Watching Machine:
ni Gas Gayondato
SABI ni MMDA chairman Emerson Carlos after ng
10-day run ng MMFF 2015, ay saka nila ilalabas ang
box-office gross ng lahat ng festival entries, including
their respective ranking sa box-office.
It was scheduled last January 7, 2016 pero Abril na ngayon
ay wala pa rin ang ipinangako ni chairman. Anyare?
Bakit parang hirap na hirap silang ilabas ang kinita sa
takilya ng bawat pelikulang kalahok MMFF 2015? Bakit tila
sinasadya nilang itago sa publiko ang ranking ng mga pelikula?
Meron bang naganap na hocus-pocus na ayaw nilang malaman
ng publiko?
Sa umpisa pa lang, we smell something fishy na agad sa mga bagong pautot ng festival committee tulad na lang ng di
paglalabas regularly ng ranking sa takilya ng 8 official entries
sa naturang film festival.
Katwiran nila para raw hindi mag-create ng trending o bandwagon
effect -- kung aling mga pelikula ang malalakas sa takilya ay
siya namang lalong tinatangkilik ng moviegoers kaya lalong
nangngulelat ang mga pelikulang dati nang nangungulelat.
Ay sus, kahit naman itago nila ang mga numero magti-trending
talaga ang mga pelikula base sa word of mouth. Kung anong
pelikula ang may malalaki at sikat na artista, pampamilya ang
istorya at maganda ang pagkakagawa ay yun ang dinudumog
ng moviegoers sa takilya.
Sa totoo lang, hindi pa pinapalabas ang 8 entries sa festival, e,
mahuhulaan mo na agad kung alin-aling pelikula ang mangunguna
at mangungulelat sa takilya. So, anong trending ang pinagsasabi
nila diyan?
* * *
KUNG susundin ang ruling ng MMFF noon, ang pelikulang makaka-
pagtala ng pinakamalaking kita sa opening day ng festival ay
siyang tatanghaling top grosser.
Usually, sa pagtatapos ng festival ay ang top grosser ng opening
ay siya ring tinatanghal na overall top grosser. Hindi ko lang
maalala kung ilang beses nang nangyari ito pero sigurado akong meron
na. At ang latest nga ay itong sa kaso ng My Bebe Love
at Beauty snd the Bestie.
So technically, ang My Bebe Love nina Vic Sotto, Ai-Ai De las Alas, Alden
Richards at Maine Mendoza ang top grosser base sa opening day.
It earned more than 60 million peso-pesoses, beating the record of all
Vice Ganda-starrer on its first day of showing. Kung tutuusin namayagpag
ang My Bebe Love hanggsng sa ikatlong araw ng festival
Pero kung ang pagbabasehan natin ay ang kabuuan ng kinita ng bawat
pelikula beyond the entire run of the festival ay ang Beauty and the Bestie,
na pinagbibidahan nina Vice Ganda at Coco Martin plus James Reid and
Nadine Lustre, ang MMFF 2015 Top Grosser.
Beauty and the Bestie earned a whopping 526,000,000 million pesos
samantalang ang My Bebe Love ay kumita lang ng 385,000,000 peso-
pesoses. Pero sa totoo kang, napakalaki pa rin nito.
* * *
MALAKING factor talaga ang pagkakasama ng AlDub o nina Alden at
Maine sa pelikulang My Bebe Love kaya ito namayagpag sa takilya sa mga
unang araw ng festival.
Pinatunayan lamang nito na marami talagang fans ang AlDub na sabik na
mapanood ang kanilang mga iniidolo sa giant screen.
Bakit kamo? It's because wala pang pelikula sina Vic at Ai-Ai na tinalo si Vice
sa takilya.
Noong MMFF 2011, hindi nagpakabog ang The Unkabogable
Praybeyt Benjamin ni Vice sa Enteng ng Ina Mo nina Vic at Ai-Ai.
Kumita ng 331,000,000 ang Unkabogable while ang Enteng ay 260,000,000.
Year 2013 tinalo naman ng Girl Boy Bakla Tomboy ni Vice ang My Little
Bossings nina Vic at Kris Aquino.
Girl Boy Bakla Tomboy earned more than 436,000,000 samantalang ang
My Little Bossings ay mahigit 401,000,000 naman ang kinita.
So, pinatutunayan din ng katotohanang ito na with or without Jadine
(James Reid and Nadine Lustre) in the movie Beauty and the Bestie ay
kaya nitong talunin ang My Bebe Love -- basta ba wala ang AlDub.
Pero kung nagkataong parehong maganda ang Beauty at My Bebe ay
siguradong nagtuluy-tuloy ang pamamayagpag sa takilya ng huli,
at 'yan ay dahil sa dami ng fans and supporters nina Alden at Maine.
Masuwerte lang ang Beauty and the Bestie dahil nagkataong mas
nakakatawa ito kaysa sa My Bebe Love.
Salamat sa kahenyuhan ni Direk Wenn Deramas at ng mga sumulat
ng script ng Beauty. Dahil through word of mouth ay mabilis na kumalat
among the movie-going public na mas maganda, mas nakakatawa, at mas
nakakaaliw panoorin ang Beauty kaysa sa Bebe kaya unti-unti nitong
nahabol sa takilya ang huli tuluyan na itong mag-number one sa takilya.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento