RIGHT
TIMING
By:
nora v. calderon
SINO kaya sa
Kapamilya actors ang hindi raw pabor sa pagkuha ng Star Cinema kay Dingdong
Dantes para makatambal nina Angel Locsin at Angelica Panganiban
sa isang project na ididirek daw ni Ruel Bayani?
Natuwa rin daw ang aktor nang
lumipat si Derek Ramsay sa TV5 dahil may chance nang siya na ang ipalit
kay Derek, na siyang unang na-report na makakatambal ng dalawang aktres.
Pero nadismaya nga raw ang aktor
nang malamang may offer ang Star Cinema kay Dingdong.
* * *
LAST Tuesday
ay umalis si Gwen Zamora, kasama ang ilang executives ng GMA Films, para
sa grand premiere showing ng movie niyang “The Witness” sa Jakarta,
Indonesia.
Dapat ay kasama si Derrick
Monasterio who sang the theme song of the movie na “Before I Die,” pero
hindi na siya pinayagan dahil kailangan niyang mag-advanced taping ng “Alice
Bungisngis and Her Wonder Walis” at “Reel Love Presents Tween Hearts.”
Pero ang kapalit naman nito,
kasama na siya sa cast ng “The Road” na dadalo sa red carpet premiere night ng
horror movie ni Yam Laranas sa Arclight Cinema sa Los Angeles,
California sa May 9.
Aalis ang mga GMA Films
executives, kasama sina Rhian Ramos, Lexi Fernandez at Derrick with
guest Aljur Abrenica sa May 7. Kasama rin si Marvin Agustin
na a-attend muna ng isang culinary convention sa Chicago saka tutuloy sa
LA.
Sa May 11 ang simula ng screening
ng “The Road” sa may 50 cinemas in the US and Canada.
Samantala, ang showing ng US theatrical trailer ng “The Road” ay nag-number
among the most popular trailer sa iTunes noong April 23, 5pm LA time or 5am
April 24 Manila time.
Sumunod lamang sa “The Road” ang
trailer ng “The Avengers.” Sa May 15 naman ipalalabas ang “The Road” sa
selected theaters in Singapore.
* * *
NAIINTINDIHAN ni Atty. Persida
Acosta, Chief of the Public Attorney’s Office (PAO), kung napapalitan ang
time slot ng kanyang daily show sa TV5, ang “Public Atorni…Asunto O
Areglo.”
Nagsimula kasi ang public service
program niya last year na napapanood ito ng 4pm pero ngayon, nalipat siya sa
earlier time slot, 2pm daily pa rin.
Management decision daw iyon at
natutuwa siya dahil sinundan naman siya ng mga televiewers kahit sa mas maagang
timeslot, dahil marami silang natutulungan sa show.
Nagbigay ng isang Thanksgiving Party si Atty. Persida sa mga entertainment
press para magpasalamat sa mga tinatanggap niyang awards mula sa kanila dahil
sa kanyang public service program.
Nangako rin siya ng tulong sa
lahat ng mga entertainment press, hindi man members ng Philippine Movie Press
Club (PMPC) o Entertainment Press Society, Inc. (ENPRESS) kung sakaling mayroon
sa kanila na magkakaroon ng asunto.
Kaya labis-labis naman ang
pasasalamat ng mga entertainment press dahil mahirap talaga na magkaroon ng
asunto na walang tutulong sa iyo.
Bago ang lunch, ipinakita muna ni Atty. Persida sa mga press ang kanilang
forensic laboratory located sa penthouse ng PAO building. During lunch
pinaringgan naman ng mga magagandang awitin ang mga press ng PAO Choir.
* * *
MARAMI nang nagkakagusto
kay Mark Herras sa katawan niya ngayon na medyo may laman na, sa kanyang
afternoon prime drama series na “Hiram Na Puso.”
Sinadya na ni Mark na mag-work-out
para medyo nga siya tumaba dahil ayaw din niyang laging pinagbibintangang
nagda-drugs siya kaya siya ganoon kapayat dati.
Sa busy schedule raw kasi niya
noon, nawawalan siya talaga ng time na mag-work-out tapos ay sayaw pa raw siya
nang sayaw.
Pero ngayon, binigyan na niya ng
time ang sarili kahit pa busy sa taping at dance rehearsals niya.
Mas gumaganda raw ang story ng “Hiram Na Puso” na katambal niya muli si Kris
Bernal na una niyang nakatambal sa primetime show nila noon na “Time of My
Life.”
Si Dick Lindayag ang
director nila na napapanood daily after ng “Eat Bulaga.”
* * *
PATULOY ang
pagtaas ng rating ng “Alice Bungisngis and Her Wonder Walis” nina Bea Binene
at Jake Vargas. Aliw kasi ang mga televiewers, lalo na ang mga
bata, sa mga magic na ginagawa ng mangkukulam na si Esmeralda (Jean Garcia).
Napahinga naman ang buhok ni Bea
as Alice, na ngayon ay diretso na, dahil pinagpalit sila ng katauhan ng batang
si Gelay (Lenlen Frial) na
siya namang kulut-kulot ang buhok ngayon.
Mamaya, makatulong kaya kina Alice
at Gelay ang batong itim para magkapalit muli ang kanilang katauhan?
Makuha naman kaya ni Esmeralda ang batong itim para maging makapang-yarihan na
siya nang tuluyan?
At si Ace (Jake Vargas), mapaniwala na kaya siya ng kapatid na si Spade (Derrick Monasterio) na talagang
mabait si Alice kaya dapat na niyang batiin?
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento