Mula sa pahayagang Aksyon
RIGHT
TIMING
By:
nora v. calderon
GUSTO na palang
ibenta ni Jolina Magdangal-Escueta at ng parents niyang sina Daddy Jun
at Mommy Paulette Magdangal ang malaking bahay nila sa Don Antonio
Executive Village sa Tandang Sora, Quezon City.
Ang youngest brother at pinsan, at
driver at mga kasambahay na lamang nina Jolina ang nakatira sa bahay na may 7
bedrooms at may basement pa in a more than 1,000 sq. m. lot.
Ibebenta nila ang buong bahay at
ang furnishings nito sa P 47 million. Ito ang nalaman namin sa parents ni
Jolina nang mag-dinner kami sa kanilang restaurant cum gift shop cum beauty
saloon and spa sa Magallanes Road in Tagaytay City, ang Memory Lane.
Sa bahay nila sa Tagaytay na ilang
meters lamang ang layo sa Memory Lane na rin kasi nakatira sina Daddy Jun at Mommy
Paulette na siyang personal na nag-aasikaso sa kanilang business.
Sa likod ng resto, may isa pang function room
na pwedeng mag-seminar o mag-party ang may 50 persons.
Hindi naman mapapahiya ang mag-asawa sa mga customers nila dahil bukod sa
malamig ang weather, maganda ang ambiance ng lugar na kung nasa labas ka,
parang isang western house ang resto.
Masasarap din ang lahat ng
pagkaing isini-serve roon, na ang specialty nila ay sariling recipe ni Mommy
Paulette na siyang personal na namimili ng mga lulutuin nilang healthy food
from meat to vegetables.
Kaya naman hindi kataka-taka na
habang kumakain kami sa pinaka-veranda ng resto, sunud-sunod ang dumarating na
mga customers, pami-pamilya pa.
Ganoon daw sila halos araw-araw,
maliban kung Tuesday na day-off ng kanilang mga employees at time to clean
naman ang resto. Inaabot daw sila hanggang past midnight, dahil hindi
naman sila nagsi-serve ng breakfast.
Si Jolina naman ay doon nakatira sa bahay ng husband niyang si Mark Escueta.
Nagbabalak silang magpatayo ng sariling bahay at ini-offer nina Daddy Jun ang
vacant lot na more than 400 sq.m. sa tabi ng bahay nila sa Don Antonio.
Wish lamang ng mag-asawa ay
magkaroon na sila ng apo pero hanggang ngayon ay wala pang sign ng pagbubuntis
si Jolina.
Talent si Jolina ng PPL
Entertainment ni Perry Lansigan at co-managed din siya ng Viva Artist
Agency.
Oo nga pala, kung mahilig kayo sa mga old songs, the
place to go is Memory Lane.
* * *
NAG-EMOTE ang mga
fans nina Dingdong Dantes at Marian Rivera sa Malaysia na sana’y
magkasamang maka-attend ng promo ng “Endless Love,” ang remake ng Koreanovela
of the same title, na pinagtambalan ng dalawa noong 2010.
Kasalukuyang ipinalalabas ang
“Endless Love” sa Malaysia at nagti-trending ito tuwing ipinalalabas
doon.
Masaya ang mga fans nina Dingdong
at Marian dahil napapanood nila sa original na Tagalog language at may
sub-title lamang na Malay kaya naririnig din nila ang mga boses ng mga
artistang gumaganap.
Nag-sorry na si Marian sa mga fans
nila nina Dingdong sa Malaysia dahil hindi nga siya kasamang aalis sa April
27.
Ayon naman kay Dingdong, mas
mabuti nang siya lamang ang makapunta kaysa wala isa man sa kanila ni Marian
ang makarating doon.
One day, pwede pa rin silang
pumunta ni Marian doon kapag pareho na silang libre sa taping ng “My Beloved.”
Nagkataon lamang kasing simula na
ng taping ni Marian ng dramedy niyang “Sweets for My Tweets” dahil may pilot
airing na ito sa May 5. Kaya si Perry Lansigan ang kasamang pupunta ni
Dingdong sa Malaysia.
Meanwhile, papasok na ba sa second
part ang “My Beloved?” Nabaril si Sharina
(Marian) at nakaligtas sana siya kung hindi pinakialaman ni Emmie (Katrina Halili) ang
respiratory machine.
Ayaw pumayag si Benjie (Dingdong) na muli silang
magkakahiwalay ni Sharina,
magpapakamatay siya. Sasamahan niya si Sharina hanggang sa impiyerno, huwag lamang silang
magkahiwalay.
Muling magiging Sundo si Benjie at makikiusap siya sa kanilang
pinuno (Jestoni Alarcon) na patawarin na sila ni Sharina at ibalik sila sa lupa.
Pumayag kaya ang pinuno ng mga
Sundo? Paano kung bumalik man sila sa lupa ay iba na ang kanilang
katauhan?
Ang pag-ibig ba nila sa isa’t isa
ang maglalapit pa rin sa kanila pagdating ng araw?
* * *
ANG pumayat
ang birthday wish ni Asia’s Songbird Regine Velasquez-Alcasid nang
mag-celebrate siya ng kanyang birthday kahapon sa “Party Pilipinas.” At
ang greatest gift daw niyang natanggap ay ang anak nila ni Ogie na si Nate.
Inilabas ni Ogie si Nate habang
kumakanta si Regine at sabi nga ni Jaya, magiging singer din daw ang 4-month
old baby boy ng mag-asawa dahil hindi man lamang ito umiyak at hindi natakot sa
dami ng tao at mga ilaw sa loob ng studio.
Hindi pa nangako si Regine na babalik na siya
regularly sa show pero very supportive naman siya kung kailangan siya.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento