Mga Kabuuang Pageview

Miyerkules, Mayo 4, 2016

Susan Roces nababahuan kay Jake Cuenca?!



Chizbitz
ni Ikabod Grin


HOW true is the chism na gustung-gusto na raw kausapin ng isang prim and proper veteran actress ang hunk actor na kanyang co-star sa isang serye sa Dos tungkol sa personal hygiene nitetch.

Bukod sa ang dumi-dumi raw ng hunk aktoraytild ay ang bantot-bantot pa. Hindi na raw matiis ni veteran actress ang amoy nitetch sa tuwing magkaeksena sila. Dahil ditetch ay usap-usapan na raw ng mga utaw ang nasabing aktoraytild sa set ng kanilang serye.

Supposed to be ay blind chika itetch ni Manay Lolit Solis pero hindi sitetch nakatiis at pinangalanan din agad ang nabanggit na veteran actress at hunk aktoraytild na sina Ms. Susan Rocea at Jake Cuenca respectively.

Sobrang nababahuan na raw si Tita Susan kay Jake. Napakarumi na raw nitetch tingnan, pati ang skin patse-patse na, ayon pa kay Manay Lolit, kaya gusto na raw talaga kausapin ng beteranang aktreselya ang hunk aktoraytild tungkol ditetch.

Katuwiran naman daw ni Jake Cuenca, ina-apply lang daw nitetch ang kanyang natutunan sa US nung minsang kumuha itetch ng acting course doon. Para mas maging effective ka raw sa role na gagampanan mo, dapat daw ay gawin mo rin yun sa totoong buhay.

Katulad daw ng papel na ginagampanan ni Jake sa seryeng Ang Probinsyano ay sinasadya raw nitetch na huwag maligo para magmukha sitetch marumi at mabaho. Ang tawag daw ditetch ay method acting.

Well, method acting your face!

* * *

MARAMI ang nagtataka kung bakit ang isang TV host hunk ay palagi raw nagtataray sa gym na paborito nitetch puntahan. Waley raw itetch ginawa kundi tumalak to the max at magreklamo. Daig pa raw nitetch ang showbiz reporters at mga girlulu sa katatalak at karereklamo.

Wiz knowing ng TV host hunk na pinagtatawanan na lang sitetch ng mga utaw sa gym.
Madalas kasi pag nagpapatulong daw itetch sa gym instructor ay sinasabi nitetch, 'Pare pa-assist'  kontodo modulate pa ng kanyang voice para lumaki at hindi mahalatang beki.

Yesterday, today and tomorrow, usap-usapan ng mga instructors sa gym ang TV host na hunk na hunk ang arrive pero ang totoo ay isa palang beki.

Gets niyo na kung sinetch itetch?





Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Disclaimer

Most of the videos and images posted on this blog were taken from the various sites on the internet, especially those embedded code from You Tube and results from google search.
My E-net claims no rights to the videos and photographs posted on this blog.
Any objection from the owner of the videos and photos posted herein, or any other reasons why they should not appear on this blog, contact me at gaseous@hotmail.com, and they will be removed immediately.