Mula sa pahayagang Aksyon
WHAT’S THE POINT?
Pilar Mateo
NATUPAD ang
birthday wish ni Luis (Manzano), na ang dalawang babaeng espesyal sa
puso niya ang siyang maging panauhin niya in celebration of his 31st
birthday sa “Kapamilya Deal or No Deal”.
Kaya
naman sa kabila ng pagiging hectic ng schedule ng kanyang butihing inang Star
for All Seasons at Gobernadora ng Batangas, naglaan ng panahon si Vilma
Santos-Recto para maglaro sa nasabing game show.
At
dahil hindi naman Kapamilya si Jennylyn Mercado, wala naman palang nagig
problema sa Kapuso star ang pagsalang o pagge-guest niya sa nasabing programa.
Naipaliwanag
naman daw ng mga kinauukulan ang nasabing paanyaya kaya napayagan naman si Jen na sumalang sa nasabing palabas.
Namayani
nga ang pagbibigayan kung kaya may time na si Luis naman ang sasalang sa isang
programa ng GMA-7 para maging panauhin din siya.
Though
magkahiwalay na naglaro ang Gobernadora at si Jennylyn, at maski na hindi nila
na-hit ang jackpot sa pagpili nila sa mga numbers na binubuksan ng mga
nagseseksihang dilag, happy pa rin ang dalawa na naibigay nila kay Luis ang
isang wish nito for his birthday.
Sabi naman ng mga nakasaksi sa
nasabing taping, mukhang at home na at home na si Luis sa pagtitiwalang ipinagkaloob
sa binata para siya na ngang mag-host ng dating programang unang itinoka sa
Queen of All Media na si Kris Aquino.
Hindi
lang daw nagpapakampante ang binata. Dahil
with each taping day, marami pa rin naman daw siyang kinakailangang matutunan. Dahil bawat episode nga naman eh, ibang
pakikisalamuha, lalo na sa mga taong siyang tumatayo roon para mag-try ng
kanilang luck.
Dahil
na rin sa pagiging amiable ni Luis, hindi lang sa mga sumasali kundi pati na sa
audience na nanonood sa kanya, hindi maialis na usisain ito kung susundan din
ba niya ang yapak ng inang maging isang public servant pagdating ng tamang
panahon.
Ang
sabi nito sa mga nakaharap, if and when he does that, eh, mag-aaral muna raw
siya at paglalaanan niya talaga ng panahon ang mga gagawin niya.
Hindi
naman daw niya itatago ito kung sakali ngang pumasok sa isip niya na gustuhin
niya rin ang maglingkod na gaya ng ina.
Samantala,
hindi naman pala spared si Luis sa mga offers ng ibang network to be their
talent. Pero wala pa naman daw talagang
solid na offer maliban sa isa.
Bitin ang paliwanag ni Luis doon. At next year pa naman daw magtatapos ang
kontrata niya with ABS-CBN.
* * *
AS
FAR as Albert
Martinez is concerned, dahil na rin daw sa kaabalahan niya sa trabaho, lalo
pa nga at abala na sila sa “The Princess and I”, hindi nga raw siya aware sa
alitan ng kanyang biyenang si Amalia Fuentes at Anabelle Rama.
Kaya
nga, sa mga nakausap pa nitong press sa press conference para sa bago niyang
soap sa ABS-CBN nag-usisa si Albert sa puno’t dulo ng pagbebenggahan ng dalawa,
una sa burol ng dating asawa ni Amalia na si Joey Stevens hanggang sa
mga komento nga nila sa Twitter.
With
so many things occupying his mind now, lalo na nga sa kanyang misis na si Liezl,
hindi na nga siguro kailangan pang isipin ni Albert ang mga problemang gaya ng
nangyayari ngayon sa kanyang biyenan.
Ang kay Albert, maliit na
industriya nga lang ang iniikutan natin. Kaya, ang wish na lang niya, magkasundo ang
mga may hindi pagkakaunawaan!
As
far as his wife’s health is concerned, they are taking it nga raw one day at a
time. Ang mahalaga, mapasaya nila ang
isa’t isa sa kanilang araw-araw na buhay.
Sa pakikipagtrabaho naman ni
Albert sa mga bago pa lang maituturing sa industriya na sina Kathryn
Bernardo at Enrique Gil, para nga raw niyang mga anak ito na
inalagaan niya talaga nung mag-stay sila nang may dalawang lingo sa Bhutan para
sa “The Princess and I.”
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento