Mga Kabuuang Pageview

Biyernes, Abril 27, 2012

Sharon 2 beses napaiyak


Mula sa pahayagang Aksyon
SHOWBITZ & PIECES
VINIA VIVAR

LAST Wednesday ay humarap na si Sharon Cuneta sa entertainment press para sa grand presscon ng kanyang show sa TV5, ang “Sharon, Kasama Mo Kapatid” na finally ay magsisimula na sa May 7.
        As usual ay masayang Sharon ang nakita ng entertainment press at tulad ng dati, kilometric pa rin ang sagot niya sa mga tanong na siyang ikinatutuwa talaga sa kanya ng mga reporters and media eversince.
        Hindi mo na nga siya kailangang tanungin pa dahil siya na mismo ang kusang nagkaklaro ng mga bagay-bagay. Tulad ng sa simula pa lang ng presscon ay na-mention na niyang mahal na mahal niya ang Tita Helen Gamboa niya anuman ang tampo nito.
        Klinaro rin niya ang tungkol sa pagkaka-delay ng airing ng kanyang show to the point na ang dami na ngang nagtataka kung bakit ito nagtatagal iere.
        Ayon kay Sharon, hindi raw totoo ang mga sinasabi ng iba na kaya natatagalan ang airing ay dahil sa hindi maganda ang mga episodes dahil ang totoo, kaya nga raw natatagalan, ito ay dahil sa sobrang ganda ng show.
        “We have taped more than 15 episodes already, we have gotten the hang of it beautifully, I love doing the show and kaya po tumagal nang ganito is because my TV5 bosses from Atty. RCE (Rey C. Espinosa) to Mr. Barreiro to Mr. Intalan, nobody wanted something na hindi mukhang engrande at elegante kaya we spared no extense pagdating po sa set, pagdating po sa pinakaimportanteng bagay - ang concept ng aming show.
        “Sa dami po ng talk shows ngayon na hindi lang po ako ang nag-host, sa dami po ng talk shows at present at sa dami po ng shows na ginawa ko noon, talagang we wanted it to be familiar but very different,” pahayag ni Tita Shawie.
        Ito raw show na ito ang gusto niyang maging legacy kaya naman talagang pinaghahandaan nila nang husto at dito na raw niya ibinuhos ang lahat-lahat.
        Bagama’t masayang nagsimula ang presscon, sa kalagitnaan ay dalawang beses napaiyak si Megastar at ito ay nang mapag-usapan ang kanyang paglipat at ang mga naiwan niya sa ABS-CBN pati na ang mga kaakibat na negative comments tungkol dito at ang pangalawa ay nang mapag-usapan ang kanyang Tita Helen Gamboa na alam naman nating lahat na nakaalitan niya kamakailan and up to now ay hindi pa naaayos.
         Ayon kay Sharon ay na-shock din siya sa mga naging reaksyon ng tao sa kanyang paglipat kung saan ay katakut-takot na bira ang natanggap niya at kinukuwestiyon ang kanyang loyalty.
        “Parang ang dami-dami namang artistang lumipat ng ibang bakod nang ilang beses, mapa-lalaki o mapa-babae. One superstar male artista has already worked with 3 stations, stuff like that.
        “Pero sabi ko, bakit ako, ang laking ano when actually, okay kami ng mga boss ko.  Siguro, marami ring nasaktan sa mga naiwan kong pamilya, kasi siguro they felt there was a little betrayal.
        “And hindi ko naman maaalis ‘yun pero ang feeling ko, parang nagkakaintindihan kami ng mga boss ko na siyang malalapit sa akin, sina Boss Gabby (Lopez), Ma’m Charo (Santos-Concio), masakit sa akin dahil mahal na mahal ko sila and hindi ko ‘yun itinatago sa mga boss ko (sa TV5).
        “In fact, when I signed the contract with TV5, before I signed, hindi ko talaga mapigilang lumuha, eh.  Kasi parang dati, ang katabi ko, si Boss Gabby, ngayon parang strangers sila, parang ganu’n.  Ngayon, siyempre, hindi na, pero at that time…
        “That’s why nasasaktan ako pag sinasabing it was about the 1 billion (ang napapabalitang halaga ng kontrata niya sa TV5).
“Remember that’s almost 200 million a year for 5 yrs.  Tanggalan mo pa ng taxes, porsyento ng iba’t ibang tao so, ‘yun din ang kinikita ko mostly every year.
        “So, it’s not about the 1-billion contract.  It was more about. . .kasi ang hirap magsalita ng baka may masaktan, eh, di ba?
        “Pero let’s just say it’s about a little respect for what I built over 3 decades.  I wanted a show na I felt after all the hard work, I deserve, although I was given many opportunities and I would always be grateful to ABS-CBN.
        “I wanted my name on my show again and it was TV5 that gave it to me,” sabi ni Sharon.
        Nang matanong kung may posibilidad ba na mai-guest niya ang anak niyang si KC Concepcion or si Piolo Pascual, say ni Sharon, “Gusto kong i-guest si KC but I don’t see why I should guest Piolo pa.  
“Kasi, una sa lahat, parang lalagyan ng kulay ng ibang tao, pangalawa, we don’t really need Piolo to guest here.
        “No, ganu’n lang ‘yun eh, kasi sasabihin, ginagamit mo, ako na naman ang masama, huwag na lang, we don’t need all that, all the baggage that comes with it, I’d rather guest my daughter.  I think it will be more understandable, she’s under Viva anyway.”
        Anyway, hindi pa inanunsyo kahapon kung ano ang timeslot ng “Sharon, Kasama Mo Kapatid.”
 Ito raw ay para maprotektahan ang show at hindi ma-preempt or magawan ng anumang plano ng ibang tao.  Pero before May 7 ay sasabihin din naman daw nila ang oras.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Disclaimer

Most of the videos and images posted on this blog were taken from the various sites on the internet, especially those embedded code from You Tube and results from google search.
My E-net claims no rights to the videos and photographs posted on this blog.
Any objection from the owner of the videos and photos posted herein, or any other reasons why they should not appear on this blog, contact me at gaseous@hotmail.com, and they will be removed immediately.