Watching Machine
ni Gas Gayondato
SA isang panayam kay Sharon Cuneta sa anniversary celebration nila ni Sen. Kiko Pangilinan ay halatang masayang-masaya ang
Megastar. Masaya siya hindi lang dahil
kumpirmadong siya na ang papalit kay Sarah Geronimo sa bagong season ng “The
Voice;” hindi lang dahil meron siyang bagong pelikulang gagawin; hindi lang
dahil 30 lbs na ang nabawas sa kanyang timbang kundi dahil din sa bagong
lalaking nagpapasaya sa puso ng kanyang panganay na si KC Concepcion.
Hindi na naitago ni Sharon ang katotohanang botong-boto siya kay Aly Borromeo, ang rumored boyfriend ni KC pero sabi ng dalaga dating pa lang daw sila.
Walang masabi ang Megastar sa 32-year old member ng Azkals kundi pawang mga papuri. Disente. Marespeto at mabuting bata kaya gustung-gusto niya raw ito.
Sa himig ng pananalita niya ay tila may alam siya sa totoong estado ng relasyon nina KC at Aly dahil aniya lahat naman daw ng naging boyfriend ni KC ay boto si Mega pero kay Aly ay super boto siya. O di ba, boyfriend na ang tawag niya.
* * *
Walang bago sa morning show ni Marian
NAPANOOD ng inyong lingkod ang pilot at mga sumunod na
episodes ng pinakabagong morning show ng Kapuso network, ang ‘Yan ang
Morning’ ni Marian Rivera. Wala akong
nakitang bago sa nabanggit na palabas maliban kay Marian bilang host at Boobay
bilang co-host.
Tulad ng mga naunang morning shows
ng Siyete ay ganun pa rin naman ang format:
merong celebrity interview, merong games with audience participation,
may cooking-cooking at may physical fitness.
Wala namang masama doon dahil ganun
naman talaga ang formula ng isang magandang morning show. Yun nga lang, nabigo silang mag-introduce ng
isang interesanteng segment na bago sa panlasa ng mga manonood.
In fairness, nakakailang episodes
pa lang naman ang "Yan ang Morning" kaya hindi pa huli ang lahat para
makapag-isip-isip ng mga bagong idea at pakulo ang mga writers ng show.
At sakaling mabigo pa sila, ibig
sabihin lang nito na sila ay intellectually unproductive, hindi lang ang
kanilang mga writers, kundi ang bumubuo ng nasabing pang-umagang programa.
Pero buti na lang refreshing ang
dating ng kanilang host, lalo’t ang mga ngiti ni Marian ay tunay po namang
nakakahawa.
Sa ngayon ay tila hindi pa namin
nararamdaman ang presensiya ni Boobay sa show bilang co-host ni Marian. Hindi pa nagagamit ng komedyante ang kanyang
angking talento sa pagpapatawa.
Simpleng co-host lang talaga siya
na tinutulungan si Marian para hindi naman ito mangarag sa paghu-host. Hindi katulad sa morning show ng Kapamilya
network na “Magandang Buhay” na bentang-benta na ang pagiging komikerang
co-host ni Melai Cantiveros nina Karla Estrada at Jolina Magdangal.
* * *
Daniel, Enrique at Diego magsasama-sama sa isang sitcom
MARAMING nilulutong bagong shows ang Kapamilya Network. Ilan sa mga ito ay ang teleseryeng “Promise of Forever” na pagbibidahan nina Paulo Avelino, Ejay Falcon at pinakabagong .
Kapamilya star na si Ritz Azul.
Nariyan din ang teleseryeng pagsasamahan nina Jericho Rosales at Arci Munoz, ang "Never Say Goodbye," remake ng classic film na "Kastilyong Buhangin" na pinagbidahan noon nina Nora Aunor at Lito Lapid at ang matagal nang inanunsyong “Born for You” nina Janella Salvador at Elmo Magalona.
Maliban kay Janella na dati nang Kapamilya star ay mukhang desidido ang Kapamilya network na gawing malalaking bituin ang mga dating Kapatid at Kapuso stars na sina Ritz at Arci respectively.
Handang-handa na rin daw ang sitcom na pagsasamahan nina Daniel Padilla, Enrique Gil at Diego Loyzaga. Ito ay ang “Palibhasa Lalake.”
Ang tanong, paghahanda na rin ba ito sa pagbabalik ng mga sitcom sa primetime bida?
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento