Mula sa pahayagang Aksyon
Chizbiz
Ni Erlinda Rapadas
NANG
magsimulang magbago at bumaling sa biblia ang Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao at mahirang na Bible
Ambassador, marami ang nagduda at hindi ganap na makumbinse na iniwan na niya
nang tuluyan ng kanyang dating bisyo.
May
iba raw motibo si Pacman kaya
bait-baitan ang image niya ngayon. Pinaghahandaan
na raw nito ang pagtakbo sa mas mataas na posisyon sa darating na eleksyon sa
2013.
Pero
sa halip na mapikon, magalit at manumbat ay nagpakahinahon si Rep. Manny
Pacquiao sa mga banat sa kanya ng mga detractor.
Bahagi
lang daw ito ng pagsubok sa kanyang katatagan at pananalig sa Diyos. Ang hindi lang maintindihan ni Pacman ay kung
saan ba siya lulugar ngayon?
Dati-rati,
ang pagsasabong, pagbibilyar at pagiging chickboy niya ang napapansin ng lahat.
Ngayong sa bible siya bumaling at
nakikinig na siya sa salita ng Diyos, ayaw pa rin paniwalaan ang pagbabago
niya!
* * *
HINDI nag-denay si Michael V (aka Bitoy) nang biruin namin na siya ang highest earner among Kapuso
Stars na kumita ng 65.5M noon 2011.
Basta
ang naisagot lang niya ay hindi naman daw siy ganoon kayaman. Pero aminado naman si Bitoy na walang naitatago lalo nat nakadeklara sa BIR ang lahat ng
kanyang kinita.
Pero,
sa dami ng malalaking product endorsements ni Michael V. hindi kataka-taka na
worth millions na ang naipundar ng isang Michae V.
Sa
GMA-7 na lang, two shows ang nilalabasan niya, ang “Bubble Gang” at “Pepito Manaloto.” Semi-regular rin siya sa “Eat Bulaga at may
mga TV guesting pa.”
May kakaibang karisma sa tao itong si Michael
V. kaya in demand siya sa commercials. Tanging frustration na lamang ngayon ni Bitoy ay ang paglabas sa isang pelikula
na siya ang bida.
May
3-picture contract siya sa A.P.T. Films ni Mr. Tony Tuviera (producer ng “Eat Bulaga”). Availability na lamang
niya ang hinihintay ng production.
Still
looking for a good project na babagay sa kanya si Michael V. At siyempre, kailangan rin ng right timing
para magklik ang pelikulang pagbibidahan niya.
Sa
ngayon, ang bagong show nila ni Ogie
Alcasid na “Pare & Pare” ang tinututukan muna ni Michael V.
* * *
MALAKING
leksyon ang natutunan ni Manila Vice-Mayor Isko
Moreno sa naganap na hostage taking noon sa Luneta, kung saan namatay ang
ilang Chinese nationals.
Kung
matatandaan, isa si VM Isko Moreno sa namagitan at nakiusap sa hostage taker
upang huwag ituloy ang kanyang balak.
Si
VM Isko mismo ang nagtungo sa DOJ upang magawan ng aksyon ang himutok ng
nasabing hostage taker. Pero, sad to
say, nauwi sa madugong enkuwentro at may mga buhay na nabuwis.
At
ang nakalulungkot, isa pa si VM Isko Moreno sa nasisi sa nangyari, ganoong
nagmagandang loob lang siya, upang isalba sana ang mga Chinese nationls.
Marahil,
naging eye opener ito kay VM Isko Moreno. Nag-enroll siya ngayon sa Harvard University ng short
course sa John F. Kennedy School of Goverment na tatalakay sa Leadership in
Crisis Management.
Dito
ay maipapaliwanag nang maayos kung papaano iha-handle ang anumang crisis sa gobyerno
(tulad ng naganap na hostage taking sa Luneta).
Marahil,
ayaw ng maulit muli ni VM Isko Moreno ang mga pagkakamali at kakulangan ng mga
humawak sa Luneta hostage taking. Nagpapatuloy
si VM Isko Moreno sa pag-aaral at pagpapalawak ng kanyang kaalaman as a public
servant.
Simula
nang pasukin niya ang mundo ng pulitika ay sinikap niyang matutunan ang lahat
ng dapat na gawin ng isang public servant. Artista man siyang naturingan ay malawak naman
ang kanyang kaalaman!
* * *
GRABE
ang pagka-workaholic nitong si Paolo
Bediones. Wala siyang kapaguran at
halos hindi na nga natutulog at nagpapahinga. Mula umaga hanggang gabi on weekdays ay
araw-araw siyang napapanood sa TV5.
Early
in the morning ay nakasalang na siya sa “Good Morning Club” kasama sina Martin Andanar, Amy Perez, Cheryl
Cosim, Chiqui Roa, Lourd de Veyra atbp.
Sa
gabi ay anchor naman si Paolo ng late news program na “Pilipinas Balita.” Bukod dito, tuloy pa rin ang show niya, ang “U.S.I.”
(“Under Special Investigation”) at umeere na ang bagong reality show niya with
Ms. Tessa Prieto Valdez and Divine Lee -- ang “Extreme Makeover
Home Edition).
Layunin
ng show na magbigay ng bagong bahay at bagong buhay sa deserving na mapipili
upang mabigyan ng extreme makeover.
Bukod
sa bahay may kasama pang kagamitan, appliances at kabuhayan (livelihood) ang
masuwerteng mapipili sa “Extreme Makeover!”
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento