Mga Kabuuang Pageview

Lunes, Abril 18, 2016

Robin sinibak ng Kapamilya!


Watching Machine

ni Gas Gayondato



 Robin sinibak ng Kapamilya!



TULUYAN nang namaalam sa ere ang “Game Show ng Bayan” nina Robin Padilla, Alex Gonzaga, Eric Nicolas, MJ Lastimosa at Negi.  



Nakumpirma lang namin ang tungkol dito nang hindi na ito muling umere nitong nakaraang Lunes, Abril 18 at sa halip ay ang teleseryeng “We Will Survive” nina Pokwang at Melai Cantiveros, na originally ay napapanood tuwing alas 5:45 ng hapon, ang bumulaga sa ating mga telebisyon.



Noong nakaraang Biyernes, Abril 15, ay inabangan namin ang nasabing game show kung merong announcement na magaganap, kung magbabago ba sila ng oras at araw o tuluyan nang tutuldukan ang ilang linggong pamamalagi nila sa ere.



Pero natapos at natapos ang kanilang game show nang walang announcement na naganap.  Nagpasalamat lang si Robin sa lahat ng mga nakibahagi at nakisaya sa kanila sa dalawang barangay na kanilang dinayo mairaos lang ang “Game ng Bayan.”



Medyo bitin pa nga ang mga salitang binitiwan ni Robin na para bang nagpapahiwatig na babalik pa sila sa Lunes o sa ibang araw at oras. Sa madaling salita, subtle na subtle ang ginawa nilang pamamaalam kaya iisipin mo talagang may balak pa silang bumalik. Kung kailan ay sila lang ang tanging nakakaalam.



Kung susumahin mo ay halos dalawang linggo lang namayagpag sa ere ang game show nila Robin, kulang ng limang linggo para masabi mong naka-one season sila.  Anyare at bigla na lang itong sinibak?



* * *



Karla Estrada nakakaumay sa umaga!


NITONG Lunes naman ay umere na ang pilot episode ng pinakabagong morning show ng Kapamilya network, ang “Magandang Buhay” na pinagsasamahan nina Jolina Magdangal,  Karla Estrada at Melain Cantiveros, bilang kapalit ng “Kris TV” ni Kris Aquino.



Siyempre, para maka-attract agad ng maraming televiewers ay ang sikat na loveteam nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo ang naging pambuwena-manong panauhin nila sa show.



Hindi naman ako na-impress sa format ng show, lalung-lalo na sa tatlong hosts nito.  Si Jolina okey lang naman pero sina Karla at Melai parang hindi bagay mag-host ng isang morning show. 



“Magandang Buhay” ang pamagat ng kanilang pang-umagang programa tapos ang bubulaga sa television screen natin ay ang pagmumukha ni Melai at katawa-tawang katawan ni Karla. Nasaan ang hustisya?



Biro lang po.  Sa totoo lang, kaaliw naman si Melai at cute naman si Karla sa sarili niyang paraan pero dapat lang sigurong ilagay sila sa dapat nilang kalagyan dahil pareho silang nakakaumay sa umaga.



Si Karla mas kuwelang interviewee kaysa interviewer.  Hilaw na hilaw pa siya para mag-host ng isang show sa TV.  Hirap na hirap siyang i-verbalize kung anuman ang gusto niyang sabihin.



Pero tingnan din natin kung hanggang saan aabot ang trio nina Jolina, Karla at Melai.  Mas magtagal kaya sila sa trio nina Karen Davila, K Brosas at Atty. Claire Castro sa “3-in-1?”








Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Disclaimer

Most of the videos and images posted on this blog were taken from the various sites on the internet, especially those embedded code from You Tube and results from google search.
My E-net claims no rights to the videos and photographs posted on this blog.
Any objection from the owner of the videos and photos posted herein, or any other reasons why they should not appear on this blog, contact me at gaseous@hotmail.com, and they will be removed immediately.