Mula sa pahayagang Aksyon
WHAT’S THE
POINT?
Pilar
Mateo
ANG talk of
the town these days -- eh, ang pagkakatuloy na ng paglipat ng aktor na si Derek
Ramsay mula sa Kapamilya into the Kapatid network.
Naganap ito noong Martes ng gabi sa Shangri-la Hotel
kung saan tatlong taon ang pinirmahang kontrata ng aktor na sinaksihan ng
kanyang manager na si Joji Dingcong at ng pamunuan ng TV5 na sina Atty. Ray
Espinosa at Sir Perci Intalan.
Kakauwi lang ni Derek from Australia para dumalo sa
kaarawan ng kanyang isang kaibigan. Hindi
nga raw niya kasama ang kanyang girlfriend na si Angelica Panganiban
dahil nasa Vietnam naman ito for a shoot.
Hindi naman kami invited sa press conference ng
aktor sa pagpirma niya ng kontrata. Pero kahit nasa Australia pa ito eh,
ka-text na namin.
At nang matapos na nga ang nasabing pirmahan,
agad-agad na akong tinawagan ng aktor para magkuwento sa mga bagong kaganapan
sa buhay niya.
Syempre, inusisa ko muna kung ilang beses bang
inabot ang ‘upuan’ niya with the ABS-CBN executives.
Nang araw na matapos na ang kontrata niya sa ABS-CBN
kasi, press conference naman niya noon para sa ipapalabas na “Corazon: Ang
Unang Aswang” nila ni Erich Gonzales. And that time nga, lahat eh,
nakabitin pa.
According to Derek, maraming pagkakataon pa naman
daw na naulit ang ‘upuang’ ‘yun with the Kapamilya executives. Pero meron pa nga rin daw siyang gustong hindi
lumalabas sa nasabing usapan.
Being the sports buff that he is, mas gusto nga ‘ata
ni Derek na ma-gear din ang kanyang mga ginagawa sa mga bagay na may kinalaman
sa sports.
Na sa pagbabalanse naman daw niya ng kanyang mga
options eh, nakita naman niya sa offer sa kanya ng TV5.
Isa na nga rito ‘yung pagho-host niya sa June ng
“Amazing Race: Philippines.”
Nung una, nabanggit niyang gusto nga niyang sumali
talaga dito. Not as a host. Pero this time, wala nang kawala, siya na ang
magiging host nito kung saan gagalugarin nila ang buong Pilipinas.
“It really took a long time for me to decide, my
friend. Binigyan ko naman ng halaga my
loyalty to ABS-CBN and time and again, nasasabi ko ‘yan sa inyo.
“Noon pa, may offer na. And I opted to stay with them. Siguro, part ng moving on and making changes
and doing the things that I really wanna do.
“And alam ko kung ano ang passion ko. And that’s
what my Dad told me to follow.”
* * *
MAMAYANG gabi, April 12 (Huwebes), may kakaibang ‘pasabog’ na namang ihahatid ang Mr. Pure Energy na si Gary V. sa kanyang mga tagasubaybay sa Music Museum sa pamamagitan ng kanyang “On Higher Ground” na siya mismo ang magdidirek at this time, katulong na sa kabuuan ng show ang kanyang panganay na anak na si Paolo Valenciano.
What keeps him moving and grooving and reaching higher grounds nga raw eh, ang hindi niya pagpapaapekto sa isang katotohanang in his almost 30 years in the business eh, inevitable namang talaga -- ang pagtanda o pagkakaedad.
Malaking tulong nga raw ang kanyang tatlong anak na sina Paolo, Gabriel and Kiana -- dahil sa pamamagitan ng mga ito, naa-appreciate pa niyang lalo ang mga pagbabagong dumarating na sa bagong panahon.
Sabi nga ng anak niyang si Paolo, “I forced him to do it. Yea, the original plan talaga was to make it a dance concert. It’s ten shows. And we’ve put in naman so many ideas so we know how it would work. “
Dagdag naman ni Mr. Pure Energy, “I am 47 years old. There comes a time when I say to myself na ‘Hey, Gary, I know you love the moves. You see Vhong Navarro, John Prats, Paolo do their thing. Just move in your own way and you will be fine!’ Sabi ko nga, isa pa ang Maneuvres. May iba ng galaw.”
Sabi rin nga ni Paolo, ayaw din naman daw niya na nasasabihan ang Dad niya na matanda na eh, nakikisabay pa sa mga bata.
“Eh, everybody naman now wants to sound like the 70s and the 80s. So, in this show, we’ll be showing the other kids out there na this is how it is done.”
Sa pagsulpot naman ng mga non-singers sa mundo ng musika and performing onstage, nausisa na rin pala si GV. At umiwas nga raw siya na magkomento pa rito dahil alam naman niyang anuman ang sabihin niya eh, meron pa ring magre-react ng taliwas sa dapat na asahan.
“I was a part of the Jose (Manalo) and Wally (Bayola) concert. And people go out for this today. This kind of entertainment. As soon as they step onstage, tatawa na kayo sigurado.
“So, if people consider it a novelty, then wala namang negative dun. This is what people want to go and see. And I have been lucky that after 29 years, people still come to see my concerts.
“Extensively and clearly, I just want to redeem myself. When Anne (Curtis) came out in her concert, I was hesitant to answer nga the questions posed at other performers like me.
“Ang sabi ko lang, this is her time, this is her side, let her shine. She’s in that crest, in that wave and people love her for that.
“So, go ahead. No problem with me.”
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento