Mula sa pahayagang Aksyon
XKANDALO
ROLDAN CASTRO
HINDI ikinaila ni Derek Ramsay na posibleng di na ituloy
ng Dos yung movie na gagawin pa niya with Star Cinema. Although, positibo ang kanyang manager na si Joji Dingcong na marami pang gagawin si
Derek sa naturang movie outfit at nagne-negotiate pa sila.
Wala rin siyang update sa Star Cinema movie niya with Bea Alonzo kung itutuloy pa siya
although nakailang shooting days na sila.
“Yeah, baka hindi na matuloy which saddens me
because I really like the movie. I was
so proud na paired up ako with Direk Olive
(Lamasan). The name speaks for
itself.
“For Star Cinema to entrust me to work with big
names, it would be sad kung hindi matuloy, pero I‘m thinking positive for it to push
through. But as of now, wala pa namang
sinasabi kung hindi matutuloy.
“In my mindset, nandoon pa rin ang focus ko sa character ko at
hindi ko pa binibitiwan ’yon,” sambit ng aktor na ngayon ay isang ganap
na kapatid na dahil sa paglipat sa TV5.
* * *
HINDI nagsasawa ang mga taong
panoorin ang tandem nina Jose Manalo
at Wally Bayola sa “Juan For All,
All For One,” isa sa segment ng Eat Bulaga na laging inaabangan ng televiewers.
Hindi ba’t katatapos lang mag-concert ng dalawa
sa Smart-Araneta Coliseum na halos magiba ang dahil sa daming nanonood.
This time, back to concert sina Jose at Wally,
‘di nga lang sa Araneta kundi sa Zirkoh Tomas Morato, at produce ng Philippine
Movie Press Club, Inc. (PMPC). Ito ay
fundraising show, titled “All For The Love of Juan” (A Summer Special), May 5,
9 p.m.
Ang kikitain ay idadagdag sa pondo para sa
medical assistance program ng club.
Kahit busy sa schedule sina Jose at Wally, hindi nagdalawang isip
na ipahiram ni Tita Malou Choa-Fagar,
manager at “Eat Bulaga” EP head sa PMPC ang dalawang komedyante. Ito
ang kanilang way para makatulong sa organisasyon.
Makakasama nina Wally at Jose ang maganda at
napakahusay na TV host na si Toni
Gonzaga na hindi rin magpapatalo kung ganda ng boses ang pag-uusapan.
Kilala ang dalawang komedyante sa pang-ookray
kaya ang tanong, kakayanin ba ni Toni ang okray ng gagawin ni Jose at Wally sa
kanya?
Nariyan din sina Rocco Nacino, Albie Casino, Steven Silva, Michael Pangilinan, DK
Valdez, The Frontmen at si Divalet
na takaw atensyon at binibigyan ng standing ovation..
Kasabay ng fundraising show ay ila-launch na rin
ng club ang PMPC website na gawa ni Jojo
Villaraza.
Kaya namin ginawa ang website ng PMPC ay
para naman malaman hindi lang sa ating bansa kundi sa buong mundo ang mga
nangyayari sa entertainment world .
Mga maiinit na isyung hindi agad nakukuha ng
ibang manunulat dito sa PMPC website mababasa na ninyo agad. Updated din ninyong mapapanood ang mga events
at activities ng club.
* * *
NAKAHANAP ng bagong tahanan ang “Miss
World Philippines” sa TV5, ang pinaka- agresibong broadcast network sa bansa.
Matapos ang matagumpay na kauna-unahang “Miss
World Philippines” noong nakaraang taon at ang pagiging 1st Runner-up
ni Gwendoline Ruais sa “Miss World”
pageant sa London, England, ang pinakaprestihiyosong beauty pageant ay
naghahanda para sa mas malaki at makabuluhang selebrasyon ng “Beauty with a
Purpose,” na nagbibigay diin sa advocacy ng “Miss World” na tulungan ang mga
kapus-palad na kababaihan at kabataan sa mundo.
At ngayong TV5 na ang opisyal na media partner
nito, inaasahang palalawigin ng “Miss World Philippines” ang paghahanap sa mga
naggagandahang Pinay para sa isang once-in-a-lifetime na pagkakataong ipakita
ang kagandahan at kinang ng makabagong Pilipina sa buong mundo.
Sa pamumuno ng beauty and wellness guru na si Cory Quirino, magsisimula nang
galugarin ng “Miss World Pilippines” ang buong bansa para sa karapat-dapat na
kandidatang nagtataglay ng katangiang magbibigay ng pag-asang makamit ang
koronang naging mailap para sa Pilipinas sa loob ng 61 na taon.
Ngayong taon, ang “Miss World Pageant” ay
gaganapin sa Agosto 16 sa Ordos, Inner Mongolia, China, kung saan 113 na mga
kandidata mula sa iba’t-ibang panig ng mundo ang magtatagisan ng galing para
maiuwi ang korona at tanghaling pinakamagandang babae sa mundo.
Ang “Miss World” ang pinakamalaki at
pinakamatandang pageant sa kasaysayan na itinatag pa noong 1951 sa London,
England.
Ang contract
signing ay naganap sa pagitan ng TV5 President at CEO Atty. Ray Espinosa at ang Chair at CEO ng CQ
Global Quest Inc at Miss World Philippines 2012 Pageant Director na si Cory Quirino.
Sa Hunyo, ipapalabas ng live sa TV5 ang “Miss
World Philippines 2012” na gaganapin sa Manila Hotel. Ang pinakaaabangang “Miss World Pageant” na
gaganapin sa Inner Mongolia, China ay mapapanood din nang live sa TV5 sa
Agosto.
* * *
NANGIBABAW pa rin ang ganda
ni Gretchen Barretto sa grand
presscon ng “Princess and I” last Wednesday night. Tulad ng iba pang cast na sina Albert Martinez, Enrique Gil at Kathryn Bernardo ay naka-Bhutanese
costume rin siya at ipinauna nga niya, reyna raw ang role niya rito kaya hindi
raw siya masyadong magaslaw ngayon.
Sa Q and A portion ay natanong kay Greta kung worthy replacement ba ang “Princess
and I” sa “Alta” na matatandaang dapat sana’y pagsasamahan nila nina KC Concepcion and Angelica Panganiban pero hindi na nga ito natuloy na
ikina-dissapoint nang husto ng aktres.
“I believe so, although syempre, totally
different from “Alta” this project. I
can say yes, with all my heart that this is a worthy project.
“In the beginning, hindi ko nakita that this is
a good replacement but right now, lalo na nang nakita na namin ang trailer and
I saw a few scenes, I must really be thankful and grateful na ginawa ko ‘tong
project,” bulalas ni Greta.
Nang hindi matuloy ang “Alta” ay naging very
vocal ang aktres noon sa pagsasabing ikinalungkot niya ang bagay na
ito pero naniniwala raw siyang ibibigay naman ng Diyos kung ano ‘yung mas
makabubuti.
“Nagpapasalamat talaga ako sa Diyos dahil
pinag-uusapan nga namin ni Albert kagabi, this is a role of a lifetime. Parang eto na ‘yun, eto na ang role na pwede
naming ipagmalaki kahit pag tumanda na kami.”
Natanong din si Greta kung hindi ba pumasok sa isip niya na parang “consuelo de
bobo” lang ang pagkakabigay sa kanya ng “Alta” at inamin naman ng aktres na
noong una raw ay ganu’n ang nasa isip niya.
“Honestly, I felt that in the beginning. When I read the script, ‘Ha? Bakit ganito?’ I have a lot of questions. For a while, gusto ko nang mag-backout.
“Pero ngayon na nagsu-shoot na nga kami,
malalaman mo na it’s not (consuelo de bobo). Now I’m grateful na ginawa ko
talaga because sabi nga namin ni Albert, it’s a legacy. Now I can say this is a worthy replacement,”
pahayag ng aktres.
Ibang-iba raw ang role niya sana sa “Alta” kaysa
dito sa “Princess and I.” Ginagampanan niya ang karakter na Ashi Behati na reyna ng kaharian sa
Yangdon at ibang-iba rin ang kanyang outfit.
Pero natuwa naman si Greta na magagamit niya pa
rin ang wardrobe na pinagbibili niya for “Alta.”
“Kasi sabi ni Direk Dado kagabi, sa week 5
pupunta ako ng Pilipinas. Siyempre hindi
na ako puwedeng mag-costume o mag-queen outfit. So, magagamit ko yung dapat para sa ‘Alta.’”
After the Q and A portion ay nakausap din namin
si Greta at dito ay natanong siya
tungkol sa anak niyang si Dominique
at ipinauna na niyang ayaw niya raw sanang pag-usapan ang tungkol sa kanyang
pamilya.
“You know, honestly, I’d like to only talk about
my career. I don’t want to talk about my family life because I am at this point
in my career wherein I feel I am a
mature actor already. So, I’d like to keep, you know, my private life private,
whatever it is,” sabi ni Greta.
Kaya naman nang tanungin siya ng kapatid na si Allan Diones kung gusto niyang sagutin
ang question tungkol sa isang issue, mabilis itong sinagot ng aktres na, “I’d
rather not. Because if you asked me
that, then that means it’s not. I
believe I mentioned already earlier that I would like to talk purely about my
career. Nothing else.”
So, ‘yung wild rumor, she wouldn’t want to talk
about it?
“Whatever rumor that is, I don’t want. Because I’m not in this business for that
purpose. Especially mag-e-air kami (ng “Princess and I”), parang I don’t need anything that’s negative
or untrue. Rumors are rumors,” pahayag
ni Greta.
We learned na ang “wild rumor” na ito ay ang
isyung buntis diumano ang anak niyang si Dominique.
Samantala, nakausap naman namin ang staff ni Boy Abunda na laging kasama ni Greta na si Bettina at mabilis niyang pinabulaanan ang isyu.
“It’s not true,” mariing tanggi ni Bettina.
“Kakikita ko pa lang kay Dominique,” dagdag pa niya.
Idinepensa rin ni Bettina si Greta by saying na marahil raw kaya ayaw
nang pag-usapan pa ni Greta ang tungkol dito ay dahil ayaw na nitong pag-usapan
pa ang anak lalo pa nga’t hindi naman ito artista.
Samantala, ang “Princess and I” ay nagsimula na nu’ng
April 16 at kasama rin dito sina Khalil
Ramos, Daniel Padilla, Dominic Ochoa, Sharmaine Suarez, Nina Dolino at Yayo Aguila.
Two weeks na nag-shooting ang grupo sa Bhutan na
sa kwento ay isang lugar called Yangdong na tinitirhan nina Albert at Gretchen
bilang royal people.
* * *
MAGANDA ang aura ni Tita Vangie Labalan dahil may
nagpapasaya na young businessman sa veteran actress ngayon na nakilala
niya sa ballroom dancing.
Mag-partner sina Tita Vangie at Staki sa bagong bukas pa lang na Pop’s
Lechong Manok at Crispy Liempo na may existing stores sa Molino (Bacoor),
Zapote (Las Pinas) at Dongalo ( Paranaque).
Magkasama rin sila sa movie na “Eloy” na
tampok ang unang tambalan nina Regine
Tolentino at Ely Damasin, ang
award-winning Pinoy tango dancer na nagwagi sa Los Angeles sa isang
international competition.
Sa ‘Eloy,’ gaganap si Staki bilang young
lover ni Vangie. Isasali ito sa mga
international competitions na ang tema ng istorya ay hingil sa competition ng
tango.
Highlights ng ‘Eloy’ movie ang competition
dance nina Regine at Ely na kukunan mismo sa dance competition sa Asia-Pacific
Tango Festival in Manila na gaganapin sa Meralco Theater sa April 25.
Bongga!
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento