Mga Kabuuang Pageview

Lunes, Marso 26, 2012

Katrina kinumpirmang 3 buwang buntis


Mula sa pahayagang Aksyon
My E-net
By Gas Gayondato 

 KINUMPIRMA mismo ni Katrina Halili, sa interview sa kanya ni Ricky Lo sa “Startalk” last Saturday, na three months preggy siya sa boyfriend niyang si Kris  Lawrence.
            Around February niya raw nalaman na buntis siya.  Ang personal assistant daw niya ang una niyang pinagsabihan tapos si Kris.
     Masayang-masaya naman daw ito sa kanyang pagbubuntis dahil itinuturing nilang isa itong blessing.
   Isang araw daw niya itinago sa kanyang sarili ang tungkol sa bagay na ito.   Mga isang araw daw muna bago niya natanggap na buntis na siya.
“Nag-isip muna ako.  Siyempre iisipin mo na parang a, ready na ba ako?  Siyempre po nabigla ako, di ba?
“Isang araw po inisip ko tapos parang, kinabukasan parang... tanggapin ko na, blessing ‘yan.
After that ay saka niya ipinagtapat sa kanyang mga magulang at sa mga magulang ni Kris na nagdadalantao na siya.
Wala naman daw pagkaing pinaglihian si Katrina, nagkahilig lang daw siya sa pagluluto.


 "Siguro mga two months, pagkagising ko at bago ako matulog, luto

lang ako nang luto.  Mga kare-kare, kaldereta... yung mga hindi ko

alam lutuin, tina-try kong lutuin 'tapos mga tao sa bahay pinapakain

ko.

            "Sa isang araw, mga tatlong putahe ang niluluto ko!" 
        
            Si Kris daw ang nahihirapan dahil mas nag-e-enjoy daw

siya sa pagluluto kesa sa makita ang singer.

            "Actually, nahirapan din siya kasi parang feeling niya, wala

siyang kuwenta kasi ayoko siyang makita.

            "Gusto ko magluto lang nang magluto, ayaw ko paistorbo!" natatawang tsika ng bruha.

            Tungkol naman sa pagpapakasal ay ito lang ang nasabi ni Katrina, "Hindi naman po

namin kailangang i-rush.

"Like sabi nga po ng Papa ko, hindi porke't may nangyaring ganyan, e, kailangan ma-

pressure si Kris na pakasalan ako.

            "Ako rin, ayoko muna kasi ibang usapan na po yung kasal.

            "Siguro 'pag dumating na yung time na talagang gusto na naming dalawa... na ready na

kami.
"E, hindi pa po kami ready," saad ng aktres.

            Happy raw si Katrina sa kalagayan niya ngayon at nawala na raw ang worry niya kung

ano ang mangyayari sa kanyang career.

            Nagpaalam na nga raw ang bruha sa “My Beloved,” pero ayaw naman daw siyang

payagan.
            "Actually, nagpaalam ako sa production na sana tanggalin na lang nila ako kasi baka

hindi ko naman magampanan ang role na gusto nila.

            "Like, baka hindi na ako makapagsuot ng sexy... siyempre magge-gain ako ng weight.

Bawal pa ako magpuyat, kailangan kong alagaan ang sarili ko din.

            "Baka hindi ko magampanan ang ibibigay nila sa akin na trabaho.

            "Hindi naman nila ako pinayagan kasi kailangan nga po nila ako sa show.

            "Willing naman po ako mag-stay kung sasabihin nila ang ganun.  At least, maalagaan nila

ako.
            Mga second week of February nung namataan ko sila ni Kris na namimili sa stalls ng

accessories sa ground floor ng Shoppesville sa Greenhills.

            Siguro naman by that time ay alam na ni Kris na buntis si Katrina kaya wala na silang

care makita man silang lovey-dovey in public.

Siguro rin ay hinahanda na nila ang kanilang mga sarili sa magiging reaksyon ng 

madlang pipol sakaling ibunyag na nila ang katotohanang magkaka-baby na sila.

            Since tatlong buwan nang buntis si Katrina ay inaasahang sa September manganganak

ang bruha, whew!

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Disclaimer

Most of the videos and images posted on this blog were taken from the various sites on the internet, especially those embedded code from You Tube and results from google search.
My E-net claims no rights to the videos and photographs posted on this blog.
Any objection from the owner of the videos and photos posted herein, or any other reasons why they should not appear on this blog, contact me at gaseous@hotmail.com, and they will be removed immediately.