Mula sa pahayagang aksyon
SHOWBITZ & PIECES
VINIA VIVAR
KINUMPIRMA ni Kris Lawrence
sa kanyang panayam sa “The Buzz” last Sunday na na-shock siya nang ipagtapat sa
kanya ni Katrina Halili noong
Pebrero na dinadala nito ang kanilang magiging first baby.
“First
honestly, I was shocked. I didn’t know
what to think at first, I was like “uh-oh” kasi syempre, hindi planado. But then I stepped out of the picture and last
year, parang everytime I see babies, gusto ko na and you know, we’re pretty
much of age na,” say ni Kris.
Pinaka-importanteng
nilinaw ng singer ay ang tsismis na pinagdududahan niya na siya ang ama ng
bata. Aniya ay hindi raw ito totoo.
“No,
I never doubted that (na anak niya ang dinadala ni Katrina),” say niya.
Mariin din niyang itinanggi ang tsismis na
gusto raw niya at ng kanyang magulang na ipa-DNA test ang baby once na lumabas
ito.
“That
is super not true. Out of something so
positive which is the baby, they can still find negative things to say about me
which super are not true. Kaya nga sabi
okay, I’ll speak. What’s important is
between me and Karina and me and Katrina’s family.
Contrary
to the rumors, ayon kay Kris ay masayang-masaya raw ang kanyang mga magulang sa
balitang magkakaapo na sila.
“My
mom started crying,” say niya. “She
started crying out of happiness and she said, “Kat, I love you, welcome to the
family, alagaan mo ang sarili mo, Kris will take care of you.”
Pero
ang tungkol naman daw sa kasal, pareho raw nilang napagdesisyunan na kailangang
maramdaman muna nila ito.
“We will feel it. It’s one of those feelings na
mararamdaman mo talaga pag ready na kayo. Just because of the child doesn’t mean you
should get married .”
Needless
to say, buong-buong paninindigan ni Kris ang magiging baby nila ni Katrina. He
revealed na nag-open na raw siya ng account for the baby at nagtabi na raw ng
pera para sa panganganak ng girlfriend.
“Sa
amin ni Kat, dire-diretso lang kami, let’s be happy, let’s raise this kid and
let’s give him the best future that we can give him,” say pa ni Kris.
Kahit daw buntis na si Katrina ay napaka-sexy pa rin daw
nito sa kanyang paningin at araw-araw daw niyang sinasabi sa girlfriend na
“you’re the most beautiful pregnant mom.”
* * *
MALAPIT nang koronahan ang pinakabagong ‘Prinsesa ng
Primetime’ na si Kathryn Bernardo sa
pagsisimula napakaaking teleseryeng “The Princess and I” sa Abril 16 (Lunes).
Matapos makilala si Kathryn bilang si 'Mara' sa hit drama remake
na “Mara Clara,” mamahalin naman siya ngayon bilang si “Princess Mikay,” ang
nawawalang prinsesa ng kaharian ng Yangdon na lumaki sa Pilipinas.
Tatlong 'prinsipe' ang makakapareha ni Kathryn sa nasabing royal
teleserye -- sina Enrique Gil, Khalil
Ramos, at Daniel Padilla.
Kabilang din sa ‘royal cast’ ng teleserye ang ilan sa
pinakamalalaking pangalan sa industriya ng showbiz na sina Albert Martinez, Gretchen Barreto, Dominic Ochoa, Yayo Aguila, Precious
Lara Quigaman, Nina Dolino at Sharmaine
Suarez.
Ang “Princess and I” ay sa ilalim ng direksyon ni Dado Lumibao.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento