Mga Kabuuang Pageview

Biyernes, Marso 30, 2012

Dina ikinasal na ulit?


Mula sa pahayagang Aksyon
My E-Net
By Gas Gayondato



  HOW true is the chika na ikinasal na si Dina Bonnevie kay Ilocos Sur Vice-Governor Deogracias Savellano sa Antipolo Regional Trial Court last March 28?
            Ayon pa sa PEP Alerts dumalo raw ang mga anak ni Dina kay Vic Sotto na sina Danica at Oyo, pati na si Ilocos Sur Gov. Chavit Singson.
            Bongga, if it’s true!  Kaya lang mukhang wala na ngang pag-asang magkabalikan pa ang dating magjowang Dina at Vic ngayong taken na ulit ang una.
            Pero mabuti na rin ang ganun para naman matahimik na ang lovelife ng bruha, whew!

* * *

MAGANDA pala ang boses ng tinaguriang Thalia of the Philippines na si Krissy Buena.  Feel ko ang version niya ng award-winning song ng English singer-songwriter na si Adele, ang  “Someone Like You” (Best Solo Pop Performance sa 54th Grammy Awards).
            Panalo rin ang rendition niya ng isa pang hit song ni Adele, ang “Set Fire to the Rain.”  
            Pero bakit kaya hindi kinanta ni Krissy ang 54th Grammy Awards Record of the Year winner na “Rolling in the Deep” ni Adele?
            Eniweys, according to Ms. Throy Catan, (Ms. Throy talaga) dati raw ang sexy-sexy ni Krissy pero ngayon ay biglang lumobo ang katawan.
            Ayun, kaya pala biglang nag-ala-Adele muna ang bruha dahil pareho na silang healthy.  Ang siste, sumobra naman sa ka-healthy-han si Krissy.
            Pero babawi raw ang bruha, pipilitin daw nitong ibalik ang dating kaseksihan sa tulong ni Dra. Radi Apostol ng Above Aesthetics.
            So, alam niyo na…

Lovi game makipag-tomboyan kay Jennylyn


 Mula sa pahayagang Aksyon
Xkandalo
Ni RoldanCastro




NGAYONG Holy Week super-bonding si Lovi Poe sa mga co-stars niya, lalo na kina Alessandra de Rossi at Heart Evangelista.   Sila nga ang magkakasama na mag-i-spend ng Holy Week.
“Oo yeah, nag-iisip kami ni Alex tsaka ni Heart na umalis.”
Tinanong din kay Lovi ang eksenang tomboyan sa bago nilang movie ni Jennylyn Mercado na gagawin sa Regal.  Papayag ba siya if ever sa mga daring scenes sa kapwa niya artistang babae?
“Ah really?  Hindi pa po namin napag-uusapan but then let’s see.  Another new thing, I’m game for anything.  Kasi when it comes to acting naman it’s like… people are smart enough naman to know it’s for the movie, it’s work.
“I think it’s time na rin na we evolve into new things like in “Legacy” ang daming pinapalabas ngayon na ngayon lang pinapakita sa teleserye.
“Na so far I mean iyon ang napansin ko, it’s nice to do that kasi if you always have limitations, where’s the fun in that, di ba? “What’s new pag paulit-ulit na lang?”
Ano ang mas gusto niya; siya yung girl or siya ang tomboy?
“I’d love to do… kahit ano e, kahit ano sa akin.  Pag natsa- challenge ako, mas masaya pag natsa-challenge ako.”
So kung siya ang tomboy ang role, okay lang?
“Okay lang.”
Ready na ba siyang makipaglaplapan sa babae din?
“E kasi sa Legacy may eksena na si Alex kiniss ko.”
Pero hindi torrid. Kapag torrid kissing scene, papayag ba siya?
“You know it’s hard for me to say but if iyon naman ang papagawa sa akin… ewan ko bahala na.”
‘Yun na!
* * *

CONGRATS sa dating SCQ at ABS-CBN talent na si Raphael Martinez.  Graduation niya ngayon ng Marketing management sa San Beda College.  Nakatanggap pa siya recognition award.
At least, nagbunga ang pagsasakripsiyo niya na tumigil muna sa pag-aartista dahil nakatapos siya ng pag-aaral.  Madali namang bumalik sa showbiz pag gugustuhin niya ngayon.
Tiyak  na very happy ngayon si Mommy Karen at Daddy Louie Martinez dahil meron na naman silang anak na napagtapos.
Bongga!
* * *

SUPORTADO ng Asia’s Singing Sensation na si Clifford Allen Estrala,  ang  project ni Ogie Alcasid na OPM2Go on line store, magda-download lang ang sinumang may gustong magkaroon ng kanta ng mga paborito nilang singers.  Mag-register lang sa OPM2Go.com.
Mahal niya ang musikang Pilipino at gusto niya ring makapag-contribute para sa ikauunlad ng industriya.
Kaya naman masigasig niyang tinatapos ang kanyang album na prodyus ni Pacifico "Choi" Perales na ang carrier single ay “Only in my Dream.”
Si Allen Pascua ang composer at arranger ng kanyang album.
Nu’ng February 13 ay dumating siya sa bansa para sa kanyang singing engagement sa Nothern Luzon at mag-record ng album.
Sponsor niya si Joel Pagaduan Simon sa tinirhan niya sa Maynila at naging escort pa niya si PO2 Ben Santiago ng Tayum, Police Station, Abra nu’ng mag-show siya doon.
“Masaya ako dahil sinalubong ako ng mga TV reporters.  Kahit paano masabi ko sa buong bayan na ‘yung pag-uwi ko sa Pinas ay para mag-recording at ma-promote na rin ang mga kanta ko. 
Katatapos lang ngayon ng  editing and mixing  then replication na good for 3 weeks to 1 month bago i-release,” kuwento pa niya.
Si Clifford Allen ay  tinaguriang OFW icon dahil siya rin ang tumutulong sa ilang kababayan nating nangangailangan ng trabaho sa Macau.  Idolo rin siya ng ilan nating kababayan gaya ni Genaro R. Asuit Jr, 24 years old na taga- Cagayan.
“Isa rin po siyang OFW pero pangarap din nya maging ofw icon na tulad ko at makatulong din ng kababayan natin dyan sa  Pinas. Isasama ko siya sa show ko sa Macau sa May 20.
“Nagulat ako dahil may gusto rin  pala ng mga ginagawa ko.  Nagsimula niya akong hangaan nang mapanood niya ang life story ko sa “MMK” (ginampanan ni Erik Santos).
“Dahil dun, ilalabas niya daw ulit yun talent niya sa pagkanta,” sey pa niya.
Sa mga ibang detalye puwedeng mag-log-on sa website ni Clifford na
www.cliffordestrala.com  na gawa ni Manny Linsangan.

Ara last year pa nakipaghiwalay sa non-showbiz bf


Mula sa pahayagang Aksyon
WHAT’S THE POINT?
Pilar Mateo   

 NANAHIMIK nga ang aktres na si Ara Mina nang mahabang panahon hinggil sa matagal na ring usap-usapan at pagtatanong sa paghihiwalay nila ng kanyang long-time boyfriend na si Raymond Yap, isang successful businessman.
Kahit na naipakilala na ni Ara sa pamilya niya si Raymond eh, nanatili pa rin itong tahimik at hindi nagpapaka-showbiz nang maging sila na ng aktres.
Kaya naman, lahat din ng mga lakad nila eh, nananatiling tago sa public eye.
Ngayon, lumalabas na noon pa palang September last year nag-decide ang aktres to call it quits!
Ayon sa naging pahayag ni Ara, sa kanya nagmula ang desisyon na magkanya-kanya na muna sila ng kanyang boyfriend, na inakala na rin ng maraming siya na ring maghahatid sa kanya sa dambana.
Gusto lang sabihin ni Ara na mas pinili niya ang manahimik dahil hindi nga naman isang bagay na dapat na ipagmalaki pa ang pakikipag-split sa isang minamahal.
At ngayon nga, papanatilihin pa ring lihim ng aktres ang tunay na dahilan ng kanilang paghihiwalay.  Nauna rito, itinanggi na niyang may third party na siyang naging sanhi para kahit na bumabalik daw dito ang kanyang boyfriend at nagtatangka pa ring mailagay sa ayos ang lahat eh, talagang tumatanggi na siya.
Nagpapasalamat na lang si Ara na habang maaga pa eh, natuklasan na nilang they were not meant to be.
At dahil dyan, siguradong mauudlot din kung sakaling magplano nang lumagay sa tahimik ang unang napabalitang nag-split na sina Cristine Reyes at Rayver Cruz.
Noon pa kasi sinasabi ni Ara na bago mag-asawa si Cristine, kailangang mauna muna siya at siya raw naman ang Ate.
Kaya, matagal-tagal na hintayan ito.  Na sa isang banda eh, makabubuti rin naman kay Cristine.
Kaya nga naamin na rin ni Ara na when it comes to love, mas matapang sa kanya ang nakababatang kapatid. At mas wise nga raw ito pagdating sa mga usapin sa puso.
Eh, paano raw kung maging matandang dalaga na lang si Ara?
Naku, hindi papayag ang sexy actress, dahil siya nga itong nangangarap ng pag-walk down the aisle at magkaroon ng maayos na pamilya in the future!
* * *

Liezl nagluluksa sa pagyao ng kanyang stepdad


 MESSAGE sa Facebook account ni Liezl Martinez noong Huwebes ng gabi:
M heart is aching and broken...my stepdad for the past 42years, Joey Stevens, has passed away at 9:42 pm tonight.
“I am glad I spent my birthday with him. He just waited for my girls and I to leave. I love you so so much!
“Thank you for loving me like your own and treating my kids like your grandkids.  I will miss you terribly!
Ang amin pong taos-pusong pakikiramay.
Noong 2009 na-grant ang annullment ng yumao at ng dakilang ina ni Liezl na si Ms. Amalia Fuentes, matapos silang maghiwalay noong 2007, matapos ang may 28 taong pagsasama.
* * *
MAMAYANG gabi sa “The Bottomline” ng award-winning host na si Boy Abunda, itatampok ang kwento at saloobin ng lifestyle writer at HIV positive na si Wanggo Gallaga.
Halos 300 kaso ng HIV (human immunodeficiency virus) at AIDS (acquired immunodeficiency syndrome) na ang naitala ng Department of health para lang sa buwan ng Pebrero sa taong kasalukuyan.
Isa na namang eye-opener ang mabibigyan ng mga kasagutan sa magiging paglalahad ni Wanggo ng kanyang istorya, tunay na saloobin at pananaw sa kanyang kalagayan.
Makialam mamayang alas-onse y medya ng gabi at huwag palampasin ang isang usapang apektado tayong lahat.
At alamin ang mga kasagutan ni Wanggo sa mga katanungang ihahain sa kanya ni Kuya Boy at ng kanyang bottomliners o panel.



Disclaimer

Most of the videos and images posted on this blog were taken from the various sites on the internet, especially those embedded code from You Tube and results from google search.
My E-net claims no rights to the videos and photographs posted on this blog.
Any objection from the owner of the videos and photos posted herein, or any other reasons why they should not appear on this blog, contact me at gaseous@hotmail.com, and they will be removed immediately.