Mga Kabuuang Pageview

Biyernes, Marso 30, 2012

Cristine dinidedma na ang mga tawag ni Rayver


Mula sa pahayagang Aksyon
SHOWBITZ & PIECES
VINIA VIVAR

 NAGSALITA na pala si Rayver Cruz tungkol sa rumored break-up nila ni Cristine Reyes.
Mariin itong pinabulaanan ng young actor at klinaro rin niya ang pangalan ni Piolo Pascual na sinasabi umanong isa sa dahilan ng split-up.
Si Piolo ang kapareha ni Cristine sa primetime teleserye ng ABS-CBN na “Dahil sa Pag-ibig” na kasalukuyang napapanood gabi-gabi.
Maraming nakakakilig at maiinit na eksena ang dalawa sa serye kaya siguro nagkakaroon na ng tsismis sa kanilang dalawa.
        "Nahihiya nga ako para kay PJ kasi sobrang bait niyang tao at kaibigan ko talaga siya, pero alam naman niya yon,” say ni Rayver sa ABS-CBN news.
        Ayon pa sa young actor ay hindi nga rin daw niya alam kung paano at saan galing ang balita.
        “Kapag hindi masyadong nagkikita dahil busy ay break na?” say pa niya.
        Normal naman daw sa isang relasyon ang nagkakatampuhan o nag-aaway at hindi niya raw alam kung bakit naging issue na break na sila.   
        "Katulad nang sinabi ko ever since ay okay kami, same pa din. Di na kailangang palakihin ang isyu ganoon pa din," pahayag pa ni Rayver.
        Nauna na rito ay nagbigay na rin ng maikling text message si Cristine sa “The Buzz” last Sunday saying na okay daw sila ni Rayver.
        Pero may nakausap naman kaming isang malapit kay Rayver at Cristine na nagsasabing talagang split na raw ang dalawa at kaya ayaw pang umamin ay dahil hoping pa rin daw ang young actor na maaayos sila lalo pa’t nagsalita ang girlfriend na okay sila.
        Say pa ng source, sa ngayon daw ay dedma nga raw si Cristine sa mga tawag at text ni Rayver at ayaw na niyang kausapin ang young actor.
        Sa pag-alis ni Rayver last Tuesday ay naringgan pa raw ang young actor na nagsabing “hindi ko siya tatawagan o ite-text, hahayaan kong ma-miss naman niya ako at baka magbago ang isip.”
    Hmmm, ano ba talaga, break na o hindi pa?

* * *

BLOOMING si Jewel Mische nang makita namin sa opening ng USA2 Everywhere sa Timog Ave, QC.
Gusto sana naming itanong kung si Jason Abalos ba ang nagpapa-bloom sa kanya ngayon kaso ay bawal siyang ma-interview dahil wala raw permiso ng Star Magic.
        Anyway, kung mahilig kayong mag-shopping online at nagkakaroon ng problema sa delivery, ang USA2 Everywhere ang sagot sa mga problema ninyo dahil nagbukas na ito ng franchise sa Pilipinas.
     Ang USA2 Everywhere ay isang online shopping cum internet cafe mula sa US na dinala rito ng franchise owners na sina David Tan at Gerry Ang kasama ang asawang si Lyn Ang ng UV Fratelli Inc. bilang package pick-up location.
Ang gagawin lang ay mag-o-order ka sa any US website na makikita rin sa USA2 Everywhere internet café at dito mo ipapadala bilang shipping address at sa loob lang ng isang linggo ay matatanggap mo na ang iyong binili.
   * * *

MUKHANG naka-move na si KC Concepcion mula sa break-up nila ni Piolo dahil nakikipag-date na siya ngayon.
        Kinumpirma ng aktres/singer sa kanyang Twitter account na lumabas siya kasama ang British singer na si Jules Knight, member ng boy band na Blake.
        Nag-invite ang foreign singer kay KC for a dinner date nang mag-guest ang mga ito sa “ASAP 2012” last Sunday. Tinanggap naman ito ng dalaga at natuloy sila last Tuesday.
        Pero kagaad namang nag-tweet si KC bilang paaalala sa kanyang mga fans na dinner date lang naman ‘yun kaya huwag masyadong excited.
        Marami naman ang natutuwa na nakaka-recover na ang dalaga mula sa masakit na hiwalayan nila ni Piolo.  


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Disclaimer

Most of the videos and images posted on this blog were taken from the various sites on the internet, especially those embedded code from You Tube and results from google search.
My E-net claims no rights to the videos and photographs posted on this blog.
Any objection from the owner of the videos and photos posted herein, or any other reasons why they should not appear on this blog, contact me at gaseous@hotmail.com, and they will be removed immediately.