WHAT'S THE POINT?
Pilar Mateo
HINDI
naman masisisi ang Queen of All Media kung pinupuno
nito nang husto ang schedule ng trabaho niya these days!
Sa taping,
kung saan nagba-backpack siya para sa kanyang “Kris(Reali-)TV” at ang soap niya
with Robin Padilla and Anne Curtis na “Kailangan Ko'y Ikaw”.
Matapos ngang
mairaos ang kaarawan ng kanyang si Bimby James, nakatuon na ngayon ang
kanyang dalawang boys sa pag-look forward sa kanilang isa na namang Disney
Cruise sa Cape Canaveral sa Florida, USA sa Mother's Day.
Pati na ang
kanyang mga out-of-the-country para sa shoots ng kanyang TVCs eh, maayos ding
nasusunod. She was in Bangkok, Thailand
recently para sa panibago na namang shoot.
Masasabi bang
deliberately eh, kinakalimutan muna ni Kris ngayon ang mga bagay na may
kinalaman sa kanyang puso? Naging
kapansin-pansin ang maganda nilang pagtitinginan ng kanyang ex-husband na si
James Yap sa kaarawan ng kanilang anak na si Bimby na magkatuwang nilang
pinaghandaan.
“I think, I am okay now. Sa gumanda namang kinalabasan ng friendship
with James at maayos na takbo now ng trabaho ko, what more can I ask?
“My two boys
are enough! As it is, walang problema,
walang issues. Tahimik lang. And love, love.
Love to everyone! I think mas maganda na 'yung ganitong
disposition now.”
I agree!
* * *
IYAKIN pala ang dalagitang si Ella Cruz! Siya naman ang magbibida sa bagong fantaserye
ng ABS-CBN na “Aryana.”
Unang tanong
pa lang sa fifteener sa kanyang press conference sa reaksyon niya ngayong
nabigyan siya ng ganitong pagkakataon, akala namin eh, magkakaroon siya ng
buntot at halos bumaha ang luha sa tindi ng kanyang kagalakan.
“Naaalala ko lang po kasi 'yung mga dinaanan ko mula
nang sumali pa lang ako sa “Little Miss Philippines” ng “Eat...Bulaga!” when I
was six years old.
“Dahil after
noon po na ako nagsimula na mag-ekstra-ekstra sa mga soaps lika “Magpakailanman.”
Tapos, pinag-audition kami sa “Majica.”
“ Tapos,
nagge-guest na rin po ako sa “MMK.” Totoo po, naikot ko na 'ata halos lahat ng
networks. Dahil nakasama na rin ako sa
"Inday Wanda.”
Kaiba sa mga
nasaksihan na nating 'fish tales' o mga pelikula at programa sa telebisyong
tumatalakay sa mga sirena, dito sa istorya ni Aryana, normal na tao muna siya pero dahil sa isang sumpa, nabago
ang ikot ng kanyang sosyal na teen's life.
At dahil sa
pagpupursige ni Ella at maski pa nag-iba-iba na rin siya ng managers, sa gabay
ng kanyang buthing ina, napansin na ang kakayahan ng dalagita sa kanyang pagganap.
Ngayong may
love interest siya sa nasabing fantaserye in the person of Paul Salas na
mukha ring very fond of Ella, nangako naman ang dalagitang hindi siya
madi-distract ng mga bagay para mapasok na agad siya sa pagkakaroon ng 'young
love.'
Subaybayan na
ang 'magical tail' ni Aryana mula sa
direksyon nina Erick Salud at Lino Cayetano simula sa May 7.
* * *
UP
TO now, maya't maya pa rin ang tanong sa amin ng aming
mga kasama kung totoo bang nagkausap na ang magkapatid na Ara Mina at Cristine
Reyes.
Kasi,
nagba-Bible study na raw ang pasaway na kapatid ni Ara at panay nga ang lagay
nito sa kanyang Twitter ng mga pinagkakaabalahan niya sa ngayon.
Ibinalik na
ni Ara sa normal ang buhay niya. Habang
wala pa siyang ginagawa sa harap ng camera, ang pag-aaral ng Culinary at para
naman maging maayos din ang takbo ng isip at puso niya -- ang Bikram Yoga with
her close friends.
Muli,
sinasabi ni Ara. “Hindi totoo 'yun. Walang
pag-uusap na nangyayari!”
Kasi naman,
kailangan pa ba namang itanong 'yun?
Hindi naman
nga raw ito patintero o taguang-pung!
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento