Mga Kabuuang Pageview

Biyernes, Abril 27, 2012

Sharon di kailangan si Piolo sa kanyang show


Mula sa pahayagang Aksyon
WHAT’S THE POINT?
Pilar Mateo    

INSPIRING ang masasabing rags-to-riches story ng Mayor ng Pandi, Bulacan na si Enrico Roque, na unang naging bukambibig at nakilala ng entertainment press dahil sa kanyang unang naging negosyo, ang Bodega ng Bayan, na nasa iba’t ibang parte ng Luzon.
At ngayon, siya ang nagtayo ng Amana Resort and Water Park (ARWP) sa kanilang bayan sa Santisima street, Bagong Barrio sa Pandi na nagiging paborito nang puntahan ng mga mahilig mag-swimming at mag-relax.
            Huli kaming dumating sa nasabing theme park noong hapon ng April 18.  Humabol kami sa paanyaya ni Mayor para sa kanyang kaarawan at Thanksgiving para sa mga manunulat, sa pamumuno ng kanyang butihing kaibigang si ‘Nay Cristy Fermin, after na samahan namin si Ara Mina na magsampa ng kaso sa pasaway nitong kapatid.
            Pagpasok pa lang namin sa gate ng Amana Resort ay namangha na kami sa laki nito.  At nasaliksik naming ipinangalan pala ito after an ancient Syrian River.
Sari-sari’ng display ng mga naglalakihang characters ang makikita mo everywhere, gaya ng Justice League, at ‘sangkaterba ang cottages na iba’t iba rin ang disenyo.
            Ang features na talagang dinadayo sa lugar eh, ang kanilang 3,500 square meter wave pool na pinakamalaki sa bansa.  At may mga kiddie pools din sa iba’t ibang parte ng resort.
            Meron ding man-made waterfall, infinity pool with jacuzzi at avatar pool. Ang pinaka-bago nga eh, ang kanilang zip line. 

 Hindi nga kami nakapag-prepare to swim.  At noong gabi ko lang na-meet ang butihing Mayor kasama ang kanyang mga Konsehales.  Kung saan nagpa-raffle pa sa mga naanyayahang press si Mayor bilang pasasalamat.  At buong araw na bumaha ng pagkain at inumin.
            Ito nga lang daw ang alam niyang paraan, para sa lahat ng tinatamasa niya ngayon eh, mapasalamatan niya ang press.  Sa advise at tulong din ni ‘Nay Cristy, inalam ni Mayor Enrico ang ‘kiliti’ ng press.
            Ang isang biyayang ibinigay kay Mayor Enrico eh, nang mabili na niya ang katabi pang lote ng una na niyang nabiling lupa para gawin ngang resort.  Doon sa loteng binili niya lang dati tinatanaw ang lugar kung saan namimitas at namumulot lang siya ng sampaloc na siya niyang inilalako sa palengke para magkabaon siya sa eskwela.
            Pinagsasabay man niya ang dalawang mundo sa ngayon, bilang negosyante at pulitiko, ang panuntunan niya eh, ang pagbibigay lang ng wagas na pagmamahal sa anumang ginagawa niya.
            He earned his first million at the age of 27.  At dahil sa isa siyang mabuting anak, kaya patuloy siyang pinagpapala.  At ngayong tumuntong na siya ng 39 -- imagine his worth!
            Sana, marami pang gaya niya, na ang pamamahagi ng pagtulong o pagbibigay eh, hindi tinutumbasan ng anumang kapalit!
* * *
 SI ARNELL Ignacio ang nagulat sa Megastar na si Sharon Cuneta sa pagsagot nito sa bawat tanong na inihain ng press sa kanya para sa bago niyang show sa TV5, ang “Sharon: Kasama Mo, Kapatid” na mapapanood na simula sa Mayo 7.

Kaya si Mega na ang nagsabi kay Arnelli, na nag-host ng presscon na sanay na sa kanya ang press na sa isang sagot niya eh, makakasampung artikulo ka na.
            At lalo pang nagulat si Arnell dahil sa nasabing pagkakataon ay maraming nabuksang katanungang binigyan ng sagot ng naging emosyonal na Megastar -- lalo na tungkol sa kanyang Tita Helen (Gamboa-Sotto) na patuloy niyang sinasabing mahal niya at hindi niya tinitigilan sa pag-reach out.
Hanggang sa inaakala niyang hindi pagtanggap sa kanya ng Mama Swanie (Susan Roces) niya, na sinabi niyang mahal na mahal din niya at siya ngang nakausap niya noong nasa morge siya nang pumanaw ang Hari ng Pelikulang Pilipinong si FPJ.
            For the first time, namutawi sa labi ni Sharon ang pagsisisi.  Na sana nga raw, ito na lang ang ikinampanya niya at naging Pangulo.  At doon, lalo lang itong napaiyak.
            Sari-sari nga ang mga nagsalimbayang tanong kay Mega.  At hindi nakalimutan si Piolo Pascual.  Kung makakasama raw kaya ito sa listahan ng mga magiging panauhin sa kanyang programa.
            “I don’t see why I should guest Piolo.  We don’t need Piolo to guest here.  Gano’n din naman ang sasabihin ng marami na gagamitin ko lang ito.”
            Marami pang nasagot na mga tanong ang Megastar.  At sa bago niyang programa, na gusto niyang siyang maging legacy niya, she just wants to give back.
At oo nga raw, gusto niya ring magawa ang nagagawa na ng kanyang idolong si Oprah Winfrey sa Amerika para naman sa ating mga kapatid dito.
            Hindi na rin matatawaran ang suporta at pagmamahal ng press kay Shawie.

Doon, hindi na nagulat si Arnelli!  Dahil nakita niya kung paanong mimanahal ito ng bawat press na na-touch na ni Sharon ang buhay.





Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Disclaimer

Most of the videos and images posted on this blog were taken from the various sites on the internet, especially those embedded code from You Tube and results from google search.
My E-net claims no rights to the videos and photographs posted on this blog.
Any objection from the owner of the videos and photos posted herein, or any other reasons why they should not appear on this blog, contact me at gaseous@hotmail.com, and they will be removed immediately.