Mula sa pahayagang Aksyon
WHAT’S THE
POINT?
Ni Pilar
Mateo
WALA naman
sigurong hahadlang pa sa proposal ng Bacolod Representative na si Anthony
Golez, Jr. na tanghalin nang National Artist ang nag-iisang Superstar na si
Nora Aunor, bilang maituturing na ring isang ‘national treasure.’
Ang mga nakamit na nga raw nitong karangalan sa
industriya ng pelikulang Pilipino ay more than enough para maging kwalipikado
sa prestihiyosong titulo.
Sa kanyang explanatory note sa kanyang House
Resolution 2317, inilahad ni Rep. Golez na, “The Filipino people are now
entangled in so many public issues like the seemingly uncontrollable rise of
prices of fuel and commodities but we should not lose hope.
There are a lot of things going for our country and
the enshrinement of Ms. Aunor as a National Artist is a sure feel-good thing
that the Filipinos can hold on to.”
Bukod sa marami nang nakamit na karangalan ng
Superstar, dagdag pa ng butihing Representative na naging inspirasyon na rin
daw ang brown girl na tindera ng tubog sa riles ng Iriga sa buong bansa.
Anu-ano ba ang inaasahan para tanghaling isang
National Artist? Ang mga kuwalipikasyon
daw eh, ang sumusunod na guidelines:
Una, Filipino artists who have made significant
contributions to the cultural heritage of the country; 2nd. Filipino
artistic accomplishment at its highest level and to promote creative expression
as significant to the development of a national cultural identity; and 3rd,
Filipino artists who have dedicated their lives to their works to forge new
paths and directions for future generations of Filipino artists.
At ito ay ipinagkakaloob ng Pangulo ng bansa at
ini-screen naman at inirerekomenda ng NCCA (National Commission for Culture and
the Arts) at ng CCP (Cultural Center of the Philippines).
* * *
SA KABILA ng
pagiging abala niya bilang ‘ina’ ng Batangas, nakakapagbakasyon pa rin naman
pala ang Star for All Seasons na si Vilma Santos kasama ang kanyang
pamilya.
At noong Semana Santa nga, with husband Sen. Ralph
Recto and son Ryan Christian Philippe, sa Singapore sila nag-unwind
and re-charge.
Hindi nakasama si Luis dahil alam naman natin kung
gaano ito ka-busy sa trabaho niya.
At para makabawi rin kay Luis, walang isang salitang
napa-oo agad ang Star for All Seasons nang anyayahan siya sa taping para sa 31st
birthday ni Luis ng hino-host nitong “Kapamilya Deal or No Deal.”
Dahil ‘yun
lang din pala ang hiling ng binata -- na makasama sa kanyang programa ang
dalawang babaeng mahalaga sa buhay niya sa ngayon -- ang kanyang ina, at ang
kanyang girlfriend na si Jennylyn Mercado.
Hindi man malaki ang naiuwi ni Ate Vi sa mga pinili niyang boxes para sa
kanyang favorite charity, napasaya naman nito ang anak at ang audience na
nasorpresa rin syempre sa kanyang pagdating doon para makipaglaro kay Luis at
Banker.
Isinama pa ni Ate Vi ang anak na si Ryan para makapanood din.
Malaking bagay nga para kay Luis ang pagdating ng
kanyang ina. At mas lalo pa itong
na-touch nang may iabot na sulat ang gobernadora sa kanyang anak, na mula naman
sa ama nitong si Edu Manzano. At hindi nila parehong napigil ang maging
emosyonal.
Ang pagiging proud ni Edu sa mga na-achieve ng anak
ang isa sa nilaman ng nasabing sulat.
Nang matapos ang taping ni Ate Vi, kung saan unang sumalang si Jennylyn, pinansin ng mga
inanyayahang press doon ang pag-i-stay ng dalaga para panoorin ang paglalaro ng
Gobernadora.
Touched ang Ate Vi.
Dahil ni-request naman daw niya kay Jen na mag-stay pa ito.
Kung may gustung-gusto ang Star for All Seasons sa
pwede niyang maging future manugang, ‘yun daw eh, ang pagiging maalalahanin
nito.
At kapag nagbe-bake ng cupcakes eh, tinatawagan siya
para dalhan ng mga ginawa niya. Idagdag pa ang pagiging malambing ng dalaga. At
inamin naman ni Ate Vi na naging
comfortable na siya kay Jen dahil
masarap daw itong kasama.
At kapag ganitong nagsasabi na ang Gobernadorang
kampante na siya para sa relasyon nito at ni Luis, ano pa ba ang dapat na
pangambahan sa kanilang mga paplanuhin pa sa buhay.
“Hindi ako nagme-meddle sa kanila,” Ate Vi was
quoted as saying.
Ang balita rin, kung ang Superstar eh, gagawa ng
independent movie with Brillante ‘Dante’ Mendoza, na nagsimula
na, ang “The Womb” at kasalukuyan nang ginagawa sa Tawi-Tawi sa ARMM
(Autonomous Region in Muslim Mindanao), gagawa rin daw ng independent movie ang
Star for All Seasons.
In fact, nagpadala na sa kanya ng script si Adolf
Borinaga Alix!
According to the Star for All Seasons, interesting
daw ‘yung synopsis. At kung aabutin lang naman daw ng 10 days ang shoot nito
eh, malamang na magawa niya after ng proyekto niya with Direk Chito Rono.
Right timing and right script lang daw ang
kailangan.
May nakita na ako sa ilang sa mga scripts na ‘yun ni
Direk Adolf. Pawang mga bongga ang mga
synopsis. At may babagay na istorya talaga para sa Star for All Seasons -- kakaiba
sa mga nagawa na nito!
‘Di ba, Direk Adolf?
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento