Mga Kabuuang Pageview

Linggo, Abril 29, 2012

Jake di na uubra kay Lovi


Mula sa pahayagang Aksyon
Chizbiz
Ni Erlinda Rapadas



 MUKHANG mahihirapan at magsisilbing malaking challenge kay Jake Cuenca ang panliligaw kay Lovi Poe.  Bukod kasi sa kanyang career naka-focus ang panahon ng morenang young actress, nagdesisyon itong ipahinga muna ang kanyang puso at ini-enjoy nang husto ang pagiging single at malaya niyang nagagawa ang mga gusto niya.
At habang nagtatagal nagiging mature ang pananaw niya sa maraming bagay.  Marami rin siyang leksyon sa pag-ibig na natutunan sa kanyang mga co-stars sa “Legacy” na sina Heart Evangelista, Alessandra de Rossi atbp.
Kung dati-rati ay kilalang "chicboy" at mabilis sa babae itong si Jake, let's see kung uubra siya kay Lovi Poe at makukuha  niya ang atensyon at pag-ibig ng daugther ni FPJ, lalo na't hindi ganun kadali magtiwala si Lovi sa mga manliligaw niya ngayon.
Samantala, marami sa viewers ng “Legacy” ang nakakapansin na ang laki-laki ng ipinagbago ng image ngayon ni Lovi at sosyal na sosyal na ang porma niya at nagpapatalbugan na sila ni Heart ng isinusuot na outfit sa nasabing toprated na teleserye ng GMA-7.
Balita namin, good influence kay Lovi si Heart na siyang nagtuturo at pumipili ng bagay na style ng damit, accessories, bags and shoes na ginagamit nila sa “Legacy.”
 May mga sponsors na kakilala si Heart at ipinakilala rin si Lovi.

* * *

HINDI kami pabor sa pagkukumpara ngayon kina Richard Gomez at Derek Ramsay. Hindi porke malaki ang offer na talent fee kay Derek ng TV5 ay etsapuwera na si Goma at hindi na nabibigyan ng importansya ng Kapatid network.
Binigyan naman ng malaking show si Richard,  ang “Biggest Show of the World Asia” at may mga nilabasan na ring mga teleserye dati sa Singko.
For sure, maging si Derek ay hindi gugustuhin na madehado sa TV5 si Goma nang dahil sa kanya!  Mas senior sa kanya si Richard Gomez at hinangaan din niya ito noon.
Huwag na lang daw sanang intrigahin at bigyan ng ibang kahulugan kung napunta man sa kanya ang pagho-host ng “Amazing Race Phils.” at pagko-coverage ng London Olympics.
Hindi raw siya (Derek) magiging threat kay Richard, kaya pakiusap niya ay tigilan na rin siya ng kanyang haters/bashers.  Kung kami naman ang nasa posisyon ni Richard ay dededmahin na lang namin ang pang-uurot ng ilang taong walang magawa sa buhay.
Hindi niya dapat isipin ang kumpetisyon sa kanila ni Derek sa bakuran ng TV5.  Afterall, with MVP gusto niyang maging masaya ang lahat ng kinukuha nilang artista!
* * *
ASSET ng anumang network ang isang Arnell Ignacio na napakapropesyonal magtrabaho. Kung dati-rati ay medyo suplado at aloof ang image niya sa entertainment press, ngayon ay super-duper na siyang tsumitsika sa mga reporters.
Marunong naman siyang mag-adjust at magpakumbaba kung kinakailangan. May pagka-perfectionist nga lang siya sa maraming bagay.
 Okey lang kay Arnell Ignacio sabihin man ng kanyang detractors na laos at pang-radio na lang siya.  
Pero, sa husay niya sa negosyo at paghawak ng pera, may matatag na kabuhayan na siyang naipundar.  Kaya never na magiging kaawa-awa ang buhay ng isang Arnell Ignacio!
* * *
MISMONG pamunuan na ng GMA network ang nagpahayag na hindi totoong nagpunta si Angel Locsin sa Siyete at may negosasyong nangyayari.
Well, posible kayang namalikmata lang ang ilang taong nagsabi na namataan niyang si Angel Locsin sa bakuran ng Kapuso network?
Hindi kaya si Glaiza de Castro ang nakita doon na napagkamalan lang na si Angel Locsin dahil halos magkahawig ang feature nilang dalawa?
Noong nagsisimula pa lang gumawa ng pangalan si Glaiza de Castro sa Siyeete ay si Angel Locsin na ang sikat nang young actress na bida sa “Darna.”  Pero, madalas na pinagkakamalan na Angel Locsin si Glaiza de Castro dahil may similarities siya kay Angel!
* * *
HINDI na nakapagtataka na sa maikling panahon lamang ay nagkalapit na ang loob ng PAO Chief na si Atty. Percida Acosta at ang mga manunulat na bumubuo ng Philippine Movie Press Club (PMPC).
Napakabait at down- to-earth kasi ang host ng programang “Public Atorni: Asunto O Areglo” at parehas kung makisama sa lahat.
Hindi ito namimili ng kausap at handang tumulong sa legal matters ng mga manunulat.
No wonder na nahirang rin siyang ng Darling of the Press ng PMPC.  Sobrang hectic ang shedule ni Atty. Percida Acosta, pero, naglaan ito ng oras at panahon upang makapagpasalamat sa PMPC at magbigay ng "Thank you party" sa lahat ng bumubuo sa club.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Disclaimer

Most of the videos and images posted on this blog were taken from the various sites on the internet, especially those embedded code from You Tube and results from google search.
My E-net claims no rights to the videos and photographs posted on this blog.
Any objection from the owner of the videos and photos posted herein, or any other reasons why they should not appear on this blog, contact me at gaseous@hotmail.com, and they will be removed immediately.