Mula sa pahayagang Aksyon
Xkandalo
Ni Roldan Castro
TRUE
kaya ang alingasngas na nu’ng mag-show sa Hawaii, Waikiki sina Xian Lim at Kim Chiu ay magkasama sila sa iisang room ng hotel?
Kung
true ang chism na ito, ibig bang sabihin ay may relasyon na talaga sila? Or
talaga lang super close na sila mula nang magsama sila sa defunct series na “My
Binondo Girl” ng ABS-CBN 2?
Just
asking!
*
* *
TAMEME
ang drama ngayon ni Cristine Reyes. Parang nawala yung talas ng mga mensahe niya
at text kay Ara Mina pag iniinterbyu
siya ngayon ng press.
Umabot
pa sa puntong nagbakasyon siya sa Boracay kasama ang mga kaibigan para
mag-enjoy. Isang paraan kaya ito para
takasan ang press na gusto siyang mainterbyu sa demanda ng ate niya sa kanya?
She
is now fully enjoying a vacation at tila naniniwalang maiksi nga ang memorya ng
publiko who will eventually forget itong nakaririmarim na ginawa
niyang pambababoy kay Ara Mina sa text.
Anyway,
happy si Cristine sa nalalapit na paggawad sa kanya katuwang si Anne Curtis ng Guillermo Mendoza
Memorial Scholarship Foundation ng Box-Office Queen para sa ‘No Other Woman’ na
gaganapin sa Linggo, April 29. Pagmamalaki
niya, “So far yun yung biggest
achievement ko this year so I’m very, very thankful kay God.”
*
* *
Aljur usap-usapan ang pagiging unprofessional
DAPAT
ay maging aware si Aljur Abrenica
sa oras niya dahil usap-usapan na ang pagiging uprofessional niya.
‘Wag niyang sanayin na maging tatak niya ang pagiging late dahil sunud-sunod na
ang nababalitaan namin tungkol dito.
Tulad
halimbawa ‘yung na-late siya noon sa rehearsal ng concert nina Jose Manalo at Wally Bayola sa Smart Araneta at pinaghintay niya si Dennis Trillo.
May
nabasa na naman kami ngayon na isinumbong diumano siya ng EP ng production ng
isang kiddie show sa GMA Artist dahil mahirap katrabaho.
Kesyo
pinaghintay ang mga bata dahil 12 noon na dumating samantalang 10 am ang
calltime niya sa San Pablo, Laguna.
Bukod
dito ay nagmamadali diumano siya dahil may taping pa sa isang show. Pati ang
shorts na nire-require na dalhin ni Aljur ay kinalimutan diumano kaya ginawan
na lang ng paraan ng productions. Inililis na lang daw ang pantalon niya
hanggang hita.
Isang
importanteng actor si Aljur ng Kapuso network ngayon pero sana iwasan niya ang
problema niya sa oras.
*
* *
SI HEART Evangelista ang tipo ng babae na nakikipag-break thru text messages
lang. Nung maghiwalay sila ni Jericho Rosales ay tinext niya lang ito
para sabihing makikipaghiwalay na siya.
Sa
nangyaring break-up nila ni Daniel Matsunaga.
Ayon sa Brazilian actor, nasa Brazil daw
siya nung mag-text sa kanya si Heart para sabihing break na sila. Na
siyempre ay labis na ikinagulat at ikinasakit ng loob ni
Daniel. Of course, ang gusto niya kung maghihiwalay sila ay makapag-usap
man lang sila nang personal.
Tsuk!
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento