Mga Kabuuang Pageview

Sabado, Abril 28, 2012

Ate Vi pinagpapantasyahan ni Derek?


Mula sa pahayagang Aksyon
WHAT’S THE POINT?
Pilar Mateo  



DAHIL nga sa passion niya sa sports, si Derek Ramsay na rin ang magiging Ambassador ng TV5 sa 2012 Olympics na gaganapin sa London, England na iko-cover ng AKTV sa IBC-13, ang official free TV broadcaster ng 2012 London Olympics.
Kaya, masaya si Derek nang humarap ito sa kanyang press friends para muling mag-balita ng mga bagong kaganapan ngayong isa na siyang true-blue Kapatid.
Siya na nga ang magho-host ng “The Amazing race Pilippines” na magsisimula na sa Hunyo.
Kaya kahit na sumama ang loob ni Derek nang mabalitaan niyang may replacement na ang Star Cinema sa pelikula sanang pagsasamahan nila, inisip na lang daw niya na hindi nga siguro siya meant na gawin ang pelikula.
Kaya raw sumama ang loob niya, ang alam niya eh, na-shelve na ito.  At ito na nga raw ‘ata ‘yung movie kung saan papasok si Dingdong Dantes.
Sa tsikahang ‘yun din nalaman ng iba pang press na dapat pala eh, siya ang makakasama ni Batangas Governor Vilma Santos sa “In My Life.”  Naghintay daw siya uli sa tawag sa kanya pero nalaman niyang napalitan na pala siya sa nasabing proyekto.
At muli, nilinaw ni Derek ang patuloy na pagtawag sa kanya na mukhang pera sa ginawa niyang pagtanggap sa offer ng TV5 para ito na ang kumalinga sa career niya.
 “Masakit na ‘yun sa akin nung ‘di na-relay na hindi ko na pala gagawin ‘yung project with Ate Vi.  Kasi, nag-block off na ako ng mga schedules ko.  I guess they have their reasons.
“And it’s a known fact now na maraming beses naman akong nakipag-meet sa mga bosses ng ABS-CBN.  Hanggang matapos na my contract, hindi pa rin sila nakapag-decide.  And nakasama na rin du’n ‘yung pag-discuss sa Bea (Alonzo) movie.
“Tita Malou (Santos) was telling me na na ganito o ganyan ang plano.  And during all those meetings, alam naman nila because I have been open and honest with them about the offer.
“Kaya nga nasasabi ko na I’ve been loyal to them.  Sa contract ko, am supposed to have two soaps pero natapos ito na hindi na nangyari ‘yun.
“Kelan ba ang “Magkaribal?  Two years ago?  So, in 2011, I didn’t earn much.  Hindi naman ako under guaranteed contract na kahit wala akong projects eh, susuweldo ako.  
“May mga endorsements, yes.  Buti meron.  Eh, kung wala pala?  Ayoko naman mag-demand sa kanila that time although noon,  Sir Gabby (Lopez) was asking me na kung ano ‘yung wish list ko.  Sabi ko, I want it to come from them.  Ayokong kumatok.  I want to be chosen.
“Bali-bali na ang buto ko, basag-basag na ang tuhod ko.  Pero mas napa-prioritize ang mga intriga kesa nagagawa ko para sa bansa.  I have to be the one to give them the news na nag-second place tayo sa buong mundo in Frisbee.”
So, totoo ba ‘yung P600-M?
“It’s not true.  As God is my witness, it’s nowhere near.  With my six years in the business, marami pa akong kailangang gawin at patunayan.  That is too much!
“At saka, pinalaki naman ako na money is a necessity pero not a priority.  My parents gave me a good education.  And I am a very lucky guy, dahil I will feel confident when this is all over, I can rely on my education.
“So, ang pera’ng sinasabi nila, it’s more than that.  Oo, necessity ito, eh.  Kailangan. Pero sa akin, it’s not the one that runs my life.”
On May 1st, Derek will be in Boracay para sa Boracay Open.  At sa July 11-16 naman, nasa Japan siya para lumaban sa World Cup Frisbee bago ang Olympics sa London mula July 16-August 12.
Kung gagawa na raw siya ng pelikula sa TV5, dream pa rin niyang makatrabaho ang Star for All Seasons.  Anytime, anywhere.
At dahil may nagsabi sa kanya noon na para siyang ang yumaong mahusay na aktor na si Dindo Fernando, pinanood daw niya ang “Gaano Kadalas ang Minsan” kung saan nandoon si Ate Vi and Hilda Koronel.
Naging paborito niya ang pelikula kaya lagi niyang bukambibig.
Kaya, ask tuloy si Manay Lolit (Solis) kung pinapantasya ba niya ang Star for All Seasons.
Hindi nakasagot si Derek.  Namula lang. Tumawa!
Amazing!

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Disclaimer

Most of the videos and images posted on this blog were taken from the various sites on the internet, especially those embedded code from You Tube and results from google search.
My E-net claims no rights to the videos and photographs posted on this blog.
Any objection from the owner of the videos and photos posted herein, or any other reasons why they should not appear on this blog, contact me at gaseous@hotmail.com, and they will be removed immediately.