Mula sa pahayagang Aksyon
WHAT’S THE
POINT?
Pilar
Mateo
WALA pa rin daw sagot ng kalinawan mula
sa manager ng nagkakaalitang magkapatid sa kasalukuyan na sina Ara Mina
at Cristine Reyes. Kung paano ba nila sisikaping mailagay sa ayos ang
nagbunga ng pagdedemanda ni Ara laban sa kanyang kapatid.
Hindi kasi naisip ng pakiwari niya eh, matalino siya -- dahil
tinawag nga niyang bobo ang Ate niyang si Ara, na si Cristine na ang laki ng
perhuwisyo nito lalo na sa takbo ng kanyang career ngayon.
Hindi niya naisip na ngayong ipinagmamalaki niyang
maraming endorsements na papasok sa kanya -- may mga alituntunin din sa mga
advertisers na kinakailangang maayos ang takbo ng image o career ng kanilang
kinukuha para magpalaganap ng kanilang mga produkto.
Paano kung mag-pull out ang mga advertisers na ito na
kumuha sa kanya?
Maski naman ‘ata papel niya bilang
isang product endorser eh, hindi maliwanag kay Cristine.
Na hindi lang
ganda ng mukha o ganda ng hubog ng katawan ang basehan para kunin ang isang
artist to endorse a product.
Kasama rin dito ang kredibilidad ng isang mag-e-endorso ng
produkto. At higit sa lahat eh, ang
kanyang imahe. Or else, paano maniniwala
ang mga tao sa ‘yo.
Hindi niya naisip ‘yun?
* * *
INALAM namin
kung ano ba ang katotohanan sa nasulat na diumano’y pagwo-walk out ni Gretchen
Barretto sa set ng kanyang bagong soap sa ABS-CBN na “The Princess and I”,
kung saan kasama niya sina Kathryn Bernardo, Albert Martinez, Lara Quigaman,
Allen Dizon at marami pa.
Ayon sa aming nakausap, wala naman daw ganoong
insidenteng nangyari na nag-walk out sa sarili niyang show ang aktres.
Sabi ko pa nga, baka naman nagtatakip lang sila para
hindi na lang maging nega ang dating.
Pero, pinatunayan naman sa amin ng aking kausap na
walang ganoong insidenteng nangyari. At
ang nasabi nito sa amin, baka naman kinailangan na lang talagang umalis ni
Gretchen kasi nga, alam naman ng staff na may cut-off ang oras ng taping nito.
So, parang finished or not finished, pass your
papers ang takbo?
Kaya, kung
ganoon man ang nangyari, sasang-ayon naman kami dahil kung ‘yun ang
pinagkasunduan sa magiging oras ni Gretchen -- kung kailangan naman na umuwi na
siya eh, dapat naman talagang sinusunod ito.
Unless, libre pa ang time niya at mapapagbigyan pa
niya kung kailangan pa nitong mag-stay.
Hindi naman mga makina ang mga tao. May sukdulan din ang kayang gawin ng katawan. At sa pagkakaalam ko, early sleeper nga ang La
Greta. At kasama ‘yan sa beauty regimen
niya.
* * *
MARAMI na sa
atin ang pamilyar sa “Himig Handog.” Ito ‘yung kauna-unahang multimedia
songwriting competition sa bansa na tumutuklas sa mga bagong de-kalibreng
kompositor ng mga awiting tiyak na papatok sa panlasa ng sambayanan.
Kaya balik-eksena ito ngayong 2012 sa pamamagitan ng
ika-limang “Himig Handog.” At muli,
mabibigyang pagkakataon na namang kumislap ang bituin ng mga amateur at
professional Pinoy songwriters here and abroad.
Sa pamamagitan ng
kanilang natatanging husay sa paglikha ng kanta mula sa iba’t ibang genre ng
musika.
Ang “Himig Handog” na unang inilunsand noong 2000 bilang
pagbibigay pugay sa mga bagong bayani’ng OFWs (Overseas Filipino Workers) ay
muling ihahatid ng ABS-CBN.
Dubbed as “Himig
Handog sa Bayaning Pilipino” nung una, sinundan ito ng “JAM: Himig Handog sa
Makabagong Kabataan 2001” para naman sa pagdiriwang ng lakas ng kabataang
Pinoy.
At noong 2002 at
2003, love songs naman ang ibinida sa pamamagitan ng “Himig Handog Love Songs
2002 at 2003”.
Ang mga interesadong sumali ay maaari nang magsimulang
bumuo ng kanilang love song entries dahil nalalapit na ang official
announcement ng mechanics para sa “Himig Handog 2012."
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento