, Marso 28, 2012

Sarah at Gerald matatagalan pa bago umamin


Mula sa pahayagang Aksyon
SHOWBITZ & PIECES
VINIA VIVAR

MAIKLING sagot lang ang nakuha ng “The Buzz” na inere last Sunday mula kay Cristine Reyes sa isyung hiwalay na sila ni Rayver Cruz at ‘yan ay “Okay kami.”
‘Yun lang at wala nang anupamang elaboration o detalye kaya mag-iisip kang mukha ngang may pinagdadaanan ang magdyowa.
Pero nagkoment si Toni Gonzaga na sa pagkakaalam daw niya ay hindi naman hiwalay ang dalawa dahil nakita lang niya si Rayver at masaya naman daw ito.
            Samantala, segue naman sa relasyong Sarah Geronimo at Gerald Anderson.  Kung natsitsismis na ending na ng relasyong Cristine-Rayver, ito namang sina Sarah at Gerald ay papasimula pa lang.
Yun nga lang, kung si Gerald ay buong ningning na inamin na nanliligaw siya sa dalaga, si Pop Star naman ay walang pag-aming inaanunsyo.
Say niya ay hindi raw siya kumportableng pag-usapan ito.
            Komento naman ni Toni, sa nakikita raw niya, mukhang matagal pa bago natin mapaamin sina Sarah at Gerald.
          ‘Yun na!
* * *

WE LEARNED na nagparehistro na pala si Aga Muhlach sa Camarines Sur bilang paghahanda sa napipinto niyang pagtakbo bilang Congressman sa naturang lugar sa susunod na eleksyon.
        Mukhang desidido na si Aga sa pagpasok sa politics at mukhang ito na ang kanyang susunod na career sakaling iwanan niya ang showbusiness.
        We learned na hindi problema kay Aga ang perang gagastusin sa kampanya dahil may sapat na ipon na raw ito.   Magaling humawak ng pera ang aktor at marami na raw itong naipon sa pagdaraan ng mga taon.
       Kung sakaling papalarin, marami raw plano si Aga para lalo pang mapauland at mapaganda ang Camarines Sur.
* * *

SI IZA Calzado ang latest addition sa cast ng pangatlong movie nina Sarah Geronimo at John Lloyd Cruz na nagsimula nang gumiling ang camera.
Ito bale ang first movie ni Iza sa Star Cinema at wala pang ibinibigay na detalye tungkol sa role na kanyang gagampanan.  Kung kontrabida ba siya or support group ng bida.
            Excited nga raw si Iza sa kanyang first movie sa Star Cinema dahil isang malaking pelikula agad ito at makakasama pa niya sina Sarah at Lloydie na itinuturing na big stars ng Kapamilya network plus the fact na malaki ang posibilidad na maging box-office na naman ito tulad ng naunang dalawang pelikula ng dalawa.
            Balitang sa June or July ang playdate ng movie mula sa direksyon ni Cathy Garcia-Molina.

         

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Disclaimer

Most of the videos and images posted on this blog were taken from the various sites on the internet, especially those embedded code from You Tube and results from google search.
My E-net claims no rights to the videos and photographs posted on this blog.
Any objection from the owner of the videos and photos posted herein, or any other reasons why they should not appear on this blog, contact me at gaseous@hotmail.com, and they will be removed immediately.