Watching Machine
ni Gas Gayondato III
ISANG napakalaking karangalan ang natanggap ni Jaclyn Jose nang tanghalin
siyang Best Actress sa katatapos lamang na 69th Cannes Film Festival na ginanap
sa Cannes, France, noong Linggo, ika-22 ng Mayo, para sa kanyang natatanging
pagganap sa pelikulang “Ma Rosa” bilang isang inang napilitang magbenta ng
droga alangalang sa pamilyang pilit lumalaban sa pagkakalugmok sa kahirapan.
“I don’t know what to say, I am so
surprised,” maluha-luhang sambit ni Jaclyn habang tinatanggap ang kanyang Best
Actress award. I just went here to walk on the red carpet with my daughter.
Thank you to Cannes, thank you so much. Thank you to the jury. Thank you for
liking our film.”
Pinasalamatan din ni Ms. Jose ang
kanyang director na si Brillante Mendoza. Sinusunod lang daw niya kung ano ang
ipinapagawa sa kanya ng kanyang direktor.
“He is such a brilliant director – a genius in the Philippines, and now, here
in your country,” aniya pa.
Inialay din ng aktres ang kanyang
tagumpay sa mga Pinoy na naroon nung gabing yun, sa kanyang anak na si Andi Eigenmann, sa ating mga kababayan, at sa
Pilipinas.
Ang “Ma Rosa” ay isa lamang sa 20
kalahok sa prestihiyosong Cannes Film Festival. Tinalo lang naman ni Jaclyn ang mga kilalang international
stars na sina Charlize Theron para
sa “The Last Face” ng United States at Marion
Cotillard para naman sa “Mal de Pierres” ng France. Si Jaclyn rin ang kauna-unahang Pinoy at mula sa Timog-Silangang Asya na nanalong Best Actress sa Cannes.
At dahil diyan, ngayon ay kahanay
na si Jaclyn ng mga past winners ng Cannes na sina Juliette Binoche, Helen Miren, Bette Davis, Rooney Mara, Julianne Moore at Meryll Streep.
* * *
WAGING-WAGI naman ang Power Duo sa katatapos lang ding “PGT Season 5 Finals” na ginanap sa Mall Of Asia Arena noong nakaraang Linggo, ika-21 at ika-22 ng Mayo.
Ang Power Duo ay binubuo ng real-life
couple na sina Anjanette at Gervin ng Angono, Rizal. Nagsimula sila sa PGT 5 bilang magkaibigan hanggang sa humantong sa kanilang
pagdi-date.
Labing dalawang grand finalists, na
lahat ay pawang magagaling, ang naglaban-laban upang masungkit ang prestihiyosong
PGT 5 Grand Winner title at 2 milyon
pisong cash prize.
Walang kaduda-dudang nag-level up nang
husto ang Power Duo sa kanilang walang kasing gandang performance na
nag-uumapaw sa tunay na pag-ibig nila sa isa’t isa. Ang Power Duo ay tunay po namang matatawag na poetry
in motion.
Gusto ko rin ang performance ni Amazing Pyra dahil talaga namang nakaka-amaze
ang fire power na kanyang ipinamalas.
Sayang UA
Mindanao dahil isa ang grupo nila na shoo-in upang tanghaling PGT 5 Grand Winner dahil sa kanilang
makapigil-hininga at death-defying stunts kung hindi lang sila sumablay sa
kanilang ultimate pasabog kung saan ang rider ay babagsak dapat nang
patalikod.
Sa kasamaang palad ay di na nito
nakontrol ang sinasakyang motorsiklo na naging sanhi ng kanyang maling pagbagsak.
Awa ng diyos ligtas naman ang rider pero
naka-wheelchair na pagbalik ng stage.
Tinalo ng Power Duo ang 11 grand
finalists: Crossover Family, The Chosen
Ones, Kurt Philip Espiritu, Dino Splendid Acrobats, si Ody Sto. Domingo, Next Option, Amazing Pyra, Mastermind, UA Mindanao, Power
Impact at ang Sto Tomas Bulilit
Generation.
Kasama ng Power Duo sa Top 3 ang
close-up magician na si Ody Sto Domingo at si Amazing Pyra. Ang mga hurado ay binubuo nina Robin Padilla, Angel Locsin, Vice Ganda
at dating ABS-CBN Vice-President Mr. Freddie
Garcia. Sina Luis Manzano at Billy
Crawford ang nagsilbing hosts ng PGT Season 5.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento