Mga Kabuuang Pageview

Biyernes, Marso 30, 2012

Pacman nagsimula na sa paghahayag ng Salita ng Diyos


Mula sa pahayagang Aksyon
RIGHT TIMING
By: nora v. calderon


TULUY-TULOY na nga ang pagbabago ng Pambansang Kamao at Saranggani Congressman Manny Pacquiao.  Sinimulan na niya ito sa pamamagitan ng paghahayag ng Salita ng Diyos o Bible Sharing sa kanyang home network, ang GMA,na dinaluhan ng mga empleyado, sa pangunguna ng Chairman at CEO na si Atty. Felipe L. Gozon.  
Ikinuwento ni Pacman kung paano niya nagawang talikuran at baguhin ang kanyang dating lifestyle.  
At bilang ambassador of faith, nangako si Pacman na gagamitin niya ang kanyang kasikatan para hikayatin ang mga tao na isabuhay ang itinuturo ng Bibliya.

                        * *  *
 
 NOONG March 28, working birthday iyon ni Direk Mark Reyes dahil nag-taping sila ng “Alice Bungisngis and Her Wonder Walis” sa isang retreat house in Tagaytay na ginagamit nila bilang isang orphanage.  
Masarap katsika si Direk Mark after ng thank you presscon ng lahat ng mga drama series sa afternoon prime na talaga namang arangkada sa ratings, ang “Hiram Na Puso” nina Kris Bernal at Mark Herras, “The Good Daughter” nina Kylie Padilla at Rocco Nacino, “Broken Vow” nina Bianca King, Gabby Eigenmann at Luis Alandy at ang “Alice Bungisngis” nga.  
No holds-barred niya sinagot ang mga questions namin sa kanya. First na pinalinaw namin sa kanya, ang isang text message na hindi namin kilala kung sino ang nagpadala.  
Galit na galit daw siya sa bidang si Alice, si Bea Binene, dahil lagi raw itong late sa taping kaya pinagagalitan niya sa harap ng mga kasama sa cast.  
Kilala namin si Direk Mark na isa na yata sa pinaka-cool na director na nagsimulang magdirek ng mga bagets noon pang mga teeners sina Dingdong Dantes at Bobby Andrews, kaya mahaba ang pasensiya nito pagdating sa mga tweens ngayon na dinidirek niya sa “Alice…”  sina Jake Vargas, Derrick Monasterio at Lexi Fernandez.
Wala raw katotohanan iyon, siya nga ang nag-ayos ng schedule ni Bea kapag may taping ito ng “Reel Love Presents Tween Hearts” tapos ay tutuloy sa taping nila ng “Alice…”  
Naaawa raw siya kay Bea na alam niyang at her age, ay hindi pa kaya ang ganoong ka-hectic na schedule.  He made it a point na kapag may taping si Bea ng “Tween Hearts” at tutuloy sa taping nila, mas later na ang call time nito.
            Officially Kapuso na si Direk Mark dahil pumirma na siya ng exclusive three-year contract sa GMA Network.  Inamin niyang may offer din ang TV5 sa kanya pero binigyan niya ng priority ang GMA dahil mas una naman siyang nagtrabaho dito.  
Maraming projects na gagawin si Direk Mark this year, kasama na ang isang solo movie for Alden Richards na ipalalabas within the year.  Isang big concert for Julie Anne San Jose bago ang showing ng first movie team-up nila ni Elmo Magalona sa May.  
May gagawin din siyang isang movie for the coming Metro Manila Film Festival for Unitel Pictures.  
Sa Sunday, ang special presentation nila ng “Party Pilipinas” na hopefully, maibalik niya ang mga dating teenstars na sina Bobby Andrews, Michael Flores, Ciara Sotto at Rica Peralejo with the tweens love teams. 
            Nilinaw din ni Direk Mark ang issue na naghihirap na raw ba ang GMA dahil pinagdadala na nila ng sariling cups and plates ang kanilang mga artista sa “Party Pilipinas.”  
Siya raw ang nag-impose noon dahil sa dami nila, kung lahat ay gagamit ng plastic cups and plates, after the show, makikita mo raw na nakakalat kung saan-saan ang mga ito.  
Hindi raw ba mas safe na ang personal na cups or glasses nila ang gagamitin ng mga artista?
            Kahapon, may lunch si Direk Mark sa kanyang mga Encantadia sanggres, sina Iza Calzado, Karylle at Diana Zubiri, ginagawa nila after his birthday seven years ago pa.  
Hindi raw pwede si Sunshine Dizon dahil malapit na itong magsilang ng kanyang second baby.  As to the issue na muli niyang gagawin ang “Encantadia,” next year na raw ito na totally different from the original.  
The history is there but new story, new cast, na gusto niya kung papipiliin siya, ay isang grupo ng mga young stars at ang mga tweens. 
* * * 

NAGBALIK na muli sa showbiz si Roxanne Guinoo at mapapanood na siya simula this week sa action-drama ng TV5, ang “Valiente,” bilang asawa ni Theo (Oyo Sotto).  
Maingat naman ang kanyang bagong manager, si Manny Valera, na maging kontrabida agad ang kanyang role, na para kay Roxanne ay okey lamang naman.  
Nagbabalik raw siya sa pag-arte at gusto naman niyang ibang character ang gampanan niya di tulad ng mga ginawa niya three years ago bago siya nagpakasal sa boyfriend na si Elton Yap
Pansamantala nga niyang iniwan ang showbiz at inalagaan ang kanyang family at ang daughter niyang si Reine na one year and five months old na ngayon.
            Very supportive daw naman ng husband niya nang magpaalam siya na gusto niyang bumalik sa showbiz.  
Nag-meet daw sila halfway at siya na rin ang naglagay ng limitations sa kanyang pagtanggap ng role.  Dapat din daw niyang ingatan ang pangalan ng asawa at ng kanilang anak.
            Natanong din si Roxanne kung nagkaroon ng closure ang relasyon nila noon ni Jake Cuenca.  Nagkausap daw sila nang pumunta siya noon sa ABS-CBN para magpaalam na iiwanan na muna niya ang showbiz.  
Nagkataon daw na naroon din si Jake kaya nagkausap na sila at nagkaroon na ng closure ang kanilang relasyon.



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Disclaimer

Most of the videos and images posted on this blog were taken from the various sites on the internet, especially those embedded code from You Tube and results from google search.
My E-net claims no rights to the videos and photographs posted on this blog.
Any objection from the owner of the videos and photos posted herein, or any other reasons why they should not appear on this blog, contact me at gaseous@hotmail.com, and they will be removed immediately.