Mula sa pahayagang Aksyon
XKANDALO
ROLDAN CASTRO
BONGGA
dahil nauna ang Star Awards for Movies sa pagpaparangal bilang Best
Actor kina Aga Muhlach
at Jeorge ‘ER’ Estregan.
Si Angel Locsin naman ang best actress. Nasundan na ito ngayon
ng PASADO Awards na pareho ang resulta.
Sa Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation naman
ay nakuha pa rin nina Aga at Angel ang Film Actor and Actress of the Year para
sa pelikulang “In The Name of Love.”
Nakakuha naman si
Laguna Governor ER Ejercito ng
special award na Outstanding Government Service Award .
Pinag-uusapan naman
ngayon kung bakit ibinigay kay Vice
Ganda ay Phenomenal Box Office Star at
napunta kay Derek Ramsay ang
titulong Box-Office King.
Sina Anne Curtis and Cristine Reyes naman ang Box-Office Queens. Bakit tinagurian namang Box-Office Tandem
sina Vic Sotto and Ai Ai delas Alas?
Nakatsikahan
namin ang Airtime Producer na si Tita Tess Celestino. Ayon sa paliwanag niya, first time sa history ng pelikulang
Pilipino na tumabo sa takilya at nakapagtala ng pinakamataas na box-office
returns na P331.61 million ang pelikula ni Vice Ganda na “Unkabogable
Praybeyt Benjamin.”
Ito na raw ang simula na kailangang sundan
at habulin ang pagiging Box-Office Phenomenal star ni Vice. Deserving daw si Vice na bigyan ng
better at extra ordinary title.
Naging Box-office Tandem
naman sina Vic at Ai Ai dahil first time sa MMFF na nakapagtala ng gross na P237.88 mula December 25, 2011
hanggang sa pagtatapos ng festival noong January 7, 2012.
Bagamat umabot na ng
300 plus ang pelikula nilang “Enteng ng Ina Mo” ay hindi raw umabot sa
cut-off hanggang January 15.
Naging Box-Office king
si Derek dahil dalawang pelikula niyang ginawa last
year ay nakakuha ng first two highest box-office returns -- ang “Unkabogable
Praybeyt Benjamin” at “No Other Woman” na umabot ng 280 plus.
Ang leading ladies naman
ni Derek sa “No Other Woman” na sina Anne Curtis at Cristine
Reyes ang itinanghal na Box-Office Queens.
Congrats!
*
* *
NAKAKATUWA naman dahil
nakalabas na sa kulungan ang manager ni Gerald
Santos na si Dr. Rommel Ramilo.
Napawalang sala siya sa kasong kidnapping at child abuse.
“Dismissed ang case Roldan. Naiwan sa loob ‘yung mag-ina na nagdawit sa
akin,” text tsika niya sa amin.
“GOD
IS GOOD!!!!!!! IM BACK!!!!!! GOD IS JUST!!!!!! GOD IS IN CONTROL!!!!!!!!!!!
PRAISE BE TO OUR LORD AND SAVIOR JESUS CHRIST,” mababasa
naman sa kanyang Facebook Account.
May lesson na natutunan ang naturang
manager sa pagkakakulong niya. "Mag-ingat nang doble sa mga taong
pinagkakatiwalaan. Maglagay ng distansya sa fans.
“Mas maging maingat sa lahat ng mga
transactions. Mas pahalagahan ang mga
mahal sa buhay. Mas pahalagahan kahit 'yung maliliit na bagay na binibigay sa
atin ng Diyos.
“At pahalagahan ang mga kaibigang
karamay mo sa pinakamadilim na bahagi ng buhay mo. Napakabuti ng Diyos," deklara pa niya.
Balik na sa sirkulasyon si Doc
Rommel para asikasuhin ang naudlot na paggawa ng album ni Gerald at concert
nito sa Music Museum.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento