Mga Kabuuang Pageview

Miyerkules, Abril 25, 2012

Dolphy dapat lang na unahing gawing National Artist


Xkandalo
Ni Roldan Castro

PINAGTATALUNAN ngayon kung sino talaga ang dapat na gawaran bilang National Artist kina Gov. Vilma Santos, Superstar Nora Aunor, Eddie Garcia at Comedy King Dolphy.
Pero naniniwala si Sen. Jinggoy Estrada na nararapat daw na mauna munang parangalan ang Comedy King na si Dolphy.
 “Siguro unahin natin si Tito Dolphy because of his age, and because of his health, sana maitanghal siyang National Artist habang siya’y nabubuhay pa,” deklara niya.
Bagamat deserving din naman sina Gov. Vi, Ate Guy at Eddie G, naniniwala kami na nararapat at karapat-dapat na ibigay na ito kay Dolphy.
Tsuk!
* * *
BUONG ningning na sinasabi ni Jason Francisco, okey na raw siya ngayon.  Kumbaga,naka-move on na raw siya sa hiwalayan nila ng isa sa cast ng “Banana Split” na si Melai Cantiveros.
            Tanggap na raw niya na hindi talaga sila ang para sa isa't-isa ng dating minamahal.  Pero hindi naman daw niya malilimutan na minsan ay naging bahagi ng buhay niya si Melai at naging maligaya rin naman daw siya sa piling nito kahit pa marami raw silang awayan noon.
Hay!
* * *

ANO na ang nangyari kay Rodjun Cruz sa TV5?  Huling regular show niya ay ang “Bangis” ng TV5.  At napapanood lang siya sa “Sunday Funday.”
Siyempre,wish ng kuya ni Rayver (Cruz) na magkaroon ulit ng serye.  Gustung-gusto niya kasi ang umaarte sa harap ng kamera plus of course gusto niya rin namang kumita ulit.
Si Rodjun ay isa sa mina-manage ni Noel Ferrer, gaya nina Joross Gamboa, Rainier Castillo, et al. Pero mukhang  hindi sila visible gaano sa TV samantalang isa naman si Noel sa may koneksyon sa Singko.
Anong nangyari?
* * *
PINAG-UUSAPAN ang pagpunta ni Cong. Cynthia Villar sa “Will Time, Big Time” kasama ang mga candidates ng “Ms. Earth 2012” and “Ms. Earth Winners 2011” para  mag-promote ng Earth Day Celebration na ginanap nu’ng  April 19 sa Las Pinas-Paranaque Critical Habitat and Tourism Area.
Ilan sa ginawa nila ay ang Mangrove Planting along Las Piñas / Zapote River, Coastal clean-up, Distribution of bangkas to all Las Piñas Barangay & the alliance for stewardship formed by Diocese of Parañaque St. Andrews Cathedral, Lecture on Disaster Preparedness by the Las Piñas Red Cross, On the spot painting contest by local artists on nature sceneries, Prayer for the Earth by Diocese of Parañaque St. Andrews Cathedral of Parañaque.
Anyway, hiningan ni Willie si Cong. Cynthia Villar ng P50,000 sa contestant ng baliktaran na si Lee Ann Sarsoza na taga-Tandag, Surigao del Sur.
Samahan ito ng mga teachers kung saan naglalakbay-aral sila dito sa Maynila para sa kanilang cooperative sa probinsya.  Nasa 87 silang lahat na nanood ng “WTBT.”
Tinapatan din ni  Cong. Cynthia Villar ang bigay ni Willie na P15,000 para sa pambayad nito  sa DOH para magkaron ng lisensya sa pagiging massage therapist) sa tiyahin ni Dudoy (contestant sa Kantanong na ang category ay mga graduate na pasang awa 75% ang average).Kinupkop sya ng kanyang tiyahin na bulag at pati asawa nitong bulag nu’ng maghiwalay ang kanilang mga magulang.
Sobrang saya ang pagpunta ni Cong. Villar sa programa ni Willie dahil meron na namang nabiyayaan.
Bongga!




Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Disclaimer

Most of the videos and images posted on this blog were taken from the various sites on the internet, especially those embedded code from You Tube and results from google search.
My E-net claims no rights to the videos and photographs posted on this blog.
Any objection from the owner of the videos and photos posted herein, or any other reasons why they should not appear on this blog, contact me at gaseous@hotmail.com, and they will be removed immediately.