Mga Kabuuang Pageview

Lunes, Abril 2, 2012

Mariel di ipagpapalit sa baboy ang halik ni Robin


Mula sa pahayagang Aksyon
WHAT’S THE POINT?
Pilar Mateo   


HINDI na nga raw sila sa ancestral home ng mga Padilla sa Cuyapo, Nueva Ecija tutungo ngayong Semana Santa.
Ito ang pahayag ni Mariel Rodriguez sa “Paparazzi” noong Sabado. Dahil nga hindi pa rin pala in good terms ang mister niyang si Robin at ang ‘nagdalaga’ nang kapatid nitong si Rustom na ang katauhan eh, bilang BB Gandanghari na -- kaya naman aalis na lang sila ng bansa, kasama ang mga dalaga ni Binoe para sa Morocco magbakasyon.
Marami nga ang natutuwa kay Mariel sa pagsalang nito as one of the co-hosts ng “Paparazzi.”  
But that afternoon, dahil meron siyang mga binati on air, naging running joke na baka ‘yun na ang dahilan para mag-last day na siya sa nasabing programa.
Tawa lang ito nang tawa.
Actually, gustung-gusto nga niya ang naging pag-upo niya sa nasabing programa.
Natanong din si Mariel sa tsikahan with her ng press kung hindi na ba talaga siya kumakain ngayon ng pork, bilang pagsunod na rin sa relihiyon nila ng kanyang esposo.
“Hindi na talaga.  And nadiskubre ko naman na marami nang pwedeng ipalit.  I can eat naman beef and chicken.  
“Eh, meron ng lechong manok.  Meron namang turkey bacon.  Kaya, hindi naman ako talaga masyadong nanibago.
“We have to think na rin naman of our health. Kaya when we go out, like kakain sa restaurant, sinasabi na namin agad na ‘wag lalagyan ng pork.”
Eh, nalalaman din daw ba niya kung ang mantika or oil na ginagamit sa kinakain nila eh, hindi rin nagmula sa baboy?
“Ay, meron bang ganon?  Oo nga, ano?  Pero alam ko naman, marami na ring alternatives -- na para nga sa health.  There’s canola oil, vegetable oil at marami pang oil.”
Ano ba ang mangyayari kung sakaling aksidente eh, nakakain siya ng pork?
“Naku, ilang araw akong hindi puwedeng halikan ng asawa ko. Ipagpapalit ko ba naman sa baboy ang mga halik niya?  Syempre, hindi puwede ‘no!”
Kaya naman pala -- bawal ang pork!
* * *

MAY bahay na si Paolo Bediones!
Ito kasi ang isa sa pinagkakaabalahang programa ng naturang host, bukod sa mga existing shows na niya sa Kapatid Network.  Ang gaya sa mga kinagigiliwan na nating palabas sa ibang bansa kung saan may make-over ng mga bahay ang mga kilalang designers doon.
At 38, hindi lang bahay ang hinahanap kay Paolo ng mga taong malalapit sa kanya. Kundi ang magiging maybahay na niya.
Pati na nga ang kasama nito sa kanyang show na socialite na si Tessa Prieto-Valdez eh, naghahanap na rin ng mga babaeng irereto sa binata.
Sabi naman daw ni Paolo, he has a feeling na very soon eh, darating na ang babaeng laan para sa kanya talaga.
Wala naman daw siyang maraming requirements. Age does not matter.  Maski pa height and weight.
Basta ang sigurado, may bahay na si Paolo!  Sa rami na ng kanilang na-make-over, ‘sangkaterbang bahay na ang kanilang nagawa para sa mga deserving na magkaroon ng panibagong look ng mga tahanan nila.
* * *

AND speaking of mga bahay, tantanan na ng mga nang-iintrigang mas malaki ang kita ng misis niyang si Carmina Villarroel kay Zoren Legaspi!
Aba! Bongga ang naisip na business ni Zoren.
Bumibili ito ng mga lupa at dine-develop into several townhouses na siya niyang ibinebenta.
Meron na pala siyang ‘sangkaterbang lupang napatayuan na ng mga bahay.  Meron sa Pasig. At sa iba pang mga lugar.
Kaya kung interesado kayo, si Zoren ang hanapin niyo to get your dream homes.
Nagre-range sa three to five million ang nakita naming mga larawan ng isang townhouse na ibinebenta nito sa Greenwoods.
           

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Disclaimer

Most of the videos and images posted on this blog were taken from the various sites on the internet, especially those embedded code from You Tube and results from google search.
My E-net claims no rights to the videos and photographs posted on this blog.
Any objection from the owner of the videos and photos posted herein, or any other reasons why they should not appear on this blog, contact me at gaseous@hotmail.com, and they will be removed immediately.