Mula sa pahayagang Aksyon
SHOWBITZ & PIECES
VINIA VIVAR
KALUNGKOT naman ang nangyari kay Isabel
Oli na pumunta lang ng Boracay, pagbalik niya ay nawala na at ninakaw ang
kanyang mga gamit sa bahay.
Lumipad patungong Boracay si Isabel noong April 14 kasama ang anak ni Becky Aguila na si Katrina at ang make-up artist na si Gigi para sa isang sports show ng aktres sa GMA News TV.
Sa pagpunta pa lang sa Bora ay marami nang aberyang nangyari kay Isabel. Imagine, 3:30am pa lang ay nasa airport na
sila dahil 5:30am ang flight nila via Cebu Pacific Airlines.
Pero naiwan pa rin sila ng eroplano na umalis ng 5:10am. Nasa CR daw sila nang time na umalis ang plane
at hindi nila narinig na tinatawag na ang name nila ng ground stewardess.
What they did ay nagbayad na lang si Katrina ng re-booking fee at inabot nang
mahigit sa 12 thousand pesos. Good
thing, sinagot naman ito ng production pero siyempre, hassle pa rin.
Ang next flight ay 11:30am kaya natulog na lang daw si Isabel sa bench ng
terminal habang hinihintay ang pag-alis.
Heto na ang siste, pagdating sa Boracay terminal, wala ang mga luggage nila at
naiwan sa Manila. Kaya naghintay na
naman sila ng another hour para sa pagdating ng kanilang bagahe.
Kaya naman doon pa lang ay bad trip na ang aktres sa Cebu Pacific.
Pero ang pinakamalaking kalbaryo ay nang umuwi na sila ng Manila noong April
15, bandang 9:30pm. Pagdating nga niya
ng bahay ay nadiskubre niyang wala na ang mga gamit niya.
Halos lahat ng mamahaling gamit ni Isabel ay nawala tulad ng 2
cellphones, Rado watch ng daddy niya, tatlong expensive watches ng aktres, cash
ng sister-in law niya at pati ang mamahaling camera na iniregalo sa kanya ng
ex-boyfriend na si Gab Valenciano.
Ang suspect sa pagnanakaw ay ang yaya ni Isabel na nagngangalang Lorna Balila na naiwan sa bahay nang
time na naganap ang nakawan.
Sinundo
raw ang aktres sa airport ng kanyang pamilya at ang naiwan sa bahay ay ang daddy
niya na comatose, ang nurse at ito ngang yaya.
Ayon sa nurse ay nakita pa raw niya na may itinapong plastic bag sa basurahan
ang yaya at akala naman daw niya ay basura. Hinihinalang ang laman ng plastic
bag ay ang mga gamit ni Isabel na nawala.
Iyak nang iyak si Isabel sa nangyari dahil hindi biro ang mga gamit na nawala
lalo na ang mga mamahalin niyang relo.
Ang
yayang ito ay dati rin daw yaya ni Angel
Locsin. Diumano ay ninakawan din nito si Angel kaya pinalayas ng aktres.
Hindi alam ni Isabel ang history na ito ng kanyang yaya at hindi rin alam ng
manager niyang si Becky Aguila na dating manager ni Angel na ito ang kinuhang
yaya ni Isabel. Otherwise ay
na-warningan daw sana niya ito.
Missing in action na raw ang yaya kaya sila naghinala na ito nga ang kumuha.
Wala pang plano si Isabel kung ano ang balak niyang gawin pero marami ang
nagpapayo sa kanya na ipaaresto ang yaya para maimbestigahan at makwestiyon ng
pulisya.
* * *
NGAYONG
nag-hit ang pelikula niyang “Moron 5 and the Crying Lady,” marami ang
nagtatanong kay John “Sweet” Lapus
kung kukumpetensyahin na ba niya si Vice
Ganda at natatawa na lang ang komedyante.
Aniya
ay wala naman daw ganu’n dahil Vice Ganda na raw si Vice Ganda at wala naman
daw siyang balak makipagkumpetensiya kahit kanino.
Ang mas gusto niyang iparating sa madla ay ang labis niyang pasasalamat sa
lahat ng sumuporta ng movie nila nina Luis
Manzano, Marvin Agustin, Billy Crawford, Martin Escudero at DJ Durano.
Natanong din si John kung nararamdaman na ba niya ang kanyang importansiya mula
sa mga tao dahil sa success ng kanyang movie at say niya, noon pa naman daw ay
nararamdaman naman niya ang importansiyang ibinibigay sa kanya especially ng
GMA-7 kung saan siya nagtatrabaho.
“At may mga producers naman na nagpaparamdam sa akin niyan in my past 19 years
in showbiz. But of course, sa 19 years
na ‘yun, may mga konting (panahon) na mahina tayo at ‘yung mga taong
nagpaparamdam niyan, siguro masyadong busy din.
“But sa TV ngayon, ang ‘Showbiz Centra’l (hino-host niyang talk show sa GMA-7
every Sunday) in particular, makes me feel very important. Ang Viva Films the fact na binigyan nila ako
ng kontrata, and si Direk Wenn (Deramas)
and si Direk Chris Martinez na hindi
ko lang mga kaibigan kundi mahuhusay pa na direktor na nagpaparamdam sa akin na
ako’y importante, na naniniwala sila sa akin as an artist,” say ni John.
Tuwang-tuwa rin si John sa magagandang reviews sa pelikula at maging sa acting
niya. All these positive comments made
him realized more na hindi raw mali ang pinasok niyang trabaho.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento