Mga Kabuuang Pageview

Lunes, Marso 12, 2012

Sharon excited nang maipalabas ang bagong show sa TV5



Mula sa pahayagang Aksyon 

Right Timing

By: nora v. calderon

           
MASAYA ang dinner namin with some friends sa Mesa in Tomas Morato nang biglang nagkagulo ang mga tao sa labas ng restaurant.
Dumating pala si Megastar Sharon Cuneta, kasama ang mga anak na sina Miel and Miguel and manager Sandra Chavez
Katatapos lamang niyang mag-recording para sa kanyang bagong show sa TV5, ang “Sharon: Kasama Mo” at naisipan nilang doon kumain. 
Sa short chikahan, sinabi ni Sharon na malapit na silang mag-pilot ng show na mapapanood ng 3 to 4pm. 
Sa studio ng show sa Pasong Tamo, Makati City, gagawin ang launching para raw makita ang mga ginagawa nilang dramatization sa buhay ng bawat ipi-feature nila sa show. 
Nakagaling na nga sa Negros si Sharon para sa isang episode ng show.  Hands-on ang Megastar sa bawat gagawin sa kanyang bagong show, na excited na siyang maipakita ito sa mga televiewers.

                                                            * * *
 GINANAP kagabi ang press screening ng “My Kontrabida Girl” ng GMA Films na pinagtambalan nina Rhian Ramos at Aljur Abrenica
Thankful si Rhian dahil sinuportahan sila ng mga tunay at beteranang kontrabida sa mga pelikula at drama series tulad nina Bella Flores, Cherie Gil, Odette Khan at Maritoni Fernandez
Marami raw pointers na ibinigay sa kanya tuwing kaeksena niya ang mga ito kaya raw ginagalingan niya ang acting niya para hindi siya mapahiya sa kanila.
            Bukas na, March 14 ang showing ng “My Kontrabida Girl” in theaters nationwide, at balitang dahil sa magandang direction ni Jade Castro ng movie, mayroon na raw siyang bagong movie na ididirek muli sa GMA Films.
                                                            * *  *

 HAPPY si Julia Montes na “Julia” na ang tawag sa kanya ng mga tao at hindi na “Clara” sa “Mara Clara” na una silang nakilala ng best friend na si Kathryn Bernardo
Patuloy ang communications nila ni Kathryn na nagti-taping ngayon sa Bhutan ng new soap na “The Princess and I,” at siya naman sa “Walang Hanggan.” 
Sa March 19, Julia will turn 17 at ang dami-dami na raw niyang dapat ipagpasalamat.  Unang-una, hindi niya ikinahihiyang aminin, na kahit both deaf and mute ang parents nila ng dalawa pang kapatid, wala namang nakamana sa kanila nito. 
Sa March 20, may housewarming ang dream house na nabili niya sa Valley Golf sa tulong ng Star Magic. 
Sa April pa sila talaga lilipat para tapos na ng mga kapatid niya ang school nila.  May nakabisita na raw ba sa bagong bahay, say, either kina Coco Martin or Enchong Dee, wala pa raw kahit sino. 
Hindi nagbabago ang sabi ni Julia na eversince si John Lloyd Cruz ang crush niya at wish niyang makagawa sila ng isang romantic-comedy movie.
            Birthday wish ni Julia na magtuluy-tuloy na ang kanyang career kasi nagugustuhan na niya ito.  Kapag nasa set na siya, hindi na siya si Julia, siya na ang character na ginagampanan niya na parang totoo kaya hindi siya nahihirapang mag-emote. 
Ang dami na raw niyang birthday gifts na natanggap, ang teleserye, nagsu-shooting din siya ngayon ng “The Reunion” with Enchong, Enrique Gil and Jessy Mendiola
May bago rin siyang endorsements at kasama na rin siya sa Star Magic 20th Anniversary US Tour in Waikiki, Hawaii.  Thankful si Julia sa special birthday presscon na ibinigay ng Star Magic sa kanya.

                                                            * * *

 MARAMING kinikilig sa mga lalong gumagandang eksena nina Dingdong Dantes and Marian Rivera sa “My Beloved.” 
Natutuwa sila sa pagpigil ni Sharina (Marian) sa mga pulis na hulihin si Benjie (Dingdong) pero nang makita niyang kasama nito si Emmie (Katrina Halili), galit na galit siya at sinamahan pa niya ang kapatid na si Monica (Jennica Garcia) para tuluyan nang mahuli si Benjie.
            Hindi maintindihan ni Benjie kung ano ang nangyayari kaya sasama siya sa sundong si Rowan (Fabio Ide) sa mundo ng mga patay at makakaharap niya roon ang kaluluwa ng tunay na Benjie
Gusto niyang itama ang pagkakamali ng tunay na Benjie kaya papayag siyang sumuko na sa mga pulis. 
Paano siya tutulungan ng mga kaibigan, sa pangunguna ni Gimo (Paolo Contis).  Matitiis ba ni Sharina na makulong si Benjie?
            Pero ano kaya ang magiging reaksyon ng mga fans nila sa ipinakikitang trailer ng episode na ikinakasal sina Sharina at Nelson (Mikael Daez) at sina Benjie at Emmie
Ano kaya ang dahilan nina Benjie at Sharina sa pagpapakasal nila kahit “beloved” nila talaga ang isa’t isa?


1 komento:

  1. gas daily show ba yung ke sharon o once a week lang kani-kaninong show sa 2 at 7 ang makakatapat expect fireworks and more intriga from different camps alam mo na ang next scenario nito sana lang huwag nang mag-sour graping si mega sa mother tv studio niya di ba?

    TumugonBurahin

Disclaimer

Most of the videos and images posted on this blog were taken from the various sites on the internet, especially those embedded code from You Tube and results from google search.
My E-net claims no rights to the videos and photographs posted on this blog.
Any objection from the owner of the videos and photos posted herein, or any other reasons why they should not appear on this blog, contact me at gaseous@hotmail.com, and they will be removed immediately.