Mga Kabuuang Pageview

Huwebes, Mayo 19, 2016

Chizbitz: Hayden at Vicki meron nang baby!




Chizbitz:

ni Ikabod Grin




 

INILABAS na nina Hayden Kho at Dra. Vicki Belo ang last year pang napapabalitang jonakis nila – si Scarlet Snow.  Hindi nila binanggit ang eksaktong date ng kapanganakan ng kanilang baby pero 14 months old na raw itetch.  Ipinanganak daw ang kanilang cute little angel noong March of 2015.


Si Scarlet Snow ay produkto ng In Vitro Fertilization o IVF, kung saan ang surrogate mother ay magbubuntis sa pamamagitan ng artificial insemination. 


Sa kaso ni Scarlet Snow, ang sperm ni Hayden at ang ovum (egg) ni Vickie ay sumailalim sa In Vitro Fertilization kung saan ang egg ay pini-fertilize ng sperm sa labas ng katawan ng huli.

Ang fertilized egg (zygote) ay kinu-culture sa loob nang 2–6 na araw sa isang growth medium at pagkatapos ay ini-implant sa uterus ng ibang babae (puwede rin sa uterus ng babaeng pinagkunan ng egg) upang makatiyak na magiging matagumpay ang pagjojontis nitetch.


So, malinaw po na ang biological parents ni Scarlet Snow ay sina Hayden at Dra. Vicki. Ang papel lang ng Mexican-American girl ay bilang surrogate mother as in ginamit lang itetch para magjontis hanggang sa iluwal nitetch ang sanggonella nina Hayden at Vicki.


Mexican-American girlash daw ang napili nina Hayden at Dra. Belo na maging surrogate mother ni Scarlet Snow para hindi raw masyadong malaki ang baby, pagbubunyag pa ni Nanay Lolit Solis.


At knows niyo ba kung magkanix ang binayaran nila para sa buong prosesong itetch?  Tumataginting na 200,000 US$ lang naman o mahigit na 9 million peso-pesoses.


Sa Instagram post ni Hayden noong nakaraang Linggo, May 15, ay kanyang inihayag na sila ni Vicki ay proud parents sa kanilang dawter na si Scarlet Snow.



"I guess God knew fatherhood would change me completely and bring me closer to being the kind of man He always wanted me to be, so He sent me and Vicki an angel who is to be our lifelong inspiration. Ladies and gentlemen, meet our daughter, Scarlet Snow," sey pa ni Hayden.


FYI, Dra.Vicki Belo po is in her 60’s na while Hayden Kho is in his 30’s.  

* * *


Guwapong Aktor User-Friendly?!

SINEX ang guwapong aktoraytild na itetch na usap-usapan ngayon sa apat na sulok ng showbiz dahil sa pagiging user-friendly kuno? Madalas kasi itetch ma-link sa mga sikat na aktreselya.


As a matter of fact, after ma-link ng guwapong aktoraytild  sa isang maganda at sikat na aktreselya ay natsitsismis na naman itetch sa isa pang maganda at sikat na aktreselya.


Sa true lang, hindi lang daw basta na-link ang aktoraytild na itetch kay aktreselya no. 1, nagkaroon daw talaga ng relasyon ang dalawa pero hindi lang nila inamin in public.  Saka lang lumabas ang chikang naging sila ay nung hiwalay na ang dalawa.


Now, marami ang nagulat nang biglang-bigla ay may naglabasang chika na ang totoong boyfriend daw ngayon ng sikat na aktreselya no. 2 ay ang guwapong aktoraytild.  Hindi tuloy napigilan ng madlang pipol na magtaasan ang mga kilay sabay sabing ‘confirmed,’ user-friendly nga ang aktoraytild.


User-friendly kasi obvious raw na pinipili nitetch na ma-link sa mga sikat na aktreselya to gain popularity and pakinabang pa more.  


Bukod sa dalawang sikat na aktreselya, nali-link din daw ang guwapong aktor sa isang richy-richy na duktora. Magkaibigan lang daw ang dalawa pero mahilig daw magpabili sa duktora ng mamahaling painting ang guwapong aktoraytild.


Ang modus daw ni guwapong aktoraytild ay padadamahin muna ang kinakaibigang girlash.  Sa umpisa ay itetch daw muna ang nagti-treat sa girlash ng dinner, lunch, etc. pero kapag nahulog na raw ang loob ng girlash sa aktoraytild ay doon na lalabas ang tunay na kulay nitetch.


Itetch daw ang dahilan kung bakit hiniwalayan si guwapong aktoraytild ng dating gf nitetch na si aktreselya no. 1 dahil tuwing bayaran na raw ng bill kapag kumakain sila sa isang resto ay ang aktreselya ang palaging nagpi-paysung. 


Sa tuwing dumarating kasi ang bill ay maraming ginagawang excuses ang mautak na aktoraytild like biglang pupunta sa cr or whatever. 


Clue? May letter ‘A’ sa name at apelyido nitetch.  May jonakis na ang guwapong aktoraytild pero wiz p itetch jowa. Gets niyo?




Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Disclaimer

Most of the videos and images posted on this blog were taken from the various sites on the internet, especially those embedded code from You Tube and results from google search.
My E-net claims no rights to the videos and photographs posted on this blog.
Any objection from the owner of the videos and photos posted herein, or any other reasons why they should not appear on this blog, contact me at gaseous@hotmail.com, and they will be removed immediately.