Mula sa pahayagang Aksyon
WHAT’S THE POINT?
Pilar Mateo
ANG Tawi-Tawi ay isang island province na
kabilang sa ARMM (Autonomous Region in Muslim Mindanao). At ang capital nito ay Bongao. Nasa Southernmost part ito ng ating bansa
sharing sea borders with the Malaysian State of Sabah and the Indonesian East
Kalimantan province.
Sa Northeast naman
matatagpuan ang Sulu at sa West side ay ang Sabah ng Malaysia. Sabi rin sa
Wikipedia, Tawi-Tawi also covers some island in the Sulu Sea to the northwest,
the Cagayan de Tawi-Tawi Island and the Turtle Islands na beinte kilometro ang
layo mula sa Sabah.
Mula April 14 (Sabado)
hanggang katapusan ng buwan, ‘yun ang magiging location ng pelikulang gagawin
ni Brillante ‘Dante’ Mendoza na may pamagat na “The Womb!”
At ito rin ang unang
full-length film na sasalangan ng nag-iisang Superstar na si Nora Aunor
kung saan makakasama niya sina Lovi Poe, Bembol Roco at Mercedes
Cabral.
Ito ang ibinalita ng
representative ng TV5 (na siyang manager ng Superstar) na si Noel Ferrer sa
idinaos na reunion ng mga tagahanga ng Superstar sa 8th floor ng Aberdeen Court
(Great Eastern Hotel na) noong Lunes ng hapon -- bilang pag-welcome din
sa NOW (Noranians Worldwide).
Dumalo rito ang apat
na pinakamalalaking liga ng mga tagahanga ng Superstar -- ang Federacion, Solid
Group, GANAP at ICON.
Dito na rin
ipinagkaloob sa Superstar ang mga hindi niya personal na natanggap na mga
pagkilala mula sa PASADO.
Long-overdue na ang
nasabing pagkikita-kita. Kaya bago
tumungo ang grupo sa Tawi-Tawi, nagbigay na ng kanyang panahon ang Superstar
para makapiling ang may halos dalawandaang mga tagahanga niyang nagsama-sama
roon that afternoon.
Nagpa-raffle ng cash
at mga appliances ang Superstar. Nagkaroon
naman ng mga production numbers nila ang bawat grupo. At inasikaso itong lahat ng international
coordinator ng Noranians sa buong bansa at buong mundo na sina Albert Sunga
at Edgar Castro.
Present din sa
nasabing reunion ang kelanman eh, hindi na mawawala sa tabi ng Superstar, ang
Master Showman na si Kuya Germs (German
Moreno), sina Joanne Banaga at Sir Perci Intalan ng TV5, ang
best friend ng Superstar na si Manay Glenda Kennedy, mga anak na sina Matet
at Kenneth at ang anak-anakan ng Superstar na si Edgar Allan Guzman.
* * *
MARAMI na nga ang naiinip sa pagsisimula ng
magiging mga trabaho ng Superstar sa kanyang tatlong taong kontrata with
TV5.
Ayon sa spokesperson
ng TV5 for the Superstar na si Noel, habang hindi pa nagsisimula ang mauuna
nitong pelikula sa bakuran ng Kapatid, may mga plinano munang proyekto ang
Superstar bilang isa sa maituturing na may malaking impluwensya sa mga tao.
Uunahin na nga ang
“The Womb” na pinayagan ng TV5. At dito,
ayon na rin sa inilahad ni Noel, walang script na tatanganan ang mga artista sa
kanilang pagtatrabaho.
Magre-react sila sa
mga sitwasyon na sasalangan nila sa harap ng camera. Na in a way, masasabing experimental, dahil
ito ang isasagawa ni Direk Brillante.
Kaya, the scenes would
be mostly a cut from real life. At ang
magiging suporta nila eh, ang mga Badjao sa Tawi-Tawi.
Sa pagbabalik ng
Superstar mula sa kanyang trabaho sa pelikula, sasalang ito sa grand finals ng
“Talentadong Pinoy” bilang judge sa May 5 and 6 sa Amoranto Stadium.
Magkakaroon uli siya
ng break para tumungong muli sa Boston, Massachusetts para sa kanyang check-up
with her throat doctor at therapy na rin.
At bilang paghahanda
sa kanyang kaarawan (May 21) at sa selebrasyon na rin ng kanyang ika-45 na taon
sa industriya, isang seminar ang gusto nitong isagawa para sa lahat ng
manunulat, kung saan gagawa ang bawat isa ng profile o feature nila sa
Superstar, mula sa gagawing no-holds barred interview dito.
At ito naman daw ang
magbibigay ng Press Awards sa puntong ‘yun. Meron din siyang plano para naman sa mga
photographers sa Camera Club of the Philippines.
Ang magiging
culmination nito eh, isang aklat, bukod pa sa ginagawa na ng premyadong
scriptwriter na si Ricky Lee na talambuhay ng Superstar. Naririyan din ang pagse-celebrate ng thirty
years ng “Himala” at ito naman eh, isasagawa sa pakikipag-ugnayan sa gobernadora
ng Ilocos Norte na si Imee Marcos.
Kung may tahanan na
ang memorabilia ng Superstar sa kanyang bayan sa Iriga, maglalagay din sila ng
tahanan nito dito sa Maynila. At
sisimulan din nito ang kanyang Isang Tinig Foundation.
Napabalita na ang
magiging suporta niya sa mga dulang itatanghal very soon -- ang “Bona” (na
tatampukan ni Eugene Domingo) at ang “Bakit Bughaw ang Langit” (na
tatampukan ni Edgar Allan at Katherine Luna).
At naghahanap ang
Superstar ng isa pang proyektong isasadula sa entablado na siya na uli mismo
ang gaganap.
Dagdag ni Noel,
“Everything is a work in progress”.
Kung masusunod ang
time-table na inilaan para sa lahat ng ito, walang magiging bulilyaso -- maraming
magagawa ang Superstar in front and behind the cameras!
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento