Mula sa pahayagang Aksyon
SHOWBITZ & PIECES
VINIA VIVAR
KUNG
si Sharon Cuneta ang tatanungin,
gusto niyang matapos na ang gulo sa pagitan nila ng kanyang Auntie Helen Gamboa kaya nga nagri-reach out
na raw siya sa Tita na matatandaang nakaalitan niya kamakailan.
Takot
daw siya sa tiyahin niya kaya ipinararating niya kay Ciara (Sotto) ang pakikipag-ayos at kay Richard Gomez na kasama ni Helen sa “Walang Hanggan.”
Kapag
nagti-taping daw si Goma at Tita
Helen niya ay nagte-text siya kay Goma
para ipabasa sa tiyahin pero hindi raw siya pinapansin.
“Syempre,
masama pa kasi ang loob niya,” tila pagdedepensa ni Shawie sa tyahin.
Sa presscon para sa daily talk show ng
Megastar sa TV5, ang “Sharon, Kasama mo Kapatid” ay sinabi niyang wala naman
daw siyang sinabing masama sa kanyang interview kay Wilson Flores na siyang ikinagalit ng kanyang auntie.
Ang pinag-uusapan daw nila ni Wilson sa interview ay
tungkol sa yumaong si Fernando Poe, Jr
at kung paano niya sinabi ang kanyang lungkot na hindi niya ito natulungan sa
kampanya noong tumakbo itong Presidente simply because nasa administrasyon ang
kanyang asawang si Sen. Kiko.
“Kasi we were talking about showbiz in general, si FPJ pa nga ang topic, na I
wanted to help him, buntis ako kay Miel,
pero awa ng Diyos, binigay talaga ng Diyos sa akin na makausap ko si FPJ, ang
witness ko diyan si Susan Tagle.
“And then ang ending namin, nag-I love you kami, tapos namatay na siya,”
naiiyak na sabi ni Shawie.
Tinanong daw siya ni Wilson kung naniniwala siyang nakaka-destroy ng
relationships ang politics at sinagot niyang “yes, that’s why sometimes when
your uncle says something about your husband, you don’t understand”.
Then she added still crying, “’yun lang ang sinabi ko, tapos, ang sakit-sakit
na ng sinabi niya (Helen). Ang joke ko
nga kay Ciara, ginawa niya akong saranggola ni Pepe, kelan ako naging matayog.”
Noon pa raw ay never niyang pinatulan ang lahat ng sinabi ng Uncle Tito niya
lalo pa nga’t parang ama rin ang turing niya dito.
“Gusto ko lang linawin, mahal na mahal ko ang Tita Helen ko. Hindi ko siya dini-disrespect kaya lang,
siguro naman, 46 na ako, mayroon din naman akong karapatang masaktan at
magpalipas lamang ba ng sama ng loob bago humarap para naman walang plastikan.
“’Yun lang naman ‘yun, hindi ako nagmamalaki, hindi ako lumaking ganu’n. Nakakahiya pag nagmalaki ako dahil kasama siya
sa nagpalaki sa akin.
“So, kung totoo lahat ang paratang niya, napaka-delayed reaction ko naman na
lumaki ang ulo,” umiiyak-tumatawang sabi ni Sharon.
“Mahal na mahal ko sila, gusto ko lang linawin pero alam n’yo, kahit sa
Bibliya, pag nag-asawa ka, kailangan you side with your husband, di ba? Iiwanan mo nga lahat para sa asawa mo.
“Kaya ang hirap ng sitwasyon ko, eh. Napakahirap talaga. Pero ayoko ng gulo, eh, mahal na mahal ko ang
mga kapamilya ko, lalo na ang mga kapatid kong Sotto, I miss them so much.”
Sa bandang huli ay humingi ng paumahin
si Sharon sa kanyang Auntie Helen at Uncle Tito.
“Sorry po if I hurt you, but you know, I had to support my husband, ‘yun lang
naman, I think that’s understandable. Alangan namang iwanan ko si Kiko.
“Siyempre nasasaktan ako, kasi tatay ng anak ko ‘yun. Pero wala na ‘yun sa amin, sana tapos na. Naloka lang ako na lumabas pa kay Ricky Lo.
“Sana
sinabunutan na lang niya ako, pwede naman niya akong paluin hanggang ngayon,”
say ni Sharon na idinaaan na lang sa tawa ang mga hinaing din.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento