Mga Kabuuang Pageview

Biyernes, Abril 8, 2016

Regine parang nanay na lang ni Mikael!


Watching Machine
ni Gas Gayondato






Regine parang nanay na lang ni Mikael!

MALINAW na sa akin na nag-iilusyon lang ang mga writers ng teleseryeng "Poor Señorita" na ang bida sa kanilang istorya ay mukhang in her early thirties at sexy o kung
hindi naman ay sakto lang ang katawan - di mapayat, di naman mataba.

Pero ang pisikal na katangian ng bida ng nabanggit na serye, na ginagampanan ni Regine Velasquez, ay malayo sa gusto nilang palabasin sa istorya.

Birun mo, nakuha pang tuksuhin ni Jaya (gumaganap na tita ni Mikael Daez) si Mikael na baka raw si Rita (Regine) ang kapalaran niya kaya pilit silang pinagtatagpo ng tadhana. 

Yung tandang yun ni Regine ay hindi man lang napansin ni Jaya ang malaking agwat sa edad nito at ng kanyang pamangkin?

Si Mikael naman hindi man lang nag-react na parang nanay o nakatatandang kapatid niya na lang si Rita para magustugan niya ito. Mas naging isyu pa sa kanya ang pagiging sosyalera kuno nito.

Mas nakakatawa sana kung pinaglaruan nila ang tunay na edad ni Regine at totoong korte ng katawan nito, hindi yung ganyang super dedma lang sila.

Lalabas ding mas nakakakilig pa ang mistulang love-hate relationship ng dalawa kung nagpakatotoo lang sila. 

Tanggapin na sana nila ang katotohanang puwede nang gumanap bilang mag-ina sina Regine at Mikael, hindi yung pilit nilang pinalalabas na magka-age lang ang dalawa.

Sa totoo lang 45 na si Regine going 46 this year samantalang si Mikael ay 28 lang, kaya puwede na talagang maging anak ng una ang huli. 

Kahit sa itsura pa lang ng dalawa obvious namang matanda na si Regine para gumanap kunwari na halos kasing age lang ito ni Mikael.

Pakiusap din sa direktor at mga writers ng "Poor Señorita," kung puwede sana pakidagdagan ang exposure ni Snooky Serna dahil super nakakaaliw talaga ang kanyang character as Tita Deborah, ang tita ni Rita na numero unong  kontrabida ng buhay niya.


* ,* *



            'Patayin' ng Star Cinema di original classic film

NAGTATAKA lang ako kung bakit dun sa campaign ad ng Star Cinema para sa digital restoration ng mga tinatawag nating classic Pinoy films ay kabilang ang pelikulang Patayin sa Sindak si Barbara (1995) na pinabidahan nina Lorna Tolentino, Tonton Gutierrez, Dawn Zulueta at Amy Austria, sa diteksyon ni Chito Roño.

Tila misleading ang claim na ito ng Star Cinema dahil hindi naman ang nabanggit na pelikula ang original version ng pelikulang tumatak sa kamalayan ng Pinoy moviegoers bilang isang klasikong Pinoy horror film.

Remake lang ang version na ito ng Patayin Mo sa Sindak si Barbara noong 1974 na pinagbidahan ni Ms Susan Roces, kung saan nakasama rin sina Dante Riveo, Rosanna Ortiz at Edna Diaz, sa dieksyon ni Celso Ad Castillo.

Kawawa naman ang mga kabataan ngayon kung ang mga impormasyong ipinararating natin sa kanila ay mali at taliwas sa katotohanan.

Napanood ko ang original Patayin. Mo... at ang remake nitong Patayin si... Take note of the difference between "Patayin Mo" which is the original version and "Patayin si," na remake. Iba pa rin talaga ang original, hindi ito kayang higitan o pantayan man lang ng isang remake.

Ang "Patayin." ni Celso Ad Castillo ang tunay na classic, hindi ang bersyon ni Chito Roño dahil remake lang ito. Kaya huwag sana nating lituhin ang tao. Let's give credit where credit is due.

* * *

                  Ismol Family pagugulungin ka sa katatawa

TAONG 2014 nang magsimulang umere sa Siyete ang "Ismol Family" na tinatampukan nina Carmi Martin, Carla Abellana, Ryan Agoncillo, Mikael Daez,Pekto, Miguel Tanfelix, Bianca Umali at Boobay.

Sa taon ding ito ay inilabas ko ang aking Top 20 TV Programs with "Gandang Gabi Vice" as my no. 1, "Kapuso Mo Jessica Soho" as my no. 2 and "Ismol Family" as my no. 3. It's already 2016 pero patuloy pa ring namamayagpag sa ere ang "Ismol Family."

Grabe ang tawa ko sa tuwing pinapanood ko ang sitcom na ito, halos gumulong ako sa katatawa. Ibang klase ang sense of humor ni Direk Dominic Zapanta, pati na rin ng mga writers nito.

Siyempre, isama mo na rin ang galing sa pagpapatawa ng buong cast, lalung-lalo na nina Ms Carmi Martin, Boobay, Pekto at Mikael Daez.

Sa tuwing may bagong character na pumapasok sa nasabing sitcom ay asahan mong riot na naman sa katatawanan ang hatid nito sa televiewers. 

Katulad na lang ng pagdating ni James Teng sa buhay ng character ni Bianca Umali, hindi lang katakut-takot na kilig ang idinulot nito sa madlang manonood kundi pati na rin sangkaterbang tawanan dahil sa matinding pagseselos ni Miguel Tanfelix.

Ang pinakahuling pumasok sa "Ismol Family" ay ang character ni Ritz Azul na grabe kung makatawa. Pati ikaw madadala sa tawa ng character ni Ritz. Super kakatawa talaga ang episode na ito.






Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Disclaimer

Most of the videos and images posted on this blog were taken from the various sites on the internet, especially those embedded code from You Tube and results from google search.
My E-net claims no rights to the videos and photographs posted on this blog.
Any objection from the owner of the videos and photos posted herein, or any other reasons why they should not appear on this blog, contact me at gaseous@hotmail.com, and they will be removed immediately.