Mga Kabuuang Pageview

Biyernes, Mayo 27, 2016

POP CORN: Angelo Booc Pambansang Dri-Bae ng Tagaytay

POP CORN:
ni Gas Gayondato III

















 



 


MAY bagong pinagkakaguluhan ngayon ang mga netizens, lalung-lalo na ang mga kababaihan at kabadingan. Siya ay walang iba kundi si Angelo Booc, ang poging jeepney driver ng Tagaytay.

Taga-Silang Cavite ang 23 year-old Bae ng Cavite (April 30, 1993 ang kanyang birthday). 

Nag-aral si Angelo sa Rogationist College sa Silang, Cavite (dating Rogationist Academy).

Ang Rogationist College ay isang private educational institution na pinapatakbo ng Rogationist priests, a religious institute of the Roman Catholic Church.  That’s why mapapansin niyo sa kilos at pananalita ni Angelo ang kanyang kababang-loob at magandang pag-uugali.


Bago pa na-feature sa 24 Oras ng GMA 7 si Angelo ay viral na sa internet ang picture niya habang namamasada sa Tagaytay,  kaya after siyang mapanood ng madlang pipol sa nabanggit na news program ng Kapuso network ay lalo pang dumami ang kanyang followers.  


Proud namang ipinasilip ni Angelo sa 24 Oras ang kanyang misis at dalawang anak.  Natutuwa naman daw si misis na sikat ngayon online ang kanyang mister.


Siyempre, hindi pahuhuli sa uso ang inyong lingkod kaya nag-friend request agad kami kay Papa Angelo.  Mabilis namang in-accept ng Pambansang Dri-Bae ang aming request kaya we’re happy to say we’re now friends sa FB.


Pagpasok ko sa FB account ni Angelo para magpasalamat ay eto agad ang bumungad sa amin sa kanyang timeline, ‘Pasensya na po, hindi po ako makakareply sa inbox dahil sobrang dame ng messages. Dito na lang po siguro tayo mag-usap sa status. Magandang hapon po!”


Sa dami ng nagpo-post ng message sa FB kay Papa Angelo ay mahihirapan talaga siyang basahin at sagutin lahat.


Iba-ibang mensahe lang ang pumapasok sa timeline ng poging driver pero karamihan ay hindi mapigilan ang sarili dahil sa matinding paghanga sa kanya.


May mga babaeng pilit nagpapa-cute, meron namang ayaw paawat sa kalandian.  Merong pasimple lang pero halata pa ring nagpapapansin kay Angelo.


Meron bading na nagsabing payayamanin daw si Angelo.  May babae namang ang sabi’y, “kahit may anak ka na, anakan mo pa rin ako!”


Ayon naman sa isang reporter na na-interview si Angelo, hindi lang daw ito basta guwapo at maayos manamit, ang bangu-bango pa raw nito at napakalinis sa katawan. No wonder sinasabi ng mga kasamahan nitong jeepney driver na marami raw talagang babae sa kanilang lugar ang nagkaka-crush dito.



        
  24 Oras: Poging driver na si Angelo Booc, sikat online




Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Disclaimer

Most of the videos and images posted on this blog were taken from the various sites on the internet, especially those embedded code from You Tube and results from google search.
My E-net claims no rights to the videos and photographs posted on this blog.
Any objection from the owner of the videos and photos posted herein, or any other reasons why they should not appear on this blog, contact me at gaseous@hotmail.com, and they will be removed immediately.