Mula sa pahayagang Aksyon
Xkandalo
Ni Roldan Castro
COOL lang
sa Twitter si Derek Ramsay kahit
hindi siya tinatantanan ng mga bashers niya sa desisyong lumipat sa TV5.
Kung anu-ano ang masasakit na
salita ang pinapakawalan sa kanya. Nakaka-lorky na pang-ookray ang ginagawa sa
kanya.
Sey lang niya sa mga bashers
niya, “I respect what you believe but pls stop na. I get na what you are trying to say.”
Sagot naman niya sa isa: “If
that's what you think then I'll respect it. Loyalty is more important for me. Maybe you should know the details first.”
Anyway, nagpapasalamat din
siya sa mga sumusuporta sa kanyang desisyon at hindi siya iniwanan.
“I'm deeply touched with how
much all if you care and support me on my decision,” deklara niya.
“ABS is a great network. I have my reasons for moving. I just wish everyone would see how loyal I
was. I appreciate everything ABS has done,” aniya pa.
Sa statement ng ABS-CBN
ay sinasabing malaki ang offer ng TV 5 at hindi niya matanggihan.
“It's not the amount buddy,”
sagot niya sa kanyang Twitter Account.
Balitang
si Derek ang host ng TV5 para sa franchise
reality show “Amazing Race Philippines.” Isa pang malaking prospect kay Derek is the
chance to cover the 2012 Olympics na sa London daw gagawin in July.
Bukod sa pag-ober da bakod ni
Derek ay pinag-uusapan din ang paglalaro nila ng golf ng international at
guwapong actor na si Zach Efron.
Talbog!
* * *
KINUHA ang
reaksyon ni Nadine Samonte sa
pagbubuntis ng kapwa niya “StarStruck” avenger na si Katrina Halili.
“Happy ako para sa kanya! Minsan dumaan siya sa taping ng ‘Valiente,’
dumalaw siya kasi malapit ang bahay niya at kasi yung make-up artist ni Miss Jaclyn Jose friend niya, so dumalaw
siya, nakita ko siya.”
Hindi raw sila masyadong
nakapag-usap ni Katrina.
“Sabi ko lang congrats, iyon
lang. Kasi nung time na dumating ako,
kasi kadadating ko lang galing airport, dumiretso ako dito sa taping.
“Inaantay na nila ako kasi
hindi sila makapag-take nang wala pa ako so nagmamadali ako. Pagdating ko
nakita ko si Katrina, binati ko sabi ko congrats. Sabi niya, ‘Thank you!”
Nagulat ba siya nang nalaman
niyang buntis si Katrina?
“Oo, oo! Pero alam mo yung
relieved na at least happy na siya. “Iyon lang. I’m so happy for her. At tsaka ano na siya, very blooming, ang
blooming-blooming niya!
“Hindi na siya problemado,
hindi na siya stressed, feeling ko sobrang blessing iyon para sa kanya,”
nakangiting sinabi pa ni Nadine.
Hindi ba siya nainggit kay
Katrina at gustong magkaroon na rin ng baby?
“Darating din naman tayo diyan,”
tumatawa lang niyang sagot.
Samantala, ano ang comment ni
Nadine sa relasyon ngayon nina Leandro
Muñoz at Iwa Moto?
“Wala.”
Naging karelasyon ni Nadine si Leandro at
produkto rin ng StarStruck ng GMA si Iwa tulad ni Nadine.
Nagulat ba siya?
“Hindi,” at muling tumawa si Nadine. “Hindi. Puwede naman kahit anong mangyari, walang
imposible sa panahon ngayon, e.
“So okay lang. Kung masaya naman sila sa isa’t-isa, e. Let it be, di ba? Happy ako para sa kanila.”
Pareho raw wala ng komunikasyon si Nadine
recently with Iwa or maging kay Leandro.
“Kasi wala naman kaming pag-uusapan, e.”
Hindi pa rin daw sila nagkikita ni Iwa mula
noong lumipat ito sa TV5.
Halimbawang magkasalubong sila ni Iwa…
“Okay lang.”
Babatiin ba niya at tsitsikahin si Iwa?
“Oo naman, why not?
“Actually nung lumipat si Iwa hindi ko nga alam
na lumipat siya e. Kasi never pa kaming
nagkita sa kahit na anong event.”
Si Leandro ay hindi pa rin daw sila nagkikita
ulit.
“Huling kita ko sa kanya event ng… yung ball ng
TV5.”
Wala na raw silang relasyon noon, pero nagbatian
naman raw sila, magkaibigan pa rin daw sila ni Leandro.
“Oo naman. Wala namang…,” bitin niya sagot.
* * *
MAY statement na ang ABS-CBN Corporate Communications head Sir Bong Osorio sa isyung pagre-resign ng director ng “Showtime.”
“It is not true that Direk Bobet Vidanes resigned from ‘Showtime’ because of Vice Ganda. Both of them were recently not in the show since Direk Bobet went on a Holy Week break, while Vice Ganda fulfilled a series of engagement in the Middle East.”
Si Direk Bobet pa rin daw anag director ng naturang noontime show ng Dos.
Klaro!
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento