Mga Kabuuang Pageview

Linggo, Marso 11, 2012

Zoren natensyon kay BB Gandanghari


Mula sa pahayagang Aksyon
What's The Point?
Pilar Mateo


SI RUFFA Gutierrez ang buong ningning na nagbalita sa “Paparazzi” noong Sabado ng hapon na umuwi na sa bansa ang matagal-tagal ding na-miss ng kanyang mga tagahangang si BB Gandanghari.
Matagal din itong nanahimik sa New York, USA.  At kung may mga pagkakataon namang nakakalipad doon si Ruffa at ang kanilang circle of friends eh, panay din naman ang pagkikita-kita at reunion nila.
Sakay ng Eva Air mula sa New York, sinundo ng misis ni Robin Padilla na si Mariel Rodriguez ang kanyang ‘hipag’.  At sa tahanan ng mga Padilla nga raw muna mag-i-stay si BB.
Nabanggit din ni Ruffa na may niluluto nang show for BB na sigurado raw na ikagugulat ng madla.
Sinusugan naman ni ‘Nay Cristy (Fermin) ang nasabing balita.  Kaya nga sa darating na Sabado, may aabangang mga ‘pasabog’ from BB sa nasabing programa.  Hindi pa lang natiyak kung pre-taped ito o magla-live guesting si BB sa nasabing palabas.
Tinanong naman ni Ruffa ang binalitaan niyang si Zoren Legaspi sa pagbabalik ng nag-out na nga sa kanyang katauhan na dati namang naging mister ng misis na ngayon ni Zoren na si Carmina Villarroel.
Ang tanong nga eh, kung papayag na ba si Zoren na siya ang kumapanayam kung sakali kay BB o kaya naman eh, mag-sit down dinner siya at si Carmina with BB.
Sinabi naman ni Zoren na wala naman itong problema.  Pero syempre naman daw eh, tatanungin pa rin niya si Carmina kung papayag din ito.  
Pero sa kalaunan ng programa, nang masabi ng malamang na maging panauhin nila sa Sabado si BB, bigla na raw umaariba ang tensyon at kaba kay Zoren.
Naibalita na rin ni ‘Nay Cristy na sa TV5 magkakaroon ng programa si BB.  Na hindi naman imposible kung sakaling ang pinag-uusapan ng magiging talent fee ni BB eh, maghi-hit sa milyones.
This is one episode na hindi pwedeng palampasin.  Siguradong magiging masaya ito.  At malamang ma-drama rin.
So, live man o pre-taped -- is it Zoren who will do the interview with the BB?

* * *

SORRY, pero according to Gelli de Belen na naupo sa “Presscon Express” ng “Paparazzi,” kahit na raw nakikita nila ng mister niyang si Ariel Rivera na may mga nahihilig sa kanta, sayaw at iba pang sining na kunektado sa showbiz ang kanilang mga anak, wala naman daw sa mga ito ang may hilig na sundan ang kanilang footsteps.
Ang sabi ni Gelli, mas may hilig daw na mag-showbiz ang mga anak ng kanyang Ate Janice.
Sasalang na sa paghu-host ng “Game N’ Go” si Gelli sa Sabado with Edu Manzano,Councilor Shalani Soledad Romulo, Arnell Ignacio, Tuesday Vargas, Wendy Valdez at Pretty Triszha.
Kahit naman daw pareho silang busy at visible ngayon ng kanyang mister na si Ariel (na nasa kabilang bakod naman para sa “E-Boy” ng Kapamilya), they make it a point na ang quality time nila as a family eh, hindi nila kinakaligtaan.
        Noon pa naman daw nila ito naging kasunduan ni Ariel.  Mahalaga sa kanila ang trabaho pero mas matimbang ang pagiging family man and woman nila.
Marami pa rin ang naiinggit sa pagiging slim ni Gelli.  At sa unang malas nga eh, hindi mo iisiping nagkaanak na ito.  Dahil ke liit-liit pa rin ng kanyang bewang.
“Lucky lang ako na sa akin napunta ‘yung genes na payat talaga.  Kahit magpataba ako, ganito pa rin ako.  Masaya lang at masarap ang feeling!”
Sa pakikipagbanggaan ng kanilang ilulunsad na show sa ‘di matinag na “Eat…Bulaga!” at sa umaarangkada nang “It’s Showtime,” handa na ba ang tropang “Game N’ Go”?
“Ang hangad lang po namin eh, makapagpasaya ng ating mga kababayan. At makatulong in our own way sa paghahatid ng saya sa kanila.  Sabi nga, mas marami, mas masaya.”
Balitang one hundred million na ang inabot sa pagpapaayos pa lang ng magiging tahanan ng “Game N’ Go” in the years to come -- ang Delta Theater.
Bumagsak man ang kisame nito bago sumapit ang opening salvo sana nila noong Sabado, nagkaroon pa uli ng pagkakataon para lalo pa itong pagandahin at patibayin!

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Disclaimer

Most of the videos and images posted on this blog were taken from the various sites on the internet, especially those embedded code from You Tube and results from google search.
My E-net claims no rights to the videos and photographs posted on this blog.
Any objection from the owner of the videos and photos posted herein, or any other reasons why they should not appear on this blog, contact me at gaseous@hotmail.com, and they will be removed immediately.