Mga Kabuuang Pageview

Huwebes, Marso 22, 2012

Robin at BB di pa rin OK


WHAT’S THE POINT?
Pilar Mateo  

NASABI nga raw sa isang presscon niya ng “Toda-Max” bida na si Robin Padilla na sa mga sandaling ito eh, hindi pa rin sila okay ng nagbabalik-bansang kapatid niyang nagpapakilala na as BB Gandanghari pero, Rustom pa rin ang tawag niya.
Kaya nga nang umuwi sa bansa si Rustom, ang misis ni Robin na si Mariel (Rodriguez) ang nag-asikaso dito.  At sa poder nga ng kanilang isa pang kapatid na si Rema ito namamalagi sa ngayon.
Ayon kay Robin, si Mariel ngayon ang kumbaga eh, tagapagpalaganap ng kapayapaan in their midst.  Bukod sa close rin Mariel sa partidos ni Robin, pinakasumbungan pa raw ito ng Mama Eva nila.
Kaya ang nakita naman daw ni Robin sa ginagawa ngayon ni Mariel, hindi lang kay ‘Rustom’ kundi pati na sa iba niyang kapatid eh, hindi naman pagta-trying hard para maging close sa kanila.
Kumbaga, naturalesa na raw ito ng kanyang misis na mailagay sa ayos ang lahat ng nangyayari sa paligid nila.  Dahil ang punto lang daw nito eh, ang maging masaya siya.
“Toda-Max” na pagmamahal ‘yun, if we will sum it up.
* * *

KAHIT na noon pa nalaman ng mga tao ang pagbabagong anyo ng dating dramatic and action star na si Rustom Padilla sa katauhan niya ngayon bilang BB Gandanghari, sa usapan ng mga reporters eh, talagang naninibago sila sa nakikita nila ngayon sa bago na nitong persona.
Lalo na ‘yung ilan sa mga nakakausap dito sa first guesting niya sa “Paparazzi.”
Say nga ni Roel Villacorta, hindi raw niya tinantanan talaga ng kakatanong si Rustom, este BB, kung sa ngayon ba eh, gumagamit siya ng hormonal pills para nga lalo pang ma-enhance ang kanyang dibdib, na siyang tine-take ng mga bading para magkaroon sila ng mga mas maumbok na mga dibdib.
Say ni Roel, iwas daw nang iwas si BB sa mga tanong niya.  Eh, ang gusto rin niyang matumbok eh, ang tanong na nga tungkol sa sex exchange o transplant.
Nakuha naman ni Roel finally ang sagot na gusto niya.  Pero sobrang nanibago raw siya talaga kay BB.
Sabi ko naman kay Roel, kaya nga nagbago na ito ng pagkatao, iniwan na nito ang hindi niya gusto sa sarili niya before.  At mas na-liberate na nga ito ngayong ang pagiging isang ‘babae’ na kahit ‘di pa man kumpletung-kumpleto ang na-achieve niya.
Kaya nga mauunawaan na ngayon ng mga naging malapit before kay Rustom ang nakagisnan na rin nilang ugali nito noon -- lalo na kapag nagagalit.
Ewan daw niya, pero napaplastikan daw siya sa mga ginagawi nito na parang gustong maging socialite.  Tawanan na lang kami nang tawanang magkakaharap sa isang mesa.
Eh, ang punto nga, kaya nga nagpalit ng katauhan para maging iba na, ‘di ba?
Kung mismong ang kapatid nitong si Robin, hindi pa rin siya ganap na matanggap bilang BB, eh makikisali pa ba tayo?
 Basta ang kay Robin, bilang isang kapatid, poproteksyunan pa rin nito ang para sa kanya eh, mananatili pa ring si Rustom.
* * *
 Artista ng ABS di pinapasok ng kanilang guards

AYAN, mismong talent ng ABS-CBN, hindi nakilala ng mga guards doon.  Kaya, hindi pinapasok sa vicinity ang sasakyan nito.  Kahit pa nakita na nila na artista ang sakay ng nasabing van.
Pero maagap naman ang ABS-CBN sa pagre-reprimand sa mga naka-duty that time na mga guwardiya sa naging pagkukulang nila sa dapat na ginagawa nila sa kanilang puwesto.
Kaya sabi nga raw sa isang statement, pinabalik na sa kanilang mga agencies ang naturang mga guards.  At humingi na ng paumanhin sa nasabing artista ang pamunuan ng Kapamilya.
Eh, ano kaya ang nangyari sa mga guards na ito at hindi nila nakilala ang sakay ng kanyang van at bumaba pa sa harapan nila?
Magiging sanhi sana ito ng pagtatampo ng nasabing artista sa kanyang network.  Pero nang magpaliwanag na sa kanya ang pamunuan eh, naintindihan na niya.
Baka naman daw wala itong make-up kaya hindi nakilala.
Asus!

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Disclaimer

Most of the videos and images posted on this blog were taken from the various sites on the internet, especially those embedded code from You Tube and results from google search.
My E-net claims no rights to the videos and photographs posted on this blog.
Any objection from the owner of the videos and photos posted herein, or any other reasons why they should not appear on this blog, contact me at gaseous@hotmail.com, and they will be removed immediately.