Mula sa pahayagang Aksyon
WHAT’S THE POINT?
Pilar Mateo
Cristine sinampahan ni Ara ng kasong
Libel at Grave Coercion
ANG statement ng aktres na si Ara Mina
matapos nitong magsampa ng kasong libel at grave coercion sa kanyang kapwa rin
artistang kapatid na si Cristine Reyes:
“Ako po ngayon ay
nagsampa ng kasong Libel at Grave Coercion laban sa aking kapatid na si
Cristine Reyes.
“Ang aking layunin sa
kasong ito ay turuan ng leksyon ang aking kapatid na si Cristine. Matagal
akong nagtimpi at nagpasensya sa ginagawang paninira, pambabastos,
panghihiya, at pananakot sa akin ng sarili kong kapatid na si Cristine.
“Pero labis-labis na
pasakit na ang idinulot sa akin ni Cristine. Natatakot ako na kung kaya
niya itong gawin sa akin, na kanyang sariling kapatid, mas lalo niyang kayang
gawin ito sa ibang tao.
“Kaya nag desisyon na
ako na kasuhan siya para maturuan sya ng leksyon na mali ang ganitong mga
gawain.
“Mahal ko ang kapatid
kong si Cristine. Pero bata pa siya at tila hindi pa niya naiintindihan
ang halaga ng respeto, paggalang, at pagmamahal sa kapatid, magulang, kaibigan,
at sa ibang tao.
“Dumarating talaga ang
panahon na kailangang paluin ang isang bata para matuto ng tama. Ako ay
naniniwala na walang ibang magtuturo at magmamalasakit sa aking kapatid na si
Cristine kundi kaming mga malapit sa kanya.
“Sana lang, hindi pa
huli ang lahat para matutunan niya ang kanyang mga nagawang pagkakamali at
magbago na siya ng ugali. Uulitin ko, mahal ko ang kapatid kong si
Cristine. Ito lang ang naisip kong paraan para matigil na ang ginagawa
niyang paninira, pambabastos, panghihiya, at pananakot niya sa akin.”
Katakut-takot na luha
ang bumuhos mula sa aktres na si Ara nang i-file na nito ang kanyang reklamo
laban sa kapatid sa sala ni Assistant City Prosecutor Ramoncito Bienvenido T. Ocampo, Jr. kasama ang kanyang mga abugado
na sina Atty. Ricky dela Cruz, Atty.
Marforth Fua at Atty. Priscilla Marie Abante.
Maraming ginulat si Ara,
kasama na nga kami ni Leo Bukas na
pawang publicists niya. Nang malaman nga namin ang tungkol sa nasabing move,
tinanong pa muna namin ang aktres kung baka nabibigla lang siya at baka
puwedeng pag-usapan na lang nila ito, bilang problema sa pagitan naman ng
magkapatid ito.
Pero nang mabasa na namin ang nilalaman ng
complaint-affidavit ni Ara kung saan nga nakasaad ang mga text messages sa
kanya ng nakababatang half-sister, hindi mo sisikmurain ang mga pinagsasabi ng
mino-molde para maging ehemplo ng mga hahanga sa kanyang si Cristine.
Maliwanag na pambababoy
at kawalan ng respeto ang nilalaman ng mga ipinadala nitong text messages,
hindi lang kay Ara kundi pati na sa mga taong malalapit dito, gaya kay Mayor Patrick Meneses at ina ng huli na
nagsampa rin ng kanilang reklamo kay Cristine.
Kulang na nga lang eh,
patayin ng mga salita ni Cristine sa kanyang mga mensahe ang Ate niyang parang
walang nagawang maganda para sa kanya.
Tinawag niyang pokpok si
Ara, bobo, laos, masama ang ugali, nakakadiri, ikinakahiya niya, pa-sosyal,
aborsyonista at marami pa. At ang
pinag-uugatan eh, ang pagsingil ni Cristine ng naging hati niya sa binili
nilang bahay ni Ara para sa kanilang ina, na nagkakahalaga ng P3,300,000.00 -- kung
saan nag-down ng isang milyon si Cristine at pinunan ni Ara ng P2,3000.000 in
monthly installments. Na natapos noong
November 30, 2011.
Kaya noong Marso ng
2012, sinisingil ni Cristine kay Ara ang isang milyon na ibinayad niya para sa
bahay, kung saan kay Cristine naman nakapangalan. Kaya, kung hindi raw
maibibigay ni Ara ang nasabing halaga eh, ang sasakyan na lang nitong GMC ang
ibigay kay Cristine. Na ang nasabing mga
text messages na nga ang naging bunga nang hindi pumayag si Ara dahil wala
naman nga raw siyang utang bale kay Cristine.
Sa mga ginagawa ni
Cristine, hindi nito nare-realize ang noon pa man eh, gabundok nang sama ng
loob na ipinapakimkim niya sa kanilang ina at iba pang miyembro ng kanilang
pamilya na pinagsalitaan niya rin ng hindi maganda.
Defamatory at malicious
messages ang mga ito. Kaya, bago
magsipag-judge ang mga nakapanood sa pag-iyak ni Ara sa mga interviews sa kanya
na inilabas sa mga news programs, alamin muna ang puno’t dulo ng lahat.
Lahat ng tao sa tabi ni
Ara, kung anu-ano ang sinasabi ni Cristine, including me and Leo na publicists
ni Ara.
Tawagin mo kaming cheap reporters,
Cristine? Sino ba sa ating dalawa ang
may pinag-aralan? Ang natuntungan mong
pag-aaral eh, galing sa pagpapawis ng kapatid mo, na hindi mo naman
naipagpatuloy at hindi mo naman ginagamit. Mag-ingat-ingat ka sa pagsasalita mo sa amin,
ha?
Dapat, magsisi ang
manager mo sa pagkupkop niya sa ‘yo. Sisirain
mo lang sila. At ano ang ipinagmamalaki
mo -- na magkakaroon ka ng malalaking endorsements?
There should be truth in
advertising. Kaya ang mga kukuha sa ‘yo
to endorse, dapat na pag-aralang muli kung tama ba na taglayin mo ang pangalan
ng kumpanya at produkto nila sa mga ginagawa mo sa ngayon.
Ang lahat ng ginagawa
mong ito sa pamilya mo, babalik sa ‘yo. Ang
bilis mo namang makalimot. Nung
matanggal ka agad-agad sa “Starstruck” ang Ate mo ang unang tumakbo sa tabi mo
para i-comfort ka!
Nang muntik ka nang
mamatay dahil sa Ondoy, hindi tumigil ang Ate mo para makahanap ng sasagip sa
‘yo sa ibabaw ng bubong ng bahay niyo.
Ang sama-sama ng ugali
mo. Noon pa naman, nakita ko na ‘yan sa
‘yo. Pero Ate mo pa rin ang nakiusap na
intindihin ka. O, ano ang napala niya? Bite the hands that feed you?
Kung sa akala mo, ang
taas mo na, wala ka namang ibang pupuntahan, ‘di ba? Bababa ka rin. Baka nga hindi lang baba kundi lagapak!
Mga bumuhay sa ‘yo hindi
mo nga iginagalang, kami pa! Bahay para sa nanay mo-binabawi mo ang ibinayad
mo. At ano 'yung sabi mo, kinuwestiyon
mo kung hanggang kelan ka tatanaw ng utang na loob sa nanay mo? Saan ka ba nanggaling?
Ito ba ang iidolohin
niyo?
Siguro, kaya ganyan ka,
ni hindi mo kilala ang Diyos. Nakakaawa
ka naman!
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento