Mga Kabuuang Pageview

Biyernes, Abril 20, 2012

Di totoong nagkaayos na sina Cristine at Ara


Mula sa pahayagang Aksyon
WHAT’S THE POINT?
Pilar Mateo   


NAKAKATAWA talaga ang ilang mga tao.  The day after na mag-file ni Ara Mina ng kasong Libel and Grave Coercion sa kanyang half-sister na si Cristine Reyes, may nagpakalat na agad ng balitang nagkaayos at nagka-bati na raw ang dalawa.

At ang kasunod pa, may balitang the day na nag-file siya ng kaso eh, pumunta raw ito sa Viva office para makipag-usap at makipag-ayos na nga sa kapatid.
“Not true!” ang say ni Ara.
Ano nga ba naman ito, laro?
Ikinadurog na nga ng puso’t kaluluwa niya ang mga pinaggagagawa ni Cristine kaya humantong na siya sa pagsasampa ng kaso rito, babalewalain niya lang na parang nagbiro lang ang lahat?
Mabalitaan man nating lumuha ng bato si Cristine o lumakad ito nang paluhod papunta sa Ate niya para humingi ng tawad -- wala nang maniniwala.
Dahil sigurado, one hundred per cent, mangyayari ‘yun pero definitely, hindi kay Cristine magmumula at susunod lang ito sa magmamando sa kanya para gawin ito for the sake of.
* * *
SOMETHING good is happening sa bandang Sponge Cola nina Yael Yuzon (lead vocals and guitar)Armo Armovit (guitar), Gosh Dilay (bass) at Ted ‘TMAC’ (drums). 
Naanyayahan kasi ang grupo sa May 4-6 para mag-perform sa Tom Lee Park in downtown Memphis (Tennessee) sa gaganaping 2012 Beale Street Music Festival, in lieu ng ika-36 anibersaryo ng nasabing festival. Kaya, first time na magpe-perform ng banda sa Amerika.
Sa nasabing festival, nakapag-perform na ang mga kilalang musical talents na gaya ng Dave Matthews band, John Mellencamp, Van Morrison, Flaming Lips, Foo Fighters, Stone Temple Pilots, Bob Dyla, Kid Rock, John Mayer, MGMT, Santana, Aretha  Franklin, Lou Reed, Katy Perry, John Legend, B.B. King, James Brown, Sarah McLachlan, Elvis Costello at marami pa.
Sa May 4, sasampa sa Horseshoe Stage ang Sponge Cola kasama ang Girl Talk, Lupe Fiasco at Breathe Carolina habang nasa iba’t ibang entablado naman ang Evanescence, Megadeth, My Morning Jacket at iba pa.
Sa May 5, Sponge Cola will perform uli sa Horseshoe Stage kasama  sina Dr. Dog, Anthony Hamilton, Black Lips, Big K.R.I.T. at si Al Green at nasa iba’t ibang entablado rin ang iba pang sikat na performers gaya ni PitBull , Jane’s Addiction, The Cult at marami pa.
Sa YouTube nakita ng officials ng Memphis in May International Festival ang music video ng Sponge Cola.  At bumisita nga sila sa bansa noong nakaraang buwan para makilala ang band members.
Memphis in May International Festival is a month-long celebration of local ang international color, customs, cuisines and culture.  
Think Woodstock some years back.  Ganito raw ang mae-experience ng Sponge Cola.  At ang Beale Street Music Festival nga ang pinaka-malaki nilang event. Magkakaroon din sila ng International Week Salute to the Philippines mula May 7-12 at iba pang activities.
Ayon sa President at CEO ng Memphis in May na si James L. Holt, “The opportunity to experience the immense history and culture of this Asia archipelago country will certainly make for an educational and enjoyable festival in May 2012.”
Tinanong namin ang bokalistang si Yael kung isasama ba niya o susunod sa kanya du’n ang sinasabing malapit sa puso niyang si Karylle. Iniiba-iba ni Yael ang mga sagot niya.
But seriously, happy naman daw si Karylle sa pagkakataong ito na dumating kina Yael.  Pero dahil may “It’s Showtime” ang dalaga eh, hindi ito makakapag-absent.  Minsan nga lang daw ito nawala sa show dahil kinailangang mag-out-of-town na may kinalaman din sa kanyang trabaho.
Tinanong din si Yael kung may plano na ba silang magpakasal ng dalaga.  Ngingiti-ngiti lang ang binata.
* * *

TIME na ba talaga para mag-mature na ang “Goin’ Bulilit’ graduate na si Sharlene San Pedro kaya sa episode mamayang gabi ng “MMK” (Maalaala Mo Kaya) ay papel na ng isang batang ina ang kanyang gagampanan?
Very thankful si Sharlene sa ibinigay na proyekto sa kanya.  At tinapangan daw niya ang loob sa challenge nito kung saan isasabuhay niya ang istorya ni Gigi, isang batang naging biktima ng karahasan na nagkaroon ng bunga.
“Alam ko po na kapupulutan ito ng aral.  At naging challenge rin po sa akin ‘yung role.”
Kasama ni Sharlene sa kanyang “MMK” episode sina Dante Rivero, Justin Cuyugan, Cherry Lou, Joy So, Chienna Roseph Filomeno, at Edrilyn Ocampo
Ito ay sa ilalim ng pananaliksik ni Akeem del Rosario, panulat ni Marie Ann Dimaculangan-Fampulme, at direksyon ni Don Cuaresma.




Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Disclaimer

Most of the videos and images posted on this blog were taken from the various sites on the internet, especially those embedded code from You Tube and results from google search.
My E-net claims no rights to the videos and photographs posted on this blog.
Any objection from the owner of the videos and photos posted herein, or any other reasons why they should not appear on this blog, contact me at gaseous@hotmail.com, and they will be removed immediately.