Mga Kabuuang Pageview

Lunes, Marso 12, 2012

Louise excited makita ang puwet ni Enzo


Mula sa pahayagang Aksyon
Xkandalo
Ni Roldan Castro


 HINDI raw nahirapan si Enzo Pineda na gawin ang butt exposure niya sa isang eksena sa pelikulang “My Kontrabida Girl” ng GMA Films.
“Siguro for me naging mas magaan sa akin na gawin yung eksena dahil magkakasama kami nina Kevin, Sef, ni Ken, apat kami,” deklara niya.
Ilang minuto ipinakita ang puwet nila?
“Siguro mga one minute po.”
May preparation ba siyang ginawa para sa big screen debut ng puwet niya?
“Siguro iningatan ko lang na mabuti, iningatan ko, I made sure na wholesome yung puwet ko,” tumatawang sinabi ni Enzo.
Iningatan rin niya na walang ibang private part na makikita sa kanya.
Sa direksyon ni Jade Castro, showing ngayong March 14 sa mga sinehan ang “My Kontrabida Girl” na pinagbibidahan nina Rhian Ramos at Aljur Abrenica.
Nagpaalam ba si Enzo sa rumored girlfriend niyang si Louise delos Reyes na may butt exposure siya sa “My Kontrabida Girl?”
“Hindi naman siguro kailangang magpaalam,  pero sinabi ko lang sa kanya.  Kasi alam naman niya na nasa tamang edad na ako and I know what I’m doing and basta hindi makaka-pull down sa career ko.”
At ang reaksyon ni Louise…
“Excited siyang makita,” at tumawang muli si Enzo.
‘Yun na!
* * *
 Kris kaya nang tumayo sa sariling paa kahit wala si Aljur

  KAYANG tumayo sa sariling paa ni Kris Bernal kahit hindi sila magka-partner ni Aljur Abrenica. 
Sa obserbasyon ng iba na sa team-up nila ni Aljur Abrenica, siya ang consistent top-rater nang paghiwalayin na sila.
Na kahit ipareha siya sa iba tulad nina Rocco Nacino (sa “Koreana”) at Mark Herras (na leading man ni Kris sa “Time Of My Life” at ngayon ay sa “Hiram Na Puso”) ay tanggap ng masa.
Kasalukuyang nagre-rate din ang kanyang bagong serye na “Hiram Na Puso.”
Si Aljur, nung iba ang kapareha sa “Machete” ay hindi kinagat ng publiko.
“Ako nga ang nawawala, e.  Si Aljur may movie yun ha, may endorsements pa,” tugon niya.
Ang movie na tinutukoy ni Kris ay ang “My Kontrabida Girl”  na showing sa March 14.
Si Kris, nag-rate lahat ng shows tulad ng “Koreana,” “Time Of My Life” at marami ang nagsasabi na tiyak na magre-rate rin ang “Hiram Na Puso.”
Na tila si Kris ang mas nakaka-survive mula nang mabuwag ang loveteam nila ni Aljur.
“Hindi naman siguro sa mas nakaka-survive ako pero feeling ko suwerte lang talaga ako dahil nagugustuhan nila yung mga ginagampanan kong roles, yung mga shows na binibigay sa akin ng GMA.
“Pero si Aljur naman alam mo naman yun, talagang hot siya ngayon, e,” aniya pa.
At si Kris ay natutong umarte; si Aljur ay pinipintasan pa rin ang acting ngayon.
“Hindi ko naman sinasabing ang galing-galing ko na.  Medyo nangangapa pa rin ako dahil…. masasabi ko lang siguro na magaling ako pag na-nominate na ako!
“Kahit hindi ako manalo kahit ma-nominate lang… ‘Ay, magaling ako kasi na-nominate ako,”sey pa niya.
* * *



MAY pressure kay Direk Jade Castro ang pagdidirek niya ng “My Kontrabida Girl” dahil nag-iwan ng marka sa takilya  ang “Zombadings1: Patayin Sa Shokot Si Remington.” 
Nagustuhan  ito ng mga manonood. Paano niya papantayan ito with “My Kontrabida Girl?”
“Medyo na- pressure din ako nang konti kasi first time ko to work with GMA.  So hindi ko alam kung paano sila katrabaho pero nagulat ako kasi ang dali, ang sarap.
“They’re very open tapos nirerespeto nila talaga yung trabaho nung direktor tsaka nung writer and masarap sila ka-collaborate, so nag-enjoy ako tsaka hindi ako nahirapan with them.”
Ang “My Kontrabida Girl” nga, may pressure din dahil sa mga kontrobersiya na nangyari sa lead female star nitong si Rhian Ramos na may kinalaman sa dati nitong karelasyon na si DJ Mo Twister.
“Oo, oo.” Ang pag-amin ni Direk Jade.
So ano ang inaasahan niya sa takilya ng pelikulang ito na showing sa March 14?
“Hindi ko rin alam, e.  So far ang natutunugan ko mixed naman yung mga tao, parang may negative, may positive.  So ang inaasahan ko na lang dadalhin ng ganda nung pelikula tsaka nung galing ni Rhian, na mapapatunayan niya yung sarili niya.”
Habang nagsu-shooting ba sila, nakita ba niyang apektado si Rhian ng eskandalo?
“To be honest pag nagtatrabaho kami, hindi.  Sobra siyang nandun sa trabaho pero minsan kapag hindi naka-take, minsan nakikita ko, naaawa nga ako minsan e, minsan nakikita ko, lalo na nung bago pa lang yung isyu, at tsaka nag-workshop kasi kami, nung workshop, may moment siya na kita ko na affected talaga si Rhian.
“Pero ang galing ng batang ito, pagka-trabaho na, trabaho at tsaka parang nakakalimutan yung problema.
“Pero dahil sensitive din ako as a person naramdaman ko rin na talagang naapektuhan si Rhian.
“Sino ba naman ang hindi?”
Ang reaksyon naman niya sa mga pambabatikos sa acting ni Aljur Abrenica na leading man sa pelikula…
“Actually alam yata ni Aljur yan.  Actually magaling naman siya talaga, e.  Palagay ko wala pa lang talagang bumabagay na role for him, yung role na talagang puwede siyang mag-shine. So nung crineate namin yung role, inisip talaga namin si Aljur.
“Tapos tingin ko ito na yung bagay na role for him na puwedeng after this makilala siya as an actor.
“And nakita ko naman yung dedication niya.  Para sa akin, as a director iyon ang importante.  
“Basta masipag tsaka may potential tapos kailangan marunong siyang makipagtrabaho. And ganun naman si Aljur, nakikinig siya tapos willing siya to push and push para gumaling siya.
“So habang tumatagal gumagaling pa si Aljur, so sa tingin ko simula pa lang ito ng maganda niyang performances.” 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Disclaimer

Most of the videos and images posted on this blog were taken from the various sites on the internet, especially those embedded code from You Tube and results from google search.
My E-net claims no rights to the videos and photographs posted on this blog.
Any objection from the owner of the videos and photos posted herein, or any other reasons why they should not appear on this blog, contact me at gaseous@hotmail.com, and they will be removed immediately.