Mga Kabuuang Pageview

Lunes, Abril 18, 2016

Komedyana napaihi sa swimming pool?!



Chizbitz:

ni Ikabod Grin





 Komedyana napaihi sa swimming pool?!



CHIKABELLES ni Igan Arnold Clavio sa programa nila ni Ali Sotto sa DZBB na “Double A sa Double B” isang komedyana raw ang naging usap-usapan dahil sa ginawa raw nitetch na kahihiyan sa isang resort.   



Ang chikabelles ng mga Asi TAO-lava, juminggilyzing daw as in umihi raw sa swimming pool ang nasabing komedyana wiz knowing na meron palang chemical na nilagay ang mga nangangalaga ng pool na nagkukulay asul ang waterlulu sa paligid mo once humalo na ditetch ang jingle bells mo.



E, biglang nag-turn into blue ang waterlulu sa paligid ni komedyana, pinagtinginan tuloy sitetch ng mga Asi TAO-lava knowing na ang kilalang komedyana ay juminggilyzing doon mismo sa swimming pool.  Yucky, di ba?



Siyempre, napahiya si Komedyana.  So, may-I-laugh na lang daw ang komedyana at make-patawa para hindi naman itetch mapahiya nang husto.



May-I-give ng clue si Igan kung sinetch ang komedyanamg itetch.  Bukod sa pagiging komedyante ay naghu-host daw itetch ng mga events, fashion shows, etc.  Dati rin daw kasing modil-modil ang bruha kaya mahusay itetch mag-carrybelles ng damit.    

Hindi rin daw itetch nakatali sa iisang network lang dahil nagkaroon na rin daw itetch ng show sa Kapuso, Kapamilya at Kapatid networks.  Sa madaling salita, she’s a freelancer.



Mga tatlo na raw ang dyunakis ni Komedyana. Pero hindi naman sinagot ni Igan ang tanong ni Ali kung may jowa na itetch, basta ang sey lang niya ay may boyfriend itetch.



Dahil siguro na-gets na ni Ali kung sinetch ang tinutukoy ni Igan sa kanyang blind item dahil may pa-does she or doesn’t she na siyang binabanggit ay tinanong niya itetch kung mestisa ba itetch o kayumangging kaligatan.  Sey lang ni Igan kay Ali kasing kulay niya raw itetch… na sunog.



Hellow, si Wilma Doesn’t ba itetch?  Kahit ako na-gets ko na rin kung sinetch ang komedyanang itetch.  Base sa mga clue na ibinigay ni Igan ay si Wilma Doesn’t nga ang  tinutukoy niyang komedyana na umihi o napaihi sa swimming pool, ha-ha-ha (ala Nay Lolit Solis na tawa)



* * *


 

 Toni kumpirmadong buntis!


KINUMPIRMA ni Toni Gonzaga na jontis na nga ang beauty niya.  Ginawa ni Toni ang announcement ng kanyang pagjojontis doon mismo sa “ASAP 20” nitong nakaraang Linggo lang.



Sa “ASAP” 20 niya raw napiling i-broadcast ang kanyang pagjojontis dahil halos lahat daw ng mahahalagang “firsts” sa buhay niya ay ditetch din niya unang inilalabas.



Pero ang unang-una raw niya sinabihan nang malaman niyang jontis nga siya ay ang kanyang nakababatang sisteraka na si Alex Gonzaga.  Ang siste, e, NR, as in no reaction daw ang bruhilda niyang chufatid.  Ang sabi pa raw nitetch sa kanya, “Maloka ka kung ako ang buntis,”



Dahil sa recent turn of events, mukhang marami raw proyektong maisasakripisyo si Toni, kasama na riyan ang teleseryeng pagsasamahan nila ni Piolo Pascual na “Written In The stars” na balita namin ay nakapag-taping na siya. 

May-I-abang-abang na lang tayo kung masi-shelve pansamantala ang teleseryeng itetch o kung papalitan na lang si Toni.



Eniweys, for sure ay haping-hapi rin ang better-half ni Toni na si Direk Paul Soriano dahil finally ay magiging daddy na rin sitetch.




Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Disclaimer

Most of the videos and images posted on this blog were taken from the various sites on the internet, especially those embedded code from You Tube and results from google search.
My E-net claims no rights to the videos and photographs posted on this blog.
Any objection from the owner of the videos and photos posted herein, or any other reasons why they should not appear on this blog, contact me at gaseous@hotmail.com, and they will be removed immediately.