Mga Kabuuang Pageview

Miyerkules, Marso 14, 2012

Rhian si KC raw ang bf ngayon


Top of Form
Mula sa pahayagang Aksyon

RIGHT TIMING

By: nora v. calderon

           

KAHAPON, March 14, ang nationwide opening day ng “My Kontrabida Girl” at maganda ang feedback sa romantic-comedy movie nina Rhian Ramos at Aljur Abrenica, noon pa lamang magkaroon ito ng press screening sa Cinema 3 ng SM North EDSA The Block last Monday, March 12.
Highly recommended ang movie na dinirek ni Jade Castro mula sa script nila ni Aloy Adlawan, lalo na kung mahilig kayong manood ng ganitong klase ng movie. 
Ganoon din ang feedback mula naman sa VIP screening sa Resorts World last Tuesday evening na dinaluhan ng buong cast ng movie at ng ilan pang Kapuso stars and celebrities.
            Pero bago ang press screening, nakausap si Rhian ng ilang entertainment press at dahil medyo na-late siya nang dating, biniro tuloy siya kung natakot ba siya bago siya pumunta sa GMA Network to think na after a few months iniwasan niyang magpa-interview kahit nang nagsimula na silang mag-shooting ni Aljur ng movie. 
Hindi naman daw, inamin niyang naka-move on na siya at handa na siyang humarap ngayon sa anumang intriga, mas matatag at matapang na siya at ayaw na niyang magpaapekto sa mga nangyari na sa kanya.
            Paano ang balitang may pasasabugin na naman laban sa kanya ang mahaderong dj? Handa raw siya at nagpapasalamat siya sa kanyang family, sa kanyang mga friends at sa kanyang mga fans na hindi siya iniwanan, kung minsan daw, ipinagluluto pa siya ng paborito niyang pagkain kapag dinadalaw siya sa set. 
Nagpasalamat din siya sa GMA Network na pinayagan siyang magbakasyon muna after the incident.  Nakatulong daw sa kanya ang one month na bakasyon with her Dad sa Bangkok. 
Doon daw niya napag-isip-isip ang lahat ng mga nangyari at biro nga niya, sa mga pinagdaanan daw niya, ewan na lamang kung hindi pa siya natuto.  Marami raw siyang natutunan at ready na muli siyang bumalik. 
Niliwanag na rin ni Rhian ang issue tungkol sa dati raw niyang boyfriend na si Jek Lacson (anak ni Sen. Panfilo Lacson) at sabi ang boyfriend niya ngayon ay si KC Montero na alam namang malapit kay Mo. 
Wala raw katotohanan iyon, lalo na kay Jek na nahihiya siya dahil hindi naman ito taga-showbiz.  Nagkataon daw lamang sila ang magkakabarkada nila Maxene Magalona.  Nakakagulat daw lamang dahil ang balita pala ay nanggaling din sa mahaderong dj.
            Sinimulan nga ni Rhian ang muli niyang pagbalik sa showbiz sa pamamagitan ng “My Kontrabida Girl” at sa TV, bumalik na siya as co-host ni Pambansang Kamao Manny Pacquiao sa “Manny Many Prizes” noon pang Saturday, March 10. 
Magti-taping din siya ng isang episode ng “Spooky Nights” na si Aljur muli ang katambal niya na ipalalabas sa Saturday, March 17. 
May naka-line-up na rin siyang ibang projects, ang isa rito ay isang malaking drama series, alam na raw niya kung sinu-sino ang mga kasama niya at kung kailan ito ipalalabas, pero wala pa siya sa liberty to tell kung ano ito. 
            Nanghinayang din si Rhian na kailangan niyang iwanan ang “My Beloved” na three weeks na rin ang naka-canned nilang episodes.  Pinapanood daw niya ito gabi-gabi basta may time siya, lalo na iyong mga eksenang nakunan niya.  Gandang-ganda raw siya kay Marian (Rivera).
            Sa pahabol na tanong kung tuloy ang demanda niya laban sa DJ, tuloy daw ito, alam daw niyang mananalo siya dahil mahuhusay ang kanyang mga lawyers. 
            So, Rhian, welcome back at magandang comeback vehicle mo ang “My Kontrabida Girl” na showing na ngayon in theaters nationwide.  Congratulations!

                                                            * * *

 NAKAPAG-TAPING na last Monday si Tirso Cruz III sa Lipa City in Batangas as special guest sa action-drama ng TV5, ang “Valiente.” 
Ang saya raw ng mag-best friend na Tirso at Michael de Mesa, na siyang unang gumanap na best-friends/magkaaway sa unang “Valiente,”  sa pagbabalik-tanaw nila sa mga roles na ginampanan nila for five years na ngayon ay ginagampanan na nina JC de Vera as Gardo (Michael) at Oyo Sotto as Thea (Tirso). 
            Exciting week din ngayon kina Gardo at Maila (Nadine Samonte) na nagbalak nang magtanan pero papayag ba si Leona (Nina Jose) na may pagtingin din kay Gardo at gusto nitong makuha ang binata. 
Sa taping ni JC last Monday, halos himatayin siya sa 30-minutes na paglalagay ng cast sa mukha niya para sa prosthetics na gagamitin niya after sinunog ang kanyang mukha, dahilan para maghiganti siya sa kanyang pagbabalik. 
Sa direksyon ni Joel Lamangan, three weeks na mapapanood si Tirso as special guest sa “Valiente.”  Kasama rin si Jaclyn Jose, John Regala at papasok na rin ang iba pang characters.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Disclaimer

Most of the videos and images posted on this blog were taken from the various sites on the internet, especially those embedded code from You Tube and results from google search.
My E-net claims no rights to the videos and photographs posted on this blog.
Any objection from the owner of the videos and photos posted herein, or any other reasons why they should not appear on this blog, contact me at gaseous@hotmail.com, and they will be removed immediately.