Mula sa pahayagang Aksyon
Xkandalo
Ni Roldan Castro
NABALITAAN namin na nakialam na ang National Press Club sa
pamumuno ni Jerry Yap sa gulo ng
isang movie writer na si Chito Alcid
at ang isang kontrobesyal na talent manager.
Kinatigan
ang naturang writer dahil sa pangha-harrass diumano sa kanya at pagmumura sa
kanya sa text.
Abangan
na lang natin ang official statement ng NPC
* * *
SEKSING-SEKSI at parang hindi nanganak si Andi Eigenmann. Ready na
siyang magbalik showbiz.
She revealed na sasabay na ulit siya sa paggawa
ng teleserye kung saan ay makakapareha niya si Jake Cuenca. Kasama rin niya
sina Gabby Concepcion at Iza Calzado.
Ang anak niyang si Ellie raw ang kanyang inspirasyon at lahat ng ginagawa raw niya
ngayon ay para sa baby girl.
Natanong kay Andi kung willing ba siyang
patawarin ang ama ng kanyang anak at aniya, wala naman daw nagso-sorry sa
kanya.
“Eh wala naman kasing nagso-sorry sa akin,
sinong papatawarin ko? If they want to
meet her and be part of her life, then I’m all for it.
“Siguro pag nag-sorry siya, papatawarin ko siya
kasi para sa akin, ’yung sa aming dalawa, I left that all in the past. I’ve moved on,” deklara ni Andi.
Ini-reveal din niyang nagkasalubong na raw sila
ulit ni Albie Casino pero mukhang
hindi raw siya kilala ng dating boyfriend.
* * *
NAGSAMA sa unang pagkakataon
sina Sarah Geronimo at Gerald Anderson sa isang music video
dahil sila ang kumanta ng summer station ID theme song ng ABS-CBN na “Pinoy
Summer, Da Best Forever.”
Sa awitin nina Sarah at Gerald ipapakita, kasama
ang pinakamalaki at pinakamaningning na Kapamilya personalities, ang tunay na
kulay ng Pinoy summer at ipapamalas ang mga dahilan kung bakit ang Pilipinas
ang pinakamagandang puntahan tuwing summer para sa mga turista at kababayan.
“Isasalarawan sa summer station ID kung paano
ipinagmamalaki ng mga Pinoy ang kanilang pinagmulan at mga pagpapahalaga sa
pamamagitan ng mga idinadaos na festivals sa bawat lugar.
“Ilan sa mga isasalamin dito ang
pagtutulungan, pagkakaisa, respeto, at pagmamahal sa sarili. Dagdagan pa yan ng kulay at saya ng mga Pinoy
na lalo pang magpapainit sa summer at mas magbibigay buhay sa selebrasyon,” sey
ni ABS-CBN Creative Communications head Robert
Labayen.
Katulad na lang ng festival dancers na
magbibigay ng libreng sakay sa cast ng ‘Banana Split’ na sina Angelica Panganiban, Zanjoe Marudo, John
Prats, Melai Cantiveros, Pooh, at Jason
Gainza.
Mag-uunahan naman sa pagkain ng mangga sa
Guimaras ang “It’s Showtime” hosts na sina Anne
Curtis, Vice Ganda, Vhong Navarro, Karylle, Billy Crawford, Kuya Kim, Ryan Bang, Colleen, Jugs, at Teddy.
Mas makulay rin ang parada dahil sa makulay at
namumulaklak na kasuotan ni Ai Ai delas Alas sa isang floral float.
Mapangahas naman na mag-cliff diving si Piolo Pascual para hanapin ang kagamitan
ng kaibigang aksidenteng nahulog sa asul at malinis nating karagatan.
Ipapakita ni Bea Alonzo kasama ang matatabang majorettes ang tunay na kahulugan
ng sexy habang tutulong naman ang ABS-CBN News anchors na sina Noli de Castro, Korina Sanchez, at Ted Failon sa prusisyon.
Ang theme song ay isinulat ni Christine Darla-Estabillo at musikang
likha nina Marcus at Amber Davis.
Ang 2012 Summer Station ID ay likha ng ABS-CBN
Creative Communications Management (CCM) kasama sina corporate marketing head Cookie Bartolome at Zita Aragon.
Pinamamahalaan ang produksyon nito nina Johnny delos Santos, Patrick de Leron, Ira
Zabat, Edsel Misenas, Kathrina Sanchez, Danie Sedilla-Cruz at Dang Fortaleza-Baldonado.
Kabilang naman sa Creative at Production team
sina Sheryl Ramos, Love Rose De Leon, Christine Joy Laxamana, Pamela Joy
Mercado, Mark Bravo, Christian Faustino, Christine Darla-Estabillo at Shally Tablada.
Ito ay sa ilalim ng direksyon ni Paolo Ramos kasama ang 2nd unit
directors na sina Johnny Delos Santos
at Peewee Gonzales.
Kasama rin sa team sina Jaime Porca, Technical production head; Rommel Andreo Sales, Director of Photography; Oliver Paler, Alfie Landayan at Meryl Miranda, Post Production Team; Lorenz Roi Morales, Editor; Darwin
Duenas, Production Coordinator; Sam
Esquillon, Production Designer; Marchie
Mallari, Artist Coordinator; Mary
Ann Rejano, Talent Caster; Marvin
Bragas, Location Manager at Marileth
Abejero, Photographer.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento