Watching Machine
ni Gas Gayondato
Robin Willie |
Robin bugbog-sarado kay Willie!
MUKHANG may
panibagong salpukan sa pagitan ng Kapamilya at Kapuso Networks sa daily morning
slot. Bali-balitang inihahanda na ng ABS-CBN
ang pinakabago nilang talk show na papalit sa iniwang time time slot ng Kris TV
ni Kris Aquino. Ang nasabing talk show ay tatampukan diumano nina Jolina Magdangal,
Karla Estrada at Melai Cantiveros.
Tila nag-e-eksperimento na naman ang Kapamilya network dahil
bago ang kumbinasyong ito na ihahain nila sa mga manonood. Ahaaa… their trio
sounds unfamiliar.
Wala namang masama kung mag-eksperimento man sila sa
paghahain ng bagong putahe sa televiewers.
Anong malay natin baka nga naman magklik.
Pero hindi naman daw pakakabog ang GMA-7 sa ABS-CBN. Kung may
Jolina, Karla at Melai ang Kapamilya, ang Kapuso ay meron naman daw Marian
Rivera. Korek ka diyan. Handang-handa na
raw si Marian para bumida sa kanyang ‘Yan ang Morning.”
Aba, sounds interesting. Talo laban sa isa, isa laban sa tatlo.
Sino ngayon ang mananalo? Abangan!
* *
*
KUNG may maghe-hello, meron din naming maggu-goodbye. Opo, it’s time to say goodbye sa “Game ng
Bayan,” ang game show ni Robin Padilla kasama sina Alex Gonzaga, Eric Nicolas at
Negi. Anyare?
Kung hindi ako nagkakamali ay ilang linggo lang ito umere
kapalit ng game show ni Luis Manzano na “Deal or No Deal.” Taliwas ito sa sinasabi ng ilan na naka-one
season naman daw ang “Game ng Bayan” kaya okey lang na mamaalam na ito sa ere
dahil pang-one season lang naman daw talaga ito.
Teka muna, ang “Wowowin” ni Willie Revillame ay na-umpisang
umere sa Siyete nang daily nitong Pebrero lang.
Hindi lang ako sigurado sa eksaktong petsa ng nabanggit na buwan. Sabihin
na lang nating sa unang araw ng Pebrero.
So, mula Pebrero 1 hanggang Abril 15 ay
nakaka-10 linggo pa lang ito. Ibig
sabihin ay hindi pa nakaka-one season ang “Wowowin” dahil sa mundo ng
telebisyon ang one season ng isang programa ay katumbas ng 13 linggo.
So, bakit nasabi nilang naka-one season na ang game show ni
Robin gayung naka-3 linggo pa yata ang game show ni Luis na katapat ang kay
Willie bago pa ito ("Game ng Bayan") umere. Nagpapatunay
lamang ito na hindi kinaya ng powers ni Luis ang powers ni Willie kaya tuluyan
na itong namaalam sa ere.
Ang nakakalungkot lang sa show ni Robin, kumbaga sa boxing,
round 6 pa lang ay tila bugbog-sarado na ito sa show ni Willie kaya kailangan nang
itigil ang laban.
Pero in fairness kung aabot pa hanggang ikatlong linggo ng Mayo ang game show ni Robin, kahit paano ay naka-one season nga ito. So, tingnan natin.
Pero in fairness kung aabot pa hanggang ikatlong linggo ng Mayo ang game show ni Robin, kahit paano ay naka-one season nga ito. So, tingnan natin.
Hindi maikakaila kung gaano kalakas si Wiilie sa masang
manonood. Kami mismo ng mga kapatid ko
sa bahay ay “Wowowin’ ang paboritong panoorin sa tuwing sasapit ang alas singko
ng hapon.
Pero ako, ang inaabangan ko
talaga ay ang “English-Filipino, Filipino-English” segment nito kasi
nakikisagot din ako sa mga tanong.
Feeling ko contestant din ako.
Kapag nasa labas naman ako ng bahay at naglalakad, bawat
madaanan kong may bukas na telebisyon ay nakikita kong show ni Willie ang
pinapanood ng mga tao.
Isa lang ang ibig sabihin nito, mahal talaga si Willie ng
masang Pilipino.
Ang tanong na lang ngayon ay kung sino at anong game show o
format ng show ang ipantatapat ng Dos sa show ni Willie sa Siyete? Abangan!
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento