Mga Kabuuang Pageview

Huwebes, Abril 5, 2012

Aga pinaikut-ikot ang press


Mula sa pahayagang Aksyon
WHAT'S THE POINT?
Pilar Mateo   


PINABULAANAN ni Aga Muhlach na ang Viva na ang manager niya, matapos ngang mag-decision ang kanyang manager sa mahabang panahon na si Manay Ethel Ramos na tapusin na ang kanilang manager-talent relationship.
Hanggang sa huling pagtanggap ni Aga ng award, sinisikap nitong ipakita sa mga nasa paligid nila na sila pa rin ni Manay Ethel.
Pero gaya nga ng nasabi na sa mga malalapit sa kanya ng itinuturing na Dean ng Entertainment Writers, ito raw ang nag-decide para bitiwan na nga si Aga at panatilihin na lang ang pagiging kaibigan niya ng pamilya.
Ang naglabasan kasi, ang Viva, through Boss Vic del Rosario ang siyang nagsara ng naging deal ng Kapatid network para sa premyadong aktor.
Pero kung patuloy na sinasabi ni Aga na hindi Viva ang manager niya, eh 'di TV5 na ito kung gano'n?
At kung hindi pa rin, eh malamang na ang kanyang dakilang amang si Papa Cheng na 'yun. Unless, si Aga na mismo ang nagma-manage sa sarili niya, 'di ba?
O baka naman ang misis niyang si Charlene (Gonzales).
Nahihilo nga raw ang karamihan sa press sa paghanap ng solidong sagot mula sa nakadalawa nang Best Actor Award na aktor.
Dahil ang dali naman daw sabihin na 'oo, hindi na si Manay Ethel ang manager ko', 'di ba?
Bakit daw ba pinaiikot-ikot pa? Kung masakit daw ito sa loob ni Aga --natural naman 'yun dahil ilang taong binuno ni Manay Ethel na maiangat ang career niya.
Kaya nga, may dahilan para ito tuluyang magpaalam sa kanya.
Ang excuse na ibinibigay ni Aga, hindi siya sanay na pag-usapan sa publiko ang tungkol sa kanila ni Manay Ethel. Pero, hindi nga ito maiiwasan. Dahil marami syempre ang nagtataka...
And out of the goodness of her heart, sa huling pagtanggap ni Aga ng kanyang award mula sa “9th Golden Screen Awards” ng ENPRESS (Entertainment Press Society), Inc. nandoon si Manay Ethel to give him support.
* * *

HINDI naman itinatatwa ni Aga na maraming naiturong magagandang bagay sa kanya si Manay Ethel.
Kasama raw ba rito ang naging bigla-biglaang desisyon ngayon ni Aga na pasukin na rin ang mundo ng pulitika?
Unang nabalita eh, ang pagiging mayor ng Muntinlupa ang kanyang tatakbuhin.  Pero, hindi naman ito nangyari.
Pero ngayon, mula sa kanya, umingay na at nagkaroon na ng kumpirmasyon ang pagtakbo niya sa bayan ng kanyang mga magulang sa CamSur (Camarines Sur), sa ikaapat na distrito nito bilang Kongresista.
Kaya ang una raw nitong ginawa eh, ang pagpaparehistro sa bayan ng San Jose sa CamSur.
Ayon din sa kanyang panayam doon sa Teatrino, sinabi ng aktor na bigla na lang daw itong dumating sa kanya at nagustuhan niya ang naging dating na positibong pakiramdam para sa kanya.
Pagtulong ang puntirya ni Aga sa mas malawakang maaabot ng kanyang palad.  Gusto niya raw sumaya ang mga tao.
Dahil ang pakiramdam daw noon, kapag natulungan niya ang mga tao, ipinagmamalaki ng mga ito ang pangalan ng naghatid sa kanila ng tulong.
At kung palarin nga siya, hindi pa rin naman daw niya iiwan ang kanyang pagiging isang aktor. Ang pag-aartista raw ang hanapbuhay. And pulitika ang pagkakawanggawa.
Ang tataglaying inspsirasyon ni Aga sa paghahanda niya ngayon sa pagsalang sa mundo ng pulitika eh, ang paalala ng kanyang maybahay na “If you really decide to run, please, please lang, make sure that you do good!”

At kung mga miron naman na gaya natin ang magbibigay ng two cents' worth of advice natin sa actor -- gaya ng mga sumabak na sa larangang ito, marami sa mga nagtagumpay sa kanila eh, sa ibaba nagsimula.  Hanggang sa nagpatuloy ng kanilang paga-aral sa mga bagay na may kinalaman sa pulitika.
Nang sa gayon nga naman, hindi sila masisilat o magagamit ng mga kalaban nila.
It's a tougher and dirtier jungle out there.  Kaya, gaya ng paalala ni Charlene, if he can be the instrument to do the best para sa bayan niya sa CamSur, ngayon pa lang ay armasan na niya ang sarili niya ng mga dapat niyang maging panangga!
May naaalala lang ako kasi at nasasaktan ako para sa taong ito dahil sa mula't sapul eh, nakilala na namin ang pagkatao niya, hindi lang bilang isang artista.  Ang napapako ngayon sa krus na Kuya Dick (Councilor Roderick Paulate) namin.
It's his birthday today -- kasabay ng paborito ng aking editor na si Gas G. na si Snooky Serna!



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Disclaimer

Most of the videos and images posted on this blog were taken from the various sites on the internet, especially those embedded code from You Tube and results from google search.
My E-net claims no rights to the videos and photographs posted on this blog.
Any objection from the owner of the videos and photos posted herein, or any other reasons why they should not appear on this blog, contact me at gaseous@hotmail.com, and they will be removed immediately.