Mga Kabuuang Pageview

Miyerkules, Marso 28, 2012

Sharon may ilaladlad na pasabog

Mula sa pahayagang Aksyon
WHAT’S THE POINT?
Pilar Mateo

SA TEMA ng mga bashers ng Megastar na si Sharon Cuneta, tila mahihinuha naman kung sino ang mahilig mambwisit sa araw at gabi nito.
            Kaya nga siguro, hindi nito mapigilan ang sarili niya na patulan o sagutin ang bawat message na pumapasok sa kanyang Twitter account.
Actually, marami ang posers lang sa mga nangba-bash kay Mega, eh. ‘Yun bang, hindi mo matutukoy kung sino sila talaga.  Pero gaya nga ng nasabi ko na, talagang outright na pambabastos kay Mega, pati na sa kanyang anak na si KC ang mga pinagsasasabi ng mga walang magawa o maihatid man lang na maayos na mensahe para sa Megastar.
Feeling ko tuloy, isa sa mga araw na ito, kapag hindi na nakapagpigil si Mega sa mga taong patuloy na rumu-ruin sa kanyang buhay sa Twitter, pati na sa kanyang anak na si KC, sasambulat na lang ito at malamang na may iladlad na pasabog.
Kaya, ang mga nakiki-bash lang kay Mega, mag-esep-esep.  Kayo rin, baka sa inyo bumalik ang ginagawa niyo sa mag-ina!
Baka katukin kayo ni Karmi.  Martin?  Hindi ‘no? Chaameleon? Lalong hindi!
Basta may kilala kaming Karmi na nandyan lang sa paligid, at baka manggulat pa ito sa mga nalalaman niya!  


                                              * * *
Nora baliktrabaho para may pambayad sa operasyon

NANG salubungin ko ang bibigyan ng parangal bilang Lino Borcka Lifetime Achievement awardee, ang Superstar na si Nora Aunor noong aming “9th Golden Screen Awards,” sinalubong na ito ng mga TV crew para ma-interview habang naglalakad siya sa red carpet patungo sa Teatrino.
Ang itinanong agad sa Superstar eh, may kinalaman nga sa kundisyon ng kanyang boses, na siyang dahilan para umuwi muna siya sandali sa Amerika para ito ipa-check uli.
Hindi nga lang daw ang lalamunan niya ang masakit kundi pati na ang kanyang dibdib.  Kahit na nagsisisi raw siya sa sinailaliman niyang cosmetic surgery, na siyang naging dahilan para maapektuhan ang vocal cords niya, wala na nga raw siyang magagawa.
“Operasyon ang sagot para maayos ang lalamunan ko. ‘Yun ang sinabi sa akin ng doktor na tumingin uli sa akin nung pumunta ako dun. Dahil malaki-laking halaga ang kakailanganin, magtatrabaho muna po uli ako ngayon dito.”
Sa isang birthday party naman, natanong ko si Direk Brillante ‘Dante’ Mendoza kung plantsado na ba ang napabalitang unang full-length movie na gagawin ng Superstar sa kanyang pagbabalik sa bansa.
According to Direk Brillante, next month, rorolyo na ang kanyang camera para sa nasabing proyekto.  Hindi pa lang niya naibigay ang full details ng nasabing pelikulang muling pagbibidahan ng Superstar.
Ang laki ng pasasalamat ng ENPRESS (Entertainment Press Society), Inc. sa pagdalo ng Superstar para tanggapin ang kanyang parangal.  
Pati na sa TV5-na nang ipadala pa lang namin ang sulat at imbitasyon para sa Superstar, agad na nila itong pinagawan ng kanyang isusuot (gaya sa nauna na nitong dinaluhang awards night), dahil ang TV5 ang tumatayong manager ngayon ng Supertar sa kanyang career.
Pasasalamat na rin sa personal manager niyang si Kuya Boy Palma. At sa nag-arrange din para makadalo ang anak ng Superstar na si Matet sa pagtanggap nito ng parangal, na si Albert Sunga.
At syempre, ang mga Noranians, na hindi binigo ang kanilang Superstar sa suporta nila.
Lubos na pasasalamat sa Superstar-na nag-stay pa sa kabuuan ng awards night at talagang in-enjoy ang kanyang pagdalo sa nasabing event. At pumayag pa itong maging presenter, though ipinakiusap niya sa host na si John ‘Universal Sweet’ Lapus, na huwag siyang pag-basahin ng mga nominado. Pati na ng winner.
         Riot ang portion na ‘yun na katabi ni Sweet ang Superstar.  Aliw ang mga ad lib ng isa sa bida ng “Moron5 and the Crying lady” ng Viva Films, sa pagbanggit sa kanyang Mommy Sally na isang Vilmanian.  Na tuwang-tuwa ang mga Noranians dahil pinaglalaruan ni Sweet ang kanyang butihing ina sa kanyang mga jokes.
Hanggang sa mag-pictorial ang winners, naroroon in their midst ang nag-iisang Superstar!
Muli, marami pong salamat!
* * *

EFFECTIVE ang pagtatambal ng sexy actress na si Cristine Reyes at ng aktor na si Piolo Pascual sa “Dahil sa Pag-Ibig” ng ABS-CBN na natutunghayan sa Bida Best nito gabi-gabi.
At dahil nga sa napapakilig ng dalawa ang mga manonood, nagiging dahilan ito tuloy ngayon ng mga usap-usapang hiwalayan sa pagitan ni Cristine at ng kanyang boyfriend na si Rayver Cruz.
Paulit-ulit nang natanong ang dalawa tungkol sa bagay na ito. At paulit-ulit din naman nilang sinasabing walang katotohanan ang mga balita tungkol sa diumano’y break-up nila.
Sa isang panayam kay Rayver, pinabulaanan na nito ang nasabing isyu at sinabi pang okay na okay ang pagsasama nila ni Cristine.
Dagdag pa nito, “Mula nang maging girlfriend ko si AA (Cristine’s palayaw), never na naging issue o dahilan ng pagtatampuhan namin ang mga nakakasama niya sa trabaho o nagiging leading man niya.
“May mga tampuhan kami pero, hindi naman pwedeng maging dahilan para humantong na sa pagbi-break namin.”
Hindi raw niya pinagseselosan si Piolo?
“Kahit na sinong babae, siguradong magkakaroon ng crush kay Piolo. Maraming hahanga.  Kung crush lang, sa akin, paghanga ang dating nung gano’n.”
Sa mula’t mula pa lang daw eh, nagkasundo na sila ni Cristine sa pagbibigay ng full trust nila sa isa’t isa.  Kaya, sa bagay na ito, na si Piolo pa ang gagamiting dahilan sa mga balitang hiwalayan, nabababawan si Rayver at ipinagtataka na lang niya kung saan nanggagaling.
“Ang maganda niyan, marami ang tumututok sa soap nila.”
May mga dugtong pa ang nasabing intriga.  Na sa karera naman nilang dalawa ni Cristine, parang siya itong napag-iiwanan.
“Hindi naman all the time eh, sunud-sunod ang magiging proyekto ko. Nasa pagpaplano na ng Star Magic kung ano ‘yung mga susunod kong projects with them. At saka, hindi rin kami nagko-contest ni AA sa paramihan ng proyekto. 
Nakakatawa lang, ‘di ba?  We’re okay.  Masaya kami. Naba-bother lang siguro ang iba kung hindi kami madalas na makitang magkasama.  At dahil din ‘yun sa trabaho.”
At least agad-agad nilang nalinawan ang hindi mamatay-matay ngayong isyu na hiwalay na sila.  Natural, marami ang manghihinayang sa ipinaglaban nilang pagmamahalan nila, ‘di ba?  Para mawala lang nang ganun-ganon.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Disclaimer

Most of the videos and images posted on this blog were taken from the various sites on the internet, especially those embedded code from You Tube and results from google search.
My E-net claims no rights to the videos and photographs posted on this blog.
Any objection from the owner of the videos and photos posted herein, or any other reasons why they should not appear on this blog, contact me at gaseous@hotmail.com, and they will be removed immediately.