Mga Kabuuang Pageview

Linggo, Marso 18, 2012

Maricel at 2 kasambahay nagkaayos na


Mula sa pahayagang Aksyon
WHAT’S THE POINT?
Pilar Mateo  


 GOOD news para sa mga tagahanga ng Diamond Star na si Maricel Soriano ang hatid ng kanyang mga managers ngayon na sina Boss Vic del Rosario at Shirley Kuan.
 Dahil nagkaroon na pala ng pag-aayos sa pagitan nito at ng dalawang dati niyang kasambahay na nagsampa ng reklamo at kaso laban sa kanya noong nagdaang taon.
            Nagpasalamat sina May Cachuela at Camille Acojedo sa broadcaster na si Mon Tulfo dahil ito ang tumulong sa kanila nang dumulog sila rito para sa kanilang mga inihaing reklamo.
            Matatahimik na rin ang lahat ng kampo.  At pare-pareho na silang mahihimbing sa kanilang pagtulog sa gabi dahil tapos na ang mga agam-agam.  
 * * *

NAGKAROON ng chance na makapanood nang live sa studio ng ABS-CBN ng “It’s Showtime” ang officers at board members ng ENPRESS (Entertainment Press Society), Inc. noong Biyernes ng tanghali.
            Inaliw kami ng mga hosts nito at syempre, hindi matatawaran talaga sa mga pasabog nila ng mga nakakatawa nilang mga linya itong sina Vice Ganda at Anne Curtis.
            After the show, nagkaroon din ng courtesy call ang grupo kay Sir Bong Osorio, ang ASB-CBN Corporate Communications Head.  At nagkaroon ng tsikahan at Gerry’s Grill.
            Isinasagawa naman ito ng grupo ni Sir Bong every now and then para malaman din nila ang mga concerns ng mga writers tungkol sa mga plano pa nila para sa kanilang network.
            Basta, memorable ang afternoon na ‘yun with Sir Bong.  Instead na kami ang maraming mabalitaan, siya ang may nabalitaan sa amin!
* * *

 AT KASAMA ni Sir Bong ang siyang nag-asikaso sa aming isa sa PR ng Kapamilya na si Aaron Domingo.  At nasa nasabing merienda cena rin ang isa pang PR na si Kane Choa.
            Sa sipag ni Aaron ha, bitbit nito ang balita tungkol sa dalawa sa mga bida ng “Mundo Man ay Magunaw” na sina Empress Schuck at Ejay Falcon.
            Malapit na kasi ang observance ng Holy Week.  At sa kuwentong bitbit ni Aaron -- sa Tagaytay nga raw plano ng dalawang magbakasyon.
            Pero, kahit na nasa iisang lugar ang dalawa eh, hindi naman sila syempre magkasama. Dahil ang mga pamilya nila ang kasama nilang magpapahinga sa nasabing malamig na lugar para na rin makapagmuni-muni this Lenten season.
            According to Empress, talagang puntahan na ng pamilya nila ang Tagaytay to get their r&r (rest and relaxation).  Pero kapag kailangan nila mag-swimming, doon sila sa bahay ng tita niya pumupunta.
At kung hindi naman panahon ng Semana Santa, ang Tagaytay daw eh, lugar nila ng mga pinsan niya para makapag-girl bonding at food trip.
            Si Ejay naman, ang pamilya niya ang humiling sa kanya na dun sila dalhin nito this Holy Week.  Madalas kasi na sa bayan niya sa Mindoro nagtutungo si Ejay kapag mga ganoong panahon.
            Kaya, ang pagbibigay sa hiling ng pamilya ang siyang gagawin ni Ejay sa panahong ito.
            Kung magkikita o magsasalubong ang landas nila ni Empress dun eh, hindi imposible. Malamang napag-usapan na nila ito sa ginawa nilang mall show para sa kanilang mga fans sa Pacific Mall in Lucena noong Sabado.
            Umiinit na ang mga eksena nila with Alex Castro sa “Mundo Man ay Magunaw” kaya nga ‘ata kailangan muna nila ang magpalamig!






Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Disclaimer

Most of the videos and images posted on this blog were taken from the various sites on the internet, especially those embedded code from You Tube and results from google search.
My E-net claims no rights to the videos and photographs posted on this blog.
Any objection from the owner of the videos and photos posted herein, or any other reasons why they should not appear on this blog, contact me at gaseous@hotmail.com, and they will be removed immediately.